Chapter 24

290K 2.9K 260
                                    

Chapter 24
MARIE'S P.O.V

Tinignan ko nang masama ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Umupo ako ng maayos at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Pilit kong hinila ang kamay ko sa kanya pero sobrang higpit ng hawak niya sa akin. What the hell?

"Kei..." I knew it, napagkamalan niyang ako si Kei. Bullshit. Kung hindi lang dahil kay Mama, hindi ko siya hahabulin ng ganito. Nag-iinarte pa, nandito na nga kami.

Hindi pa siya maging masaya na nalaman niya na may totoong nanay na siya saka may kapatid siya.

"Hin—" Nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako. Ano ba siya ni Kei? Boyfriend?

"Baby, alam ko may problema ka lang kagabi kaya ka nakikipaghiwalay. Ayaw mo naman hindi ba? Ayaw mo..." Bulong niya. Natigilan ako nang maramdaman kong parang may tubig na tumulo sa balikat ko. Umiiyak siya?

"I love you so much..." Bulong niya. Napalunok ako. Bakit naaawa ako sa boses niya?


Pilit akong humihiwalay sa kanya pero mas lalong humigpit at pagyakap niya sa akin.

"Don't push me away. Kung ginagawa mo 'to para mapatunayan kung hindi ako susuko, pwes, Kei, hindi talaga ako susuko." Narinig kong parang pumiyok pa siya sa pagsasalita dahil sa pag-iyak.

Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako. You should thank me for this, Kei. Siguro naman magkakaayos sila.

"Stop crying." Matigas na sabi ko.

Nagtayuan ang balahibo ko nang halikan niya ang leeg ko bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

Tinitigan niya ako sa mata at napalunok ako nang makita ko ang namumula niyang mata. Baliw ba siya? Grabe ha? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak ng ganyan. Well, bukod kay Popoy ng One More Chance, aish whatever, kailangan kong makausap si Kei.


"Look gusto kong magpahinga, okay?" Sabi ko. Inilibot kong ulit ang mata ko sa kwarto, I think this is her room, halata naman sa mga gamit. Pero wait, alam nitong lalaking 'to ang code ng unit niya?

"I'm sorry. Alam kong pagod ka." Bulong niya. Magsasalita sana ako pero nanigas ako nang halikan niya ako sa labi.

Dammit! This can't be happening! Kahalikan ko ang boyfriend ng kakambal ko?! Pilit ko siyang itinutulak pero bakit ang lakas niya?


Narinig ko ang paghugot niya ng hangin sa pagitan ng halik naming dalawa. Nakakapanghina yung mga halik niya. Hindi ko namalayan na ipinikit ko na ang mata ko at kusang tinugon ang halik niya.

"Uhmmm." I moaned?

He's a good kisser. Hindi ko na tatanungin kung bakit binigay ni Kei ang code ng unit niya dito sa lalaking ito dahil mukhang alam ko na ang sagot.

Hiniga niya ako sa kama at halos mapalunok ako sa pagitan ng halik naming dalawa nang maramdaman ko ang dahan-dahan niyang paggalaw sa ibabaw ko.

I want more. Sigaw ng isip ko.


What? No. no. Bakit nadadala ako sa mga ginagawa niya?

"Uhhh, Kei..." He groaned.

I gasped when he touched my left boob. Mainit ang palad niya at naghatid iyon ng kuryente sa katawan ko.

Napaawang ang bibig ko nang huminto siya.

"Let's sleep. Na-miss kong kayakap ka habang natutulog." Napalunok ako sa ganda ng ngiti niya sa akin. Nasa ibabaw ko pa rin siya habang hinihimas niya ang buhok ko.

I closed my eyes when he claimed my lips again. Gosh. This stranger is making me crazy.

"I miss you, baby..."


"Ah? I miss you too..."

Shit! Ano bang ginagawa ko?

*

KEI'S P.O.V

"Room 409, Ma'am." Nakangiting sabi sa akin ng front desk habang inaabot sa akin ang key card ng magiging kwarto ko.

"Thank you."

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ko ang 4th floor. Kailangan kong umiwas sa kanila ngayon, kaya naman nag-check in na lang ako sa isang hotel malapit sa tower ng condo ko.

Hinawakan ko ang sintido ko dahil kahapon pa sumasakit ang ulo ko. Maya-maya lang ay bumukas na ang elevator, at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko kaagad ang magiging kwarto ko.

Agad kong ibinagsak sa kama ang katawan ko.

Ipinikit ko ang aking mata at halos mapaluha na naman ako nang makita ko ang mukha niya sa isipan ko. I miss him.


Pero alam kong hindi na niya ako kailangan ngayon dahil kasama na niya ngayon ang totoong Kei. Kahit gaano kasakit 'to alam kong mawawala din lahat ng 'to.

Naalala ko kung paano siya magmakaawa sa akin nung gabing 'yon. Sa unang pagkakataon nakita ko ang pag-iyak niya, at halos madurog ang puso ko dahil sa mga luhang nakita ko mula sa kanya.

Kasabay non ang pagsikip ng dibdib ko kapag naiisip kong hindi para sa akin ang mga luhang yon, kundi para kay Marie. Lahat ng ginagawa niya para mapasaya ako, ay orihinal na si Marie ang nagmamay-ari.

Iminulat ko ang mata ko nang mag-ring ang phone ko. Kailangan ko ng magpalit ng number.

"Hello?"

"Nasaan ka?! Teh! Anong nangyari?! May problema ka raw sabi ni Kyle!" Sigaw ni Jade sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim.

"Wala. Okay lang ako."

"Be-break na kayo?" Nauutal na tanong niya.

"Uhm." Walang ganang sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Pinatay ko na ang cellphone at inilagay 'yon sa side table.

Ang sakit talaga ng ulo ko.

Bigla kong naalala na hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga. New year na new year, mag-isa ako. Ang saya ko naman.

Nagpa-room service na lang ako ng pasta. Wala pang 30 minutes dumating na 'yon.


Kaagad kong binuksan ang pasta na in-order ko, pero bago pa ako makakain naramdaman kong parang nasusuka ako.

Tumakbo ako sa cr at dun sumuka. Namamawis ang buong mukha ko dahil kasabay ng pagduwal ko ang sobrang pagsakit ng ulo ko.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako. Natigilan ako nang maalala kong hindi pa ako nagkakaron.

"Hindi pwede..." Bulong ko.

Mabilis akong nagpunas ng mukha at dinampot ang wallet ko. Nahihilo ako pero hindi ko na lang pinansin 'yon. May clinic dito sa hotel kaya naman pumasok ako dun at nagtanong ako kung may pregnancy test sila. Pero wala.

Nagmadali akong lumabas ng hotel dahil itinuro sa akin na may malapit na pharmacy dito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Hindi pwede, Kei. Hindi pwede.

Pagkabalik na pagkabalik ko sa hotel room ko, ginamit ko na kaagad ang isa sa limang binili kong PT.

Nagulat pa ang botikang binilan ko kanina dahil sa dami ng binili kong PT.

Kinakabahan ako.

Mariin kong ipinikit ang mata ko bago ko tignan ang result.

Nag-unahang tumulo ang luha ko.

"No. Hindi pwede." Halos pumiyok na ako sa pagsasalita.

Itinapon ko ang pregnancy test na may dalawang linya. Nagbukas ulit ako ng panibago para makasigurado pero iisa ang pinapakita nito sa akin.

"Ayoko, hindi..."

Inayos ko na ang sarili ko saka lumabas ng CR. Hindi ko na namalayan na naglalakad na ako ngayon patungo sa condo ko. Natatakot ako. Natatakot ako pero kailangan ko si Kyle. Kailangan ko siya.

Pawis na pawis na ako dahil sa sobrang kaba at alam kong basang-basa na ng luha ang pisngi ko. Nakakainis wala akong matakbuhan na iba.

Masaya lahat ng tao na madadaanan ko dahil kasama nila ang pamilya nila ngayong bagong taon. Lahat sila maingay, nagtatawanan.

Sa parking ako dumaan dahil mas malapit ang elevator dito.

Nanginginig ang kamay ko ngayong nakasakay na ako sa loob ng elevator, kasabay non ang pamamawis nito.

Pinunasan ko ang luha ko ng tumigil na ito sa palapag ng unit namin ni Kyle. Mabibigat na paghakbang ang ginawa ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang unit ni Kyle, pero mas tinutulak ako ng mga paa ko papunta sa pintuan ng sariling unit ko. Dahan-dahan kong binuksan 'yon.

Pero napatigil ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Kyle mula sa loob.

"Baby, tama na, masakit na talaga. Ahh! Baby! Shit... Kailan ka pa naging pilya ha?" Sobrang manly ng boses ni Kyle at halata sa boses niya na masaya siya. Yung mga tawang 'yon.

"Ayaw mo ba? Nilalambing lang naman kita." Pagtatampo ni Marie.


Mariin kong ipinikit ang mata ko. Tumalikod ako at nagmadaling tumakbo papunta sa elevator.

Kailangan mo siya, Kei, pero hindi ka na niya kailangan.

Para na naman akong walang buhay na mabilis naglakad sa kalsada. Pero unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

"KEI!" Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa akin. Pero hindi ko na nakita kung sino siya dahil tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.


Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon