Sa naging usapan namin ni Nanay na iyon, napag-desisyunan kong ipagtapat na kay Pia ang nararamdaman ko. Sinabi ko na rin muna ang balak ko na ito kay Noel pagpasok namin sa opisina kinabukasan.
"Noel pare!" Salubong ko kay Noel pagpasok ko pa lang ng opisina. Nandoon na rin si Pia pero tinignan lang niya ako. "Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko kay Noel.
"Oo naman. Parang napakahalaga naman niyan." Hinila ko si Noel palabas ng opisina. "Ano ba yun pare?"
"Magtatapat na ako kay Pia." Pagbubunyag ko kay Noel.
"Ha? Talaga? So handa ka na? Wala ka na bang pag-aalinlangan?"
"Naliwanagan kasi ako kagabi nung nag-usap kami ni Nanay."
"Dapat pala nung umpisa pa lang si Nanay Juling na pinakausap ko sa'yo. So, ngayon na ba? Tatawagin ko si Pia."
"Hindi pare. Mamaya na pag-uwi niya sa bahay niya. Hintayin ko na lang siya."
Pagtapos ng pag-uusap namin ni Noel ay pumasok na ulit kami ng opisina. Tinignan lang kami ni Pia at bumalik na rin sa ginagawa niya. Si Noel naman pakanta-kanta na parang mas excited pa sa akin.
Buong araw ay tahimik lang si Pia. Naisip ko na lang baka dahil sa nangyari kagabi kaya hindi niya ako pinapansin. Pero hindi na magbabago ang isip ko. Baka lalo lang siyang mawala kung hindi ko pa sasabihin na mahal ko siya.
Nag-lunch-out siya ngayon kasama si Alex. Mukhang ito na ang simula ng pagbibigay niya ng tyansa kay Alex para ligawan siya. At sa pag-uwi ay sinundo na naman siya nito. Kaya inunahan ko na lang sila sa bahay ni Pia. Hihintayin ko na lang na umalis si Alex bago ko kausapin si Pia.
---
Thirty minutes na akong naghihintay pero hindi pa rin dumadating sila Pia at Alex. Mukhang may pinuntahan pa sila. Mga isang oras pa ang nagdaan dumating na ang sasakyan ni Alex. Unang bumaba si Alex. Mukhang ang saya ng loko na 'to. Pinagbuksan niya ng pinto si Pia. Medyo naka-distansya ako sa bahay ni Pia kaya hindi nila ako nakikita. Mukhang nagpapaalam na si Pia kay Alex. Nang patalikod na si Pia para buksan ang gate ng bahay niya, hinawakan siya ni Alex sa braso na parang pinipigilan siyang pumasok. Napaharap si Pia sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak ni Alex sa braso niya. May sinasabi si Alex pero tinulak siya ni Pia at mukhang naiinis si Pia. Bumaba ako ng motor ko para lapitan na sila. Si Pia sinubukan ulit buksan ang gate ng bahay niya pero pinigilan na naman siya ni Alex at mukhang gusto siyang ... halikan?! Mabilis akong lumapit sa kanila at hinablot ko ang kwelyo ng suot na polo ni Alex sabay sinuntok ko siya sa kaliwang pisngi.
"Siraulo ka!" Sigaw ko kay Alex.
"Francis!" Gulat na sambit ni Pia sa pangalan ko.
"Ano bang problema mo?" Sigaw naman ni Alex sa akin sabay ganti niya ng suntok. Napa-atras ako sa suntok niya at napasigaw si Pia. Hindi na rin ako nag-atubili na gantihan siya ng isa pang suntok. Tinamaan ko ulit siya sa kaliwang pisngi at doon napa-upo siya. Hinatak ko naman ulit siya patayo.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Love Again (completed)
RomanceMr.Sungit ... Heartbroken lang may karapatan nang magsungit? Move-on Move-on din pag may time! Heartbreak, a very last thing we want to happen in life. It is also one reason why we became someone who we really are not. But heartbreak is also a way t...