Chapter 10 - MAHAL

85 4 0
                                    

"Thank you Pia ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you Pia ha."

"Para saan?"

"Para sa kanina."

"Kanina?"

"Sa pagpayag mo na maki-bonding sa atin si Hannah."

"Francis, kapatid ko siya. Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa'yo kasi pinaglalapit mo kami."

"Syempre kasi hindi naman natin maiaalis na may nakaraan kami ni Hannah. At hindi naman kaila sa atin na may feelings pa rin siya for me. Kaya salamat dahil napaka-understanding mo."

"Nagi-guilty ka ba, kasi tinuloy mo ang panliligaw mo sa akin kahit na alam mong magkapatid kami?"

"Hindi naman sa ganoon. Kahit kailan Pia hindi ko pagsisisihan ang mahalin ka. Guilty siguro ako dahil isa ako sa dahilan para hindi kayo magkasundo ni Hannah."

"Pero okay naman na kami. So you don't have to feel guilty."

"Napakasaya ko ngayon Pia, dahil sa'yo." At niyakap ko siya ng mahigpit.

"Okay sige na, umuwi ka na. Maaga pa tayo bukas."

Hinatid na niya ako sa gate ng bahay niya.

"Sunduin na lang kita bukas ha."

Bibigyan ko sa na siya ng goodbye kiss sa cheeks. Kaso pagharap ni Pia sa gilid ng labi niya ko siya nahalikan. Parehas kaming nagulat. Hindi ko rin naman kasi intensyon na halikan siya doon. Hindi siya nakapagsalita, tapos namumula pa siya. Kaya ako na ang unang nagsalita.

"Sige, pumasok ka na. Alis na rin ako."

"Okay, bye."

Yun na lang ang nasabi ni Pia at pumasok na siya ng bahay niya. Umalis na rin ako ng nakangiti. Sayang muntik na sa lips yun. Hindi naman ako nagmamadali kung hindi pa siya ready, pero syempre gusto ko rin na ako ang first kiss niya sa lips.

---

"Good morning everyone, I'M BACK!"

Gulat kaming napatingin kay Noel pagpasok niya ng opisina. Nakabalik na pala itong kolokoy na'to.

"Na-miss niyo ba ko ha?"

"HINDE" Sabay-sabay namang sagot kay Noel.

"Ah gano'n, hindi ko na lang pala ibibigay mga pasalubong niyo."

At isa-isa naman silang tumayo para i-welcome-back si Noel. May nagsabi pa nga na joke lang daw at sobra nga daw siyang na-miss. Mga sipsip. Nangingiti na nga lang ako at napapailing.

"Grabe kung sino pa yung mga kaibigan mo sila pa yung hindi man lang sumalubong." Napatingin ako kay Noel na nasa tapat na ng desk ko.

"Oy Noel nandito ka na pala, bakit di ka man lang nagsabi na uuwi ka na edi sana nasundo ka namin sa airport." Biro ko sa kanya.

When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon