Chapter 2 - HEARTBREAK

181 2 0
                                    

"Engr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Engr. Del Rosario, si Francis po, kapatid ko. Kasama po siya sa batch ng mga trainees para ngayong taon." Pakilala sa'kin ni Ate Ceska sa head ng Engineering Department sa aming munisipyo.

"Ah Francis Garcia, oo nga nasabi nga sa akin ni Irish yan."

"So Sir iwan ko na po sa inyo yang kapatid ko, kayo na po bahala sa kanya."

"Oo, walang problema. Malakas ka sa akin eh. Saka nandito na rin naman yung dalawa pang trainees." Iniwan na ko ni Ate Ceska dahil meron rin siyang trabaho.

"So, Francis ... okay lang bang Francis ang itawag ko sa iyo o may iba ka pang palayaw?"

"Francis na lang po."

"Okay, halika rito. Sila yung dalawa pang trainees na galing sa ibang University. Si Mr. Noel Ortega at si Ms. Pia Pareñas." Pakilala niya sa dalawa pang trainees na makakasama ko.

Si Noel ay mukhang kasing edad ko lang, katamtaman ang pangangatawan at halos kasing tangkad ko. At si Ms. Pia, pamilyar ang mukha niya sa akin. Maganda siya, morena at balingkinitan.

"Kamusta?" Sabi ko habang kinakamayan sila.

"Siya naman si Francis Garcia. So tatlo kayong trainees. Eto ang magiging desk niyo." Tinuro ni Engr. Del Rosario ang mga desk sa bandang likuran ng opisina.

Nakaayos ang mga mesa at upuan nang tatluhan, tatlong desk na magkakasunod at tatlong desk na magkakatabi pahalang. Sa 3rd row na magkakatabing desk ang sa aming tatlo.

"Dito ka Noel sa dulong desk sa kaliwa at ikaw naman Francis ay yung dulong desk sa kanan. At ikaw na lang ang sa gitna nila Ms. Pia, yung dulong desk din. Sa ngayon gusto kong pag-aralan ninyo itong mga layouts na ito." Inabot ni Engr. Del Rosario sa amin ang mga naka-rolyong blueprints. "Iyan ang mga layouts na pinasa ng mga Industrial Plants para sa kanilang Mechanical & Electrical Permits. So tatlo kayong magtutulong-tulong diyan, at bigyan niyo ako ng reports or recommendations sa bawat planta. Okay?"

"YES SIR." Sagot naming tatlo at pumwesto na rin kami sa kanya-kanya naming mesa.

"So anim pala itong mga layouts, gusto niyo ba tig-dadalawa na lang tayo?" Sabi agad ni Ms. Pia. Aba, parang alam na alam na niya ang gagawin.

"Okay lang sa'kin Ms. Pia." Sabi ni Noel.

"Ano ka ba, Pia na lang. For sure magkakasing edad lang naman tayo diba?" Pa-cute naman itong isang ito.

"Paano yung reporting kung mag-iindividual work tayo? Hindi ba dapat group tayo?" Medyo may inis sa boses ko.

"Ah Francis naisip ko kasi na hatiin muna natin yung mga layouts para ma-analyze muna natin separately and then kung mayroon na tayong mga recommendations sa mga layouts na hawak natin, saka tayo mag-discuss kung okay ba yung recommendations ng bawat isa."

"Mukha ngang magandang idea yun pare." Sangayon naman ni Noel na mukhang may gusto kay Pia.

"Teka lang Ms. Pia, group tayo, so siguro mas maganda mag-discuss tayo ng gagawin sa mga layouts na yan at saka tayo magdesisyon. Hindi naman dapat siguro na isa lang ang magde-decide diba?"

When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon