"Eto ba yung Shelter?" Tanong ko kay Pia pagdating namin sa tinatawag niyang Shelter.
Medyo malayo na ito sa amin. One hour drive sa motor, kung commute naman one hour and twenty minutes siguro, kasama traffic. SDA, meaning Shelter for Domesticated Animals.
"Every Sunday after ko magsimba, dito ako dumideretso. Malayo noh? Hindi ko na kasi nasagot kanina yung tanong mo kung malayo kasi bigla mo na kong hinatak. Nahiya na rin kasi ako." Paliwanag ni Pia.
"Okay lang wala sa akin ito."
Pumasok na kami sa loob ng shelter. Pagpasok pa lang namin binati na agad si Pia ng mga tao doon. Mukhang kilalang-kilala nga siya dito. Mula sa guards hanggang sa mga staff, binabati siya.
"Sophia hinihintay ka na nila ... ahm sino siya?" Salubong sa amin ng isang babae.
"Kaibigan ko si Francis. Francis, si Teresa siya yung kaibigan ko na tinutulungan dito sa shelter."
"Hi!" Bati ko kay Teresa.
"Hello! Mahilig ka din sa dogs?"
"Ahm ... sakto lang."
"Tere, sinamahan lang niya ako dito, unintentionally." Paliwanag ni Pia.
"Ah ... ok. Tara na."
Sumunod kami ni Pia kay Teresa.
"Sophia pala ha!" Bulong ko kay Pia, tapos siniko niya ko na parang gusto niya kong patahimikin.
Pumasok kami sa isang kwarto na parang mga selda. Sa loob kasi ng kwarto ay may dalawampu o higit pang kulungan ng mga aso. Nagtatahulan nga sila pagpasok namin. Sa dulo ng kwarto ay may isa pa kaming pinto na pinasukan. Mas maliit ang kwartong ito kaysa sa dinaanan namin. Dito naman pala nakakulong ang mga tuta. Kinuha ni Pia ang isang plastic ng dog food. Ngayon ko lang napansin na may backpack pala siya.
"Wow ang dami niyan ha." Kumento ni Teresa. "Siguradong fiesta na naman sila niyan."
"Teka pakakawalan niyo ba silang lahat?" Tanong ko sa kanila.
"OO." Sabay na sagot ni Pia at Teresa.
"May allergy ka ba sa kanila?" Tanong ni Pia. "Okay lang naman kahit iwan mo na ako dito."
"Wala naman, natanong ko lang. Saka hindi kita iiwan. Sige na pakawalan niyo na."
Pinakawalan ni Teresa isa-isa ang mga tuta. Nagsipaglapitan agad ang mga ito kay Pia. Parang isang malaking fiesta ng mga tuta. Ang kukulit nila pero ang ku-cute din naman. Nag-aagawan sila sa palad ni Pia na puno ng dog food. Tuwang-tuwa si Pia na pinagkakaguluhan siya ng mga tuta. Naupo pa nga siya sa sahig. Si Teresa nakangiti ring pinapanood si Pia. At talaga naman nakaka-aliw siyang panoorin. Kahit ako, hindi ko namalayan na nakangiti akong tinitignan si Pia. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Kung tutuusin masayahin talaga siyang tao. Pero ngayon ibang saya sa mga mata niya ang nakikita ko at nakakahawa ang aura niya.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Love Again (completed)
RomanceMr.Sungit ... Heartbroken lang may karapatan nang magsungit? Move-on Move-on din pag may time! Heartbreak, a very last thing we want to happen in life. It is also one reason why we became someone who we really are not. But heartbreak is also a way t...