AN: Pasensya na at ngayon lang naka-update. Sobrang sabaw yung utak ko sa ilalagay na scenes sa IHG, wala talagang pumapasok. Puro one shots nasa isip ko eh. I managed to wrote the chapter forty-four but then again trip trip lang po talaga to. Wag seryosohin. Madaming errors and typos. Malapit na din matapos. :) Salamat sa pag fan and votes. Kahit di ko sinasabi ginagawa niyo pa din. Nakakataba nang puso <3 Thank you IHG readers for making it a HAPP 6k reads! <3 <3 Sa mga nagcocomment, thank you! I'll dedicate the chapters to a commentors. <3
~iAmjiyeon31 *winks*
***
Chapter Forty-four
*Soleen Mikha Gonzaga’s POV*
“Naku. Ganun ba. Ocge, thank you nalang Camz. Next time nalang tayo magkita.” Inend ko naman yung call. Tinawagan ko kasi si Camille para magpasama bumili nang materials para sa Math Club room namin. Diba nga nag general cleaning kami one time syempre yung ibang mga design sa room itinapon na nila yun kasi naman wala ako nun alam niyo naman yung nangyari. Kalerki kaya yun.
Kung tinatanong niyo kung saan si Chizel. Sabado po ngayon at ang alam ko magkasama ulit sila ni Michael. Alam niyo naman yung dalawang yun hindi na mapaghihiwalay. Kaloka yung pagiging inlove nila sa isa’t-isa. Mas pinipili na nga ni Chizel si Michael kesa sa akin eh T_T Nakakatampo na din yung best ko. Nyahaha.
Si Camille naman may ginagawa silang laboratory project nang mga blockmates niya daw kaya di siya pwede ngayon. Isa pa yun hindi na namin nakikita ni Chizel. Sobrang busy niya na kasi. College na daw kasi. Er. Ganun ba talaga pag college?
Kanina ko pa din tinatawagan yung magaling kong bipolar na boyfriend pero di niya sinasagot yung tawag ko. San na naman kaya yun nagpunta? Nakakalerki na kaya si Francis. Nung nakaraang araw, di niya ako tinext. Nakakapanibago kaya yun. Ang sabi niya lang sa akin.
I’m haunting someone.
Pinalo ko siya nun. Eh kasi nagtatanong ako nang maayos eh. Tapos ganun yung sagot. Parang ano lang. Hahaha
Kaya ako nalang muna mag-isa ang maghahanap nang mga bagong design para sa Math Club room. Di ko naman mautos yung ibang members nang club kasi nga di daw ako nakatulong nung general cleaning. Eh kinidnap kaya ako nun!
Habang pumupunta ako sa NB tinatawagan ko naman si Francis. Di pa din niya sinasagot. Naman eh. Nag-aalala ako kung saan yun. Kilala niyo naman si Francis. Tsk.
“Hoy Francis!” sigaw ko sa kabilang linya nang sinagot niya ang 4th ring.
“Ah! That hurts pangga!” sigaw din niya. Napalakas ata yung sigaw ko. Hihi.
“Kanina pa kita tinatawagan, bat di mo sinasagot?” Pumasok naman ako sa loob nang NB at naglilibot-libot na ako habang kausap ko si Francis sa phone.
Kanina pa yung tanong ko ah pero di niya sinagot.
“Francis. Andiyan ka pa ba?”
“Yeah. Still here.” Tumtipid na naman yung pagsasalita niya.
“Magpapasama sana ako sayo eh. Dami ko kasi kailangan bilhin para sa---.” Di niya ako pinatapos magsalita.
“I can’t Soleen.” Tapos bigla niya lang binaba yung tawag. Aba loko yun ah! Automatic syempre na magagalit ako. Tsk! >.< Makakatikim talaga yung bipolar sa akin! Wala siyang earlobe this month! Oo, seryoso ako. Bahala siya. Hahaha. Kainis. Ano na naman kaya nakain nun?
BINABASA MO ANG
I'm His Girl
Genç Kurgunot my first story but it is my first story here in wattpad. :D