Chapter 14 - FIRST KISS

90 2 0
                                    

Hindi na ako pinapasok ni Nanay ngayon dahil nagdugo ang sugat ko kagabi paguwi namin ni tatay galing sa site

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi na ako pinapasok ni Nanay ngayon dahil nagdugo ang sugat ko kagabi paguwi namin ni tatay galing sa site. Si Nanay na nga mismo ang tumawag kay Pia ngayong umaga, para sabihan si Engr. Del Rosario na hindi ako makakapasok. At siya na muna ang magreport sa opisina. Tutal sa munisipyo naman ang reporting namin ngayon.

Buong araw lang ako dito sa bahay. Mahigpit akong binilinan ni Nanay na huwag magkikikilos. Para akong bata na pinagagalitan niya at pinagsasabihan. Natatawa na nga lang si Tatay sa amin.

Ako lang ang naiwan dito sa bahay at buong araw ay si Pia lang ang laman ng isip ko. Halos mabaliw na nga ako. Nakapag-isip-isip rin ako ng mabuti tungkol sa relasyon namin ni Pia. Nitong mga nakaraang araw, naging makasarili ako. Inisip ko lang ang nararamdaman ko at hindi ko man lang inisip si Pia. Tama naman si Ate, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon dahil ngayon lang siya nagka-boyfriend. Ang lahat ng pakiramdam patungkol sa pagmamahal, bago lang sa kanya. Masyado akong nagalit sa kanya na natabunan na ang pagmamahal ko. Dapat hindi. Ang laki ng pagsisisi ko ngayon. Mahal ko siya, yun ang mahalaga.

Gustuhin ko man tumakbo papunta sa kanya para mag-sorry. Hindi pwede, nangako ako kay Nanay na dito lang ako sa bahay. At isa pa nasa munisipyo pa naman siya. Ipapahinga ko na muna ang sugat ko ngayon para bukas na bukas ay pupuntahan ko siya.

Nakatulog lang din ako maghapon. Siguro dahil na din sa iniinom kong gamot para hindi maimpeksyon ang sugat ko. Paggising ko, nasa bahay na si Nanay pati na rin ang mga kapatid ko. Si Ate Ceska, kararating lang din. At may isa pang bisita na hindi ko inaasahan.

"Hannah, bakit nandito ka?"

"Francis, tuwing dadalawin na lang ba kita, 'yan ang tanong mo."

"Kasi he's not expecting you. May iba siyang hinahanap." Singit ni Ate Ceska.

"Ate!" Sita ko kay Ate Ceska. "Hannah dito na lang tayo sa labas mag-usap." Kaya lumabas kami ni Hannah bago pa man sila magrambulan ni Ate.

"Francis, hindi ka nga niya dinadalaw oh. Buti pa ako nandito, kahit alam ko that you don't want me here."

"Hindi naman sa ganoon Hannah, pero si Pia ang girlfriend ko."

"Nasaan ang girlfriend mo ngayong kailangan mo siya? Buti pa ako nandito."

"Iniwan mo rin naman ako noon di ba?"

"So this is all about us pa rin ba?"

"Hindi, ang gusto kong sabihin, ikaw iniwan ako and gave up our relationship. Si Pia, nandito pa rin kahit anong pinagdadaanan namin ngayon hindi siya umaalis. Kaya I won't give her up. Dahil ngayon Hannah, malinaw na sa akin na mahal ko si Pia. Mas mahal ko siya kesa nung minahal kita noon."

"Ang sakit naman nu'n Francis." Naiiyak na si Hannah.

"Hannah, kailangan mong marinig 'yan, para ma-realize mo na wala na tayo. Matagal na tayong wala, simula nang iwan mo ko."

When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon