Chapter 12
KEI'S P.O.V
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, hinawakan niya kaagad ang kamay ko. Magkasabay kaming naglakad papunta sa unit ko, pero parang hinang-hina siya. Dahil siguro sa paghihintay niya sa elevator? Tinignan kong mabuti ang mukha niya at doon ko lang napansin na gulo ang kanyang buhok.
Binuksan ko ang unit ko at sabay kaming pumasok.
Hinila niya ako para maupo sa couch. Nagulat ako nang bigla siyang humiga sa couch at ginawang unan ang hita ko.
"Kyle..." tawag ko sa kanya, pero nakapikit lang siya. Para siyang bata na napagod sa paglalaro. Hahawakan ko sana ang noo niya pero bigla siyang tumagilid at iniyakap niya ang dalawang braso niya sa bewang ko. Medyo naiilang ako dahil nakaharap siya sa mismong pusod ko.
"May masakit ba sayo?" tanong ko. Naalala kong kagagaling niya lang sa sakit, tapos hinintay niya pa ako sa elevator baka mamaya nabinat pa siya. Pwede namang sa unit na lang niya siya naghintay...
Hindi siya umimik.
"Bakit mo kasi ako hinintay sa elevator? Nahihilo ka tuloy ngayon," suway ko sa kanya.
"Kahit mahilo pa ako ng sobra-sobra, hindi ako titigil kahihintay sayo. Kahit man lang sa pagsakay sa elevator, gusto kong makasabay ka umuwi."
Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya. Bakit ba ganito siya ka-sweet? Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niya.
Pinaglaruan ko na lang yung buhok niya. Naramdaman kong mas lalong humigpit yung yakap niya sa bewang ko. Iba yung pakiramdam kapag niyayakap niya ako. Pakiramdam ko siya lang yung lalaking gusto kong yumakap sa akin ng ganito.
Medyo matagal din bago umayos ng upo si Kyle. Hinihimas niya ngayon ang sintido niya.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
Tumango siya, pero kita ko sa mukha niyang hindi siya okay.
"Gusto mo ng coffee?" alok ko. Hindi ko na siyang hinintay sumagot at tumayo na ako, pero tinawag niya ulit ako.
"Kei, pwede bang water na lang? Sa tingin ko kasi 'pag uminom pa ako ng coffee mas lalong magiging abnormal yung pagtibok ng puso ko. Kasama pa naman kita—"
"KYLE!!!" sigaw ko. Nakakainis! Hindi ko mapigilan yung pag-iinit ng mukha ko sa tuwing ganyan siya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Mukhang okay na nga siya dahil nagagawa na ulit niyang mambola.
Binuksan ko na yung ref saka kumuha ng malamig na tubig. Bumalik agad ako sa sala at inabot ko sa kanya yung tubig. Tinungga niya kaagad 'yon.
"Thank you, baby," malambing na sabi niya na nagpalunok sa akin.
"Uhm? What? Baby?" pag-uulit ko kahit nakakahiya.
"Oo, endearment yon ng Lolo at Lola ko." Hindi ko alam pero naaaliw ako sa pagngisi-ngisi niya.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nakatingala lang ako sa kanya. Ang tangkad niya kasi. Napatingin ako sa kamay naming dalawa, magkahawak kasi ang mga 'yon.
Hinalikan na naman niya yung kamay ko pero this time titig na titig siya sa mga mata ko habang ginagawa niya 'yon. Pansin ko lang gustong-gusto niyang hinahalikan ang mga daliri ko.
Pagkatapos niyang gawin 'yon, inilagay niya sa leeg niya ang dalawang kamay ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako at isinubsob niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Naramdaman kong idiniin niya ang kanyang dibdib sa dibdib ko. Itutulak ko sana siya pero natigilan ako nang maramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso niya.
Naramdaman kong itinapat niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. Nagsimula siyang kumanta at parang nagtayuan ang balahibo ko dahil sa paghinga niya.
"Close your eyes, give me your hand darling. Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same?"Sa araw na 'to, pangalawang beses na niya akong kinantahan. Ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.
Tumigil siya pagkanta.
"Alam mo bang nanaginip ako kagabi? Sinabi mo raw na mahal mo ako." Narinig kong tumawa siya pero napakagat ako sa ibabang labi ko dahil alam kong hindi isang panaginip iyon.
"Naisip ko tuloy baka kabaliktaran 'yon. Nakakatakot," bulong niya na nagpalunok sa akin.Ano ka ba naman Kyle?! Hindi panaginip 'yon! Totoo yun! Naalala ko bigla yung outing namin next week. Isama ko kaya siya? Kaya lang nandun si Tom. Baka magkabanggaan na naman ang init ng ulo nila sa bawat isa. Pero yun na lang yung chance ko para sabihin sa kanyang hindi panaginip 'yon.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tinignan ko siya ng malalim. "A-ano, Kyle... may outing kami next week, kaming mga nasa F&B department."
BINABASA MO ANG
Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]
General FictionMatagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. Mapapatunayan ba ni Kyle na ang lalaki na tunay na nagmamahal, kayang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya? Kahit na ang pagmamahal na...