Chapter 13 - HURTING

92 2 0
                                    

"Good morning everyone!" Bati ni Engr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good morning everyone!" Bati ni Engr. Del Rosario. "Francis, Pia to my office."

Nakabalik na nga kami sa trabaho. Matapos ang nangyari sa amin sa resort hindi na kami ulit nakapag-usap pa ni Pia. Kahit sa sasakyan habang pauwi kami, sa haba ng byahe na iyon, hindi kami nag-usap. Actually mas pinili kasi rin niyang umupo sa tabi ng driver at si Ate Ceska naman ang katabi ko. Siguro nga masama rin ang loob niya sa akin at ayaw rin niyang makatabi si Hannah. Ngayong umaga naman, hindi ko rin siya sinundo. Kaya medyo na-guilty ako dahil na-late siya ng pasok. Masama rin kasi ang loob ko. Kahit kasi text, hinidi niya magawa. Hindi ko alam, baka naghihintayan nga lang kami kung sino ang mauuna sa amin na makipag-usap. Pero sa ngayon kasi hindi pa ako handang makipag-usap kay Pia. Baka makapagsalita lang ako ng hindi maganda sa kanya.

"Alam niyo naman na siguro na ngayon mag-uumpisa ang project ninyo. Si Ar. Sally at Ar. Roland ay nauna na sa site. Pwede na kayong sumunod doon. Ang mangyayari niyan ay sa site na kayo dederetso araw-araw at reporting na lang kayo sa akin every friday about sa progress ng project niyo. So goodluck guys. Kaya niyo 'yan." Kinamayan kami ni Engr. Del Rosario pagkatapos ay lumabas na kami ng opisina niya.

Kinuha lang namin ang gamit namin at lumabas na ng munisipyo. Dumeretso na rin ako agad sa motor ko. Nawala sa isip kong isabay si Pia, paglingon ko sa kanya nakapara na siya ng tricycle. Mali ito. Bakit ba kasi hindi ko siya tinanong kung sasabay siya o hindi ba dapat isabay ko talaga siya. Sumakay na lang din ako ng motor at umalis.

Pagdating sa site, nauna ako kay Pia. Ilang sandali pa ay dumating na rin siya sakay ng tricycle. Sinalubong naman kami nila Ar. Sally at Ar. Roland.

"O, bakit hindi kayo sabay?" Tanong ni Architect Sally. "Well, anyway halina kayo para mapakilala na namin kayo sa mga makakasama niyo."

May maliit na opsina silang itinayo. Pumasok kami doon at may dalawang lalaking naghihintay. Ang isa ay medyo may edad na at ang isa naman ay mukhang kasing edad lang namin ni Pia.

"Engr. Garcia, Engr. Pareñas eto si Mang Nelson siya ang mason natin." Pakilala ni Ar. Roland at kinamayan namin siya ni Pia. "Eto naman si Ar. Raymond Bautista apprentice namin ni Sally at pamangkin namin." Kinamayan din namin siya ni Pia, pero pagkamay niya kay Pia, ngumiti siya at nag-HI.

"Sila naman sina Engr. Francis Garcia at Engr. Pia Pareñas." Pakilala naman sa amin ni Ar. Roland. "Kayo ang magkakasama sa project na'to."

"Francis, Pia si Raymond ang makakasama niyong Architect. Kami ni Roland ay sa ibang proyekto naman maa-assign. Pero don't worry sisilip-silip pa rin naman kami. And also Raymond will be reporting to us." Paliwanag ni Ar. Sally.

Umalis na rin sila Ar. Roland at Ar. Sally. Nag-umpisa na rin kami sa trabaho namin. As usual kami ni Pia ay proffessional naman pagdating sa trabaho kaya set aside muna kung anumang tampuhan ang meron kami. Tampuhan nga lang ba'to?

Habang nag-di-discuss kami with Mang Nelson & Ar. Raymond, halata naman ang pagpa-pa-cute nitong si Raymond kay Pia. Pero parang wala lang naman kay Pia. Kaya naman lalo akong naiinis. Kung selos man 'to, lalong nakakadagdag sa naramramdaman kong galit sa sitwasyon namin ngayon ni Pia.

When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon