Chapter 7: Mr.Scientist

21 4 0
                                    


Chapter 7: Mr.Scientist

SINARA ko na ang sasakyan. Suot ang bagong bili ko na black suit. Feel ko kasi maging presentable ngayon.

Ngayon ang unang araw ng mission namin. Heto at kasama ko ang mga kagrupo ko at nasa iisang BMW na sasakyan kami na pagmamay ari ni Agent XO1. Sya lang naman ang pinakamahilig sa mga equipment ano pa ba aasahan mo sa isang agent. Modified at upgraded daw ito para pwede sa kahit anong paglalakbay.

"Alam mo nakakatawa ka talaga First, wala ka bang permanenteng costume?? Sa itsura mo para ka lang waiter." Tukso sa akin ni Oni

"Kaysa naman sa iyo na nakabrief lang. Ano yan para tipid sa labahan? O naubusan na kayo ng tela sa bahay nyo?" Bawi ko sa kanya at nagtawanan sila.

"Loko! Ito ang uso at para saan pa ang mga muscles kung di mo din ipapakita?" Sabi nya sabay pasikat ng bisceps nya

"Alam mo para kang Comics Character, walang palit palit ng damit. O baka idol mo yung mga tangang superhero na nauuna ang pantalon bago ang brief?" Kantyaw ko at nagtawanan sila. Ang babaw naman ng kasiyahan nila.

Tuloy lang ang asaran namin tungkol sa costume at pilit nyang pinagmamalaki. Sa tawanan nila ay biglang huminto ang kotse. Nakita namin sa harap ang isang mala elepanteng shokoy na kumakain ng laman loob ng hayop. Suot ang T-shirt at may tatak na "Class B rank 43". Bumaba kami sa kotse dahil ang laking harang nya.

Dumampot si Blast ng bato "Hoy taba! Umalis ka nga sa dinadaanan namin." Sigaw nito sabay binato sa likod ang halimaw at mukhang nakuha nya ang atensyon nito.

"Aba mukhang isa ka sa mga halimaw na nakawala sa prisinto." Sabi ni Oni. Mukhang may kakaiba sa paligid namin kaya nilingon ko si Katana na mukhang nakaramdam din.

Gaya ng inaasahan ko, mabilis na naglaho ang halimaw na kinagulat ng ibang kasama namin.

"Isa itong ambush" bigkas ni Katana at nagtalikuran kami. Tama sya iba ang ihip ng hangin.

May mga halimaw na nagsilabasan sa paligid. Bigla nalang kaming nakulong sa isang malaking hawla. Nagpanic ang mga kasama ko at pilit tinatanggal ang mga bakal ng hawla, pero nabigo sila sapagkat may kung anong force field o barrier ang nakaharang dito.

"Lintek na! First tulungan mo kami dito!" Sigaw ni Oni "Itigil nyo yan Class S hero. Mag aaksaya lang kayo ng lakas dahil special cage ang ginamit namin para sa inyo." Bigkas ng nilalang na naglalakad palabas sa madilim na gubat. Isang nakaitim na balabal ang nakita namin.

"Anong kailangan nyo sa amin!" Sigaw ni Agent XO1

"Kailangan namin? Mwahahaha!" At umariba sya sa tawa na nakakainsulto

"Oh baka kayo ang may kailangan sa amin??" Tanong nya sa amin ng may malademonyong ngiti.

Pero tinitigan lang namin sila "Ow look their stupidity. They don't even know or should I say your secret stupid mission? Ahahaha" sabi nya at tumawa ulit.

Bakit ang babaw ng tawa ng halimaw na ito? Kaya tinapik ko na si Katana "Patahimikin mo na nakakairita" sabi ko dahil alam kong naiirita na din sya. Sa isang iglap nakalabas na si katana at nanlilisik ang mata. Nagulat ang mga halimaw "T-teka ? P-paanong ??" Taka ng elepanteng shokoy pero sa isang iglap napugutan na sya ng ulo.

Lumiwanag ang mukha namin at napa appear sa isat isa habang biglang nagcheer si Oni kay Katana. "Wooh! Rank 3 namin yan! Go Katana! Go Katana!" Cheer ni Oni. Lumingon sa amin si katana na may demonyitang ngiti at natahimik kami dahil sa takot. "Nakakatakot talaga sya" wika ni Oni

"Huhulaan ko halimaw, isa kang baliw na scientist na magaling sa mutation. At itong mga alaga mo na galing sa prisinto ay ginamit mo para mapasok ang H.O. upang makalikom ng mga informations. At yung hawla na ginamit mo ay ang eksaktong cage na ginamit sa panghuhuli sa mga alaga mong halimaw." Paliwanag ni Katana at halatang nagulat ang mga halimaw lalo na ang leader nila dahil tama lahat ng prediksyon niya.

"Ow may nakalimutan pa ata ako sa hula ko, planado ang ambush na ito. Lastly, ang kahihinatnan lang nito kung magtagumpay kayo ay gagamitin mo kami sa iyong experiment at gagawing mutant mo. Ang kaso bakit may mali ata kayo.... nakalimutan nyong Class S hero ang tinapatan nyo" pacute na sabi ni Katana para mas maasar ito.

Isang iglap puro lasog lasog na halimaw ang nakakalat. Natira lamang ang Scientist. "IMPOSIBLE! tama ang lahat ng kalkulasyon ko! Paanong ganon lang kadali sa iyo ang makalabas dyan!. Humanda ka ngayon!." Di inasahan ni Katana ang pagwawala ng scientist at mabilis na nakalapit sa kanya, muntik na syang tamaan nito. Sumugod lang ng sumugod ang halimaw at sa huli ay natamaan nya si Katana at tumilapon sa puno. "Hahaha ano ka ngayon babae?! Wag mo maliitin ang kakayahan ko! may mali ka din. Ikaw lang ang nag iisa paano kung damihan natin ang kalaban mo?" Sabi nito at maya maya ay biglang dumami ang scientist.

Dumura si Katana ng dugo at tumayo habang nakatungo ang ulo. Pumitik sya "Boys! Tama na ang laro at lumabas na nga kayo dyan, hahayaan nyo bang babae lang ang magtrabaho?" Sabi nito.

Tumawa lang ang Scientist. "Lalabas? Haha kitang kita ko kanina na di nila kayang..." natigilan ito ng marinig ang pagkasira ng kulungan.

Maangas na lumabas sa hawla ang apat na lalaki. Tangay ang buhok nila ng hangin, nanlilisik ang mga mata ng mga ito.

Tinabihan nila si Katana habang napapalibutan sila ng sangkatutak na scientist na halimaw.

Sa inis ng halimaw ay sumugod na sya kasama ang ibang clone nya. Handa na ang apat na umatake pero humakbang si Oni at hinarang ang kamay nya. "Hayaan nyo munang ako ang tumapos nito" sabi nito at pinagdikit ang dalawang palad na tila slow motion na palakpak at maya maya ay nagspread out ang mga ito.

"Black Hole" sabi nya at may lumabas nga na butas na humigop sa sangkatutak na halimaw.

Natira sa dulo ang nangangatog na scientist. Di inaasahan ang lakas ng grupo. Sa kaba ay halos napaihi sa pantalon ang scientist.

"Waaaah!! Ayoko na!!!!" Sigaw nito habang tumatakbo palayo ngunit masyado syang mabagal at bumangga sa matigas na katawan ni Blast. Puno ng kaba ang halimaw at tumalikod kaso tumututok mismo sa mukha nya ang special gun ni Agent XO1. Napaluhod nalamang ito at nakataas ang kamay.

"Makakaalis kana." Bigkas ni Neo na kinagulat ng scientist "Wag ka ng magiging masama ulit ok?" Dagdag nito.

Maiyak iyak itong tumakbo sa gubat.

Sumabog na sa katatawanan ang apat na kasama ni Neo. "Hahaha mukhang mag eenjoy tayo sa road-trip na ito!" Sigaw ni Oni at bumalik na sila aa sasakyan na tila walang nangyari.

Sa di kalayuan, may isang grupo ang nagmamasid sa limang heroes. Sumulpot sa likod nila ang scientist na halimaw.

"B-boss ! Masyado silang malakas! P-patawad po " pagmamakaawa nito sa leader ng grupo. "Mr. Krunos, hindi na din masama ang pinakita mo. Kahit papaano ay nakilala din natin sila. Maswerte ka at wala ako sa mood para paslangin ka pa." Mahinahong sabi nito habang paalis.

Lumiwanag ang mukha ni Mr.Krunos pero nakadama sya ng matinding pagsakal at ilang sandali ay natanggalan sya ng ulo habang sumisirit ang dugo sa leeg nya ay nakapagsalita pa ito. "B-bakit nyo ako t-trinay..dor??!" sabi nito ng makita nya sa huling pagkakataon ang itsura ng mga kasamahan nya na tumatawa.

"Ang sabi ko wala ako sa mood para patayin ka pero di ibig sabihin na ligtas kana sa iba." Asar ng leader ng grupo at tuluyang dinurog ang scientist na halimaw.

����9\

Unexpected HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon