Chapter 15
KEI'S P.O.V
Mas lalong umiyak nang umiyak si Tine dahil sa paghaplos ni Kyle sa likod nito."Kyle, ayoko na talaga. Nasasakal na ako sa kanila!" hagulhol niya. Napatingin sa akin si Tine at para bang nag-iisip siya kung magsasalita pa ulit.
"Ah, I think kailangan niyo munang mag-usap," sabi ko at para bang biglang natauhan si Kyle na nasa paligid pala nila ako. Tumingin siya sa akin at humihingi ng paumanhin ang mga mata niya.
Hinila ko ang maliit na maleta mula doon sa tabi ni Kyle.
"Baby, sandali lang," pigil niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa at nagmadali na akong pumasok sa unit ko.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa dahil ang totoo ay madalas kong nakikitang pumupunta si Tine doon sa unit niya.
KYLE'S P.O.V
Nakaupo na kami ngayon ni Tine sa loob ng unit ko. Hindi ako mapakali dahil bakas sa mukha ni Kei ang maraming katanungan at alam kong kailangan kong linawin sa kanya ang lahat. Tatawag na lang ako mamaya sa studio na hindi ako makakarating sa meeting.
"Kyle, sakal na sakal na ako. Gustong-gusto na nila akong ipakasal!"
Umiiyak pa rin siya kaya inabutan ko siya ng tubig. Ganyan kasi si Tine, tuwing umiiyak siya ay sa akin siya tumatakbo. Sa lahat nang naging ex ko, siya lang ang naging kaibigan ko.
"I-I'm getting married tomorrow, Kyle." Nanginginig ang boses niya nang sabihin niya iyon.
Umupo ako sa tabi niya sinubukan kong pakalmahin ang paghikbi niya. Pilit kasi siyang ina-arranged ng family niya sa anak ng isang ka-business partner nila.
"Akala ko ba katatapos lang ng engagement party niyo last month?" usisa ko sa kanya.
"Yeah... pero minamadali na nila ang lahat, Kyle! Even my Mom! Nagulat na lang ako kanina ng sabihin nilang bukas na ang kasal ko! Bullshit! This can't be happening! I don't even love that man!" Paghihimutok niya at ibinato ang tissue na ibinigay ko sa kanya kanina.
"Anong gusto mong gawin natin?" Napatingin sa akin si Tine at kita kong disappointed siya sa naging reaction ko. Huminga ako ng malalim. "I mean, bukas na yung kasal." Pagbawi ko.
"Damn you, Kyle. Alam mo namang ayokong ikasal sa hindi ko mahal at hindi ko kilala. Come on, kumbinsihin mo ulit ang parents ko na pakakasalan mo ako kahit hindi naman," umiiyak na sabi niya. Ilang beses na akong humaharap sa pamilya niya para lang huwag ituloy ang kasal niya sa kung sino man.
Tinanggal ko ang aking kamay doon sa likod niya at saka tumayo. Naihilamos ko sa aking mukha ang kamay ko. "I can't do that anymore, Tine. Alam mong may Kei na," pilit kong paliwanag sa kanya. Hindi ko talaga makaya sa tuwing may umiiyak na babae sa harapan ko, para bang nakikita ko ang mga kapatid ko at si Mama."Kyle, please? Huli na talaga ito, if you want ako ang kakausap kay Kei. Please, Kyle..."
Humugot ako ng malalim na hininga saka pinagmasdan ko siya.
"Tine, alam mong mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita. Pero, hindi na kita matutulungan. Alam mo kung gaano ko katagal hinintay si Kei," pakiusap ko sa kanya. "I don't want to lose her dahil lang dito, ni hindi pa nga ako nakakapag-explain sa kanya about what's going on with us. Karapatan niya yun." Pilit kong pinapaliwanag sa kanya iyon, laso mas lalong nag-unahang tumulo ang luha niya.
Muli akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya.
"I'm sorry, Tine."Mas lalo siyang nag-iiyak. Alam kong ayaw niya talaga dun sa fiancé niya. Kahit ganyan si Tine, gusto niyang pakasalan ang lalaking alam niyang mahal niya, yun ang sinabi niya sa akin noon.
Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Tine. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko isang malaking kasalanan ang ginagawa ko kay Kei.
"Shhh," pag-aalo ko sa kanya pero natigilan ako nang magsalita siyang muli."I...I still love you, Kyle, at ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan. I'm sorry... pinigilan ko naman pero, bumagsak p arin ako sa mga salitang 'Mahal kita, Kyle'."
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinagtama ko ang mata naming dalawa. "Tine, you're not in love with me."Umiling siya.
"No! I love you, Kyle! Nagsisisi ako dahil nakipaghiwalay ako sa'yo! Sa'yo lang ako naging ganito." Halos pumiyok na ang kanyang boses.
"Pero, Tine, wal—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita na naman siya.
"I know." Tumungo siya at pilit pinupunasan ang kanyang luha.
Hindi ako makahugot ng sasabihin sa kanya dahil sa luhang dumadaloy sa mata niya.
"A-I'm sorry!!" sigaw niya at hinila niya yung bag niya sa couch saka tumakbo palabas. Tinawag ko siya pero mabilis siyang nakasakay ng elevator.*
KEI'S P.O.V
Napapitlag ako nang may nagdoorbell. Hindi pa rin kasi ako mapakali. Tumakbo ako sa may pintuan at binuksan ko 'yon. Gulo-gulo ang buhok ni Kyle at parang problemadong-problemado ang itsura niya."Hey, I'm sorry," simula niya at hindi na ako nakawala nang hilahin niya ako sa bewang ko saka niyakap ng mahigpit.
Simula kanina ay hindi kumakalas si Kyle sa pagkakayakap sa akin. Nakahiga na siya ngayon sa sofa habang ako naman ay nakadapa sa ibabaw niya at pinapakinggan ang tibok ng puso niya. Panay rin ang haplos niya sa buhok ko."Kyle, sino siya?" Hindi ko na napigilang magtanong. Biglang huminto ang paghaplos niya sa buhok ko.
Naramdaman kong niyakap niya ang dalawang braso niya sa bewang ko at humigpit ang yakap doon.
"She's my ex-girlfriend," kalmadong pag-amin niya sa akin. Mas lalo yatang binalot ng lungkot ang puso ko.
"Naging kami for six months. Masaya pero mas nangibabaw kasi sa amin yung pagiging magkaibigan na lang. I don't know, pero hindi ko talaga siya minahal. Masaya lang akong kasama siya noon. Pero, Kei, maniwala ka sa akin mas masaya ako kapag ikaw ang kasama ko." Hinayaan ko lang siyang magpaliwanag at salita.
"Matagal na kaming hiwalay, magkaibigan na lang kami." Pangungumbinsi niya sa akin.
"Kung matagal na kayong hiwalay... b-bakit hinahalikan mo pa rin siya? N-nung time na magkaaway tayo." Para akong batang nagtatanong.
Naramdaman kong huminga siya ng malalim.
"I'm sorry Kei... hindi ko na dapat ginawa 'yon. Nagkataon lang talaga na pareho kaming problemado nung araw na 'yon. Nasaktan ako dahil pinapalayo mo ako sa'yo. Tapos siya naman, may problema sa fiancé niya." Nanginginig yung boses niya pagpapaliwanag. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nagiging honest siya sa akin, pero kasi ex niya 'yon. Pero anong magagawa ko? Hindi ko pa siya boyfriend nung araw na nakita ko silang naghahalikan ni Tine.
"Gagong pakinggan, pero naging ex with benefits kami, pero pangako, simula nang makita ulit kita, hindi na naulit yun! Pinutol na namin yung gano'ng setup!" Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko.
"Pero, Kei! Maniwala ka nung araw na nakita mo kami walang nangyari sa amin! Sinasabi kong lahat ng 'to para makapagsimula tayo ng maayos. Pinapangako ko Kei, hindi na kita sasaktan." Naiinis ako dahil ayaw tumigil sa pagtulo ang luha ko.
Pilit niyang inihaharap sa kanya ang mukha ko pero dinidiinan ko ang pagtungo sa dibdib niya.
"Baby, please, I'm sorry." Dinig ko ang pagkabasag sa boses niya.
Pero nanatili akong nakatungo sa dibdib niya. Para akong bata na biglang humikbi kaya nalaman niyang umiiyak ako. Nabasa na rin ng luha ko yung T-shirt niya. Naramdaman kong hinaplos niya yung likod ko. Lalo rin humigpit yung yakap niya sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa. Bakit gan'on? Bakit sobrang laki ng selos ko nung malaman ko lahat ng tungkol sa kanila? E di ibig sabihin pala n'on, tuwing may problema ang isa sa kanila, sa isa't isa sila tumatakbo? Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inggit at selos kahit na sinabi na niyang nakaraan na iyon.
"Sorry..." bulong niya. Dahan-dahan kong itinaas yung mukha ko. Nakadapa pa rin ako sa ibabaw niya. Hinila niya ako pataas sa kanya para magpantay yung mukha naming dalawa. Dun ko lang napansin na may luha yung mata niya.
Pareho kaming umiiyak? Pilit siyang ngumiti at pinunasan yung pisngi ko.
"I'm sorry, baby. Promise, ito na yung huling beses na iiyak ka. Hinding-hindi na kita paiiyakin, baby," bulong niya. Parang may nagwawala sa loob ng dibdib ko nang makita ko kung paano tumulo yung luha niya.
Pinunasan ko rin yung luha niya.
"Bakit ka ba umiiyak? Ako naman yung nasaktan," bulong ko. Ngumiti siya.
"Yun nga eh. Nasaktan kasi kita kaya ako umiiyak. Ang sakit lang sa dibdib na marinig 'yang mga hikbi mo dahil sa kagaguhan ko."
BINABASA MO ANG
Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]
Художественная прозаMatagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. Mapapatunayan ba ni Kyle na ang lalaki na tunay na nagmamahal, kayang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya? Kahit na ang pagmamahal na...