SHE'S MY DESTINY

140 2 0
                                    

—After two and a half years—

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

—After two and a half years—

"Ate kinakabahan ako."

"Ano ka ba, all set na. Ngayon ka pa ba kakabahan?"

"Eh, paano kung humindi siya."

"Ano ka ba, be positive. Hindi siya tatanggi okay!"

"Oh pare, okay na yung banda ko ha. Ready ka na ba?"

"Ay naku Noel, itong kaibigan mo kinakabahan. Baka daw kasi tanggihan siya."

"Ay sus, kaya mo 'yan pare. Pag hindi pumayag, daanin natin sa santong paspasan."

"Baliw!"

"Joke lang, kumalma ka kasi. O Ate Ceska ikaw na bahala diyan sa utol mo ha. Mauna na kami sa venue."

"Okay na ba ayos ko Te! Yung buhok ko?"

"Oo poging-pogi ka na! Halika na lumabas na tayo at naghihintay na si Kuya Franco sa labas."

"O sige tara."

. . .

Napatulala na naman ako sa kagandahan niya. Simple lang ang ayos niya pero bakit napakaganda niya. Araw-araw ko naman siyang nakikta pero bakit natutulala pa rin ako sa ganda niya.

"Ah ... may mali ba sa ayos ko? Ayaw mo ba?"

"Ang ganda mo ..."

"Salamat, ikaw din ang gwapo mo."

Ang ngiti niya, nakakapag-pangiti rin sa puso ko.

"Ah Francis, para sa'kin ba iyan?

"Ah, oo. Flowers for you. Happy Anniversary"

"Happy Anniversary. Ahm ... I think we better go."

"Ah ... oo nga ... tara."

. . .

"Hi Kuya Franco."

"Hi Pia, ako muna ang magiging driver niyo for tonight."

"Ganoon ba, salamat Kuya."

"Walang problema."

Ang malambot niyang mga kamay na gusto kong hawakan habang buhay.

. . .

"Wow, napakaganda pa rin talaga rito Francis."

"Masaya ka ba?"

"Oo naman dito kaya kita sinagot. Kaya napaka-memorable ng lugar na ito"

"At napaka-espesyal."

Ang mga mata niya na hindi nagkukumbli sa kagandahan ng kanyang puso.

. . .

"Oh bakit walang mesa, akala ko ba magdi-dinner tayo?"

. . .

"FRANCIS?!"

"Ms. Sophia Pareñas, Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko ... Will you be my wife?"

. . .

"YES!"

. . .

¯Tumingin sa'king mata magtapat ng nadarama ... ¯

Ang mga labi niya na para lang sa akin.

"I Love you Pia."

"I Love you too Francis."

¯Kung maging tayo ... kung maging tayo ... Sa'yo na ang PUSO ko. ¯

The End

—The End—

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon