Chapter 17

350K 4.3K 146
                                    


Chapter 17

KEI'S P.O.V

"H'wag kang iiyak," inunahan na niya ako.

"K-kasal?"

Naramdaman kong tumango-tango siya dahil nakapatong na ang baba niya sa balikat ko.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo kagabi na ako ang madalas na humarap sa magulang ni Tine kapag may problema siya?" bulong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"At dahil nga palagi nila akong nakikita, sinubukang kausapin ng magulang ni Tine, sila Love. Pinalabas ng magulang ni Tine na buntis siya." Napalunok ako. Ganun ba ka-grabe ang magulang ni Tine para gawin ang bagay na 'yon?

Humigpit ang yakap sa akin ni Kyle.

"Nung panahon na 'yon, busy ako sa pictorial ng mga model ko sa Singapore. Kino-contact na pala ako nila Love hindi ko pa alam. Minadali nila yung pag-aasikaso ng kasal, kaya naman pagbalik na pagbalik ko galit na galit sa akin si Dad kasi ilang buwan pa lang mula nang naka-graduate ako ng college. Tapos ayun, sakto pag-uwi ko, kasal na dapat namin kinabukasan."

"Kinausap ko si Love at Dad. Sino bang mas paniniwalaan nila? Syempre ako, dahil kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa kanila. Yeah, maybe marami nang nangyari sa amin ni Tine, pero alam ko sa sarili kong nag-iingat ako and that time alam kong nagpi-pills si Tine." Parang mejo na awkward ako sa pinaliwanag ni Kyle.

Natahimik ako. Bakit ba ako naghihinala sa kanya? Samantalang ginagawa na nga niya lahat di ba?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi?" pagtatampo ko. Ewan ko pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi natuloy yung kasal na 'yon at nakilala ko pa siya.

"Nakalimutan ko lang. Sorry na. Si Felix talaga, tss. Galit kasi kay Tine 'yon dahil nga sa pumayag si Tine sa ginawa ng magulang niya sa akin. Kaya ikaw, ang gusto ko lang magtiwala ka sa akin. 'Pag may gusto kang malaman, itanong mo lang sa akin at sasagutin ko ng tapat. Ayoko yung bigla bigla kang nananahimik, kinakabahan ako." Natatawang sabi niya at hinalik-halikan ang balikat ko.

"H'wag ka nang magseselos. Alam mo namang mahal na mahal kita, misis ko." Parang kinilabutan ako sa itinawag niya sa akin, tapos yung boses pa niya sobrang manly.


"Basta h'wag mo nang kakausapin si Tine." Nguso ko.

Narinig kong ngumisi siya.

"Opo. Hindi na po. Basta ako lang ang paniniwalaan mo Kei ha? At ikaw lang din ang paniniwalaan ko. Tandaan mo..." Pinagsalubong niya ang kamay naming dalawa bago ituloy ang sasabihin niya.

"Yang tiwala ang magpapatibay kung ano mang meron tayo ngayon, at yung pagmamahal ko sayo at pagmamahal mo ang magiging ugat ng tiwala na 'yan." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Parang puno lang yan eh. Walang puno kung walang ugat. Walang tiwala kung walang ugat ng pagmamahal." Masyadong makata ngayon si Kyle kaya naman natawa ako.

Humarap ako sa kanya, at inayos naman niya ako ng upo sa hita niya yung parang nakayakap na yung dalawang binti ko sa bewang niya. Mahihiya na sana ako dahil naka-dress ako pero nawala yung hiya ko nang makita ko yung saya sa mata niya. This man is really in love with me.

"Totoo ka ba, Kyle? Parang imposible yatang may lalaking katulad mo?" Nakangiting sabi ko.

Ngumisi siya. Ang sexy lang ng pagngisi niya.

"Magiging imposible lang ako kung hindi ikaw ang girlfriend ko. Ang tagal kitang hinanap, kapitbahay lang pala kita." Natatawang sabi niya. Ginulo-gulo ko ang buhok niya pero nakangiti pa rin siya. Naalala ko na naman yung palagi niyang sinasabi na magkaklase kami nung kinder kami. Bakit hanggang ngayon wala akong maalala na nag aral ako dun sa school na sinasabi niya?

"Hmm, Kyle? Bago ba ako umalis dun sa school na sinasabi mo may class picture na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Meron, naka-frame 'yon sa kwarto ko sa bahay namin. Yun lang kasi ang picture natin together," sabi niya. Parang nagliwanag yung mukha ko.

"Mag-picture tayo ngayon," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at parang nagustuhan niya ang naisip ko.

"Alright, pero parang ayoko ng umalis sa ganitong pwesto. Ang sarap mo kasing yakapin," sabi niya at isinubsob ako sa balikat niya.

"Edi mag-picture tayo na magkayakap," bulong ko at tumingala ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako. Isinabit ko ang dalawang braso ko sa leeg niya habang nakikipagtitigan ako sa kanya.

Napapitlag ako nang may nag-flash. Pagtingin ko hawak ng kaliwang kamay niya yung camera niya na nakapatong dun sa lamesa.

"Nice pose," bulong niya. Pabiro kong sinampal ang pisngi niya. Kinuha niya yung camera para tignan yung picture naming dalawa.

Napangiti ako. Kahit medyo tabingi yung kuha dahil nasa lamesa yung camera, kitang-kita ko yung pagtitinginan namin sa isa't isa dun sa picture.



"I love it..."

"Bagay tayo, Kei," seryosong sabi niya. Nginitian ko siya.

Tinignan ko ulit yung picture naming dalawa. Nakatingala ako sa kanya habang nakasabit yung dalawang braso ko sa leeg niya. Siya naman yung kanang kamay niya nakayakap sa bewang ko. Bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko yung mga titig sa akin ni Kyle. Ito ang unang pagkakataon na makita kong may tumitig sa akin ng gano'n.

"Model dapat kita ngayon, pero h'wag muna ngayon. Nasarapan ako sa yakap mo eh," sabi niya at mas inayos ako ng upo sa hita niya yumakap siya sa akin at ganun din ako.

"Sana, Kyle, palagi na lang ganito yung masaya tayo," bulong ko.

"Wala naman akong balak palungkutin ang relasyon natin. Hangga't maaari gusto kong maranasan mong magkaroon ng perfect relationship," bulong niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Thank you, baby..." bulong ko. Narinig kong tumawa siya. Ganun siya kasaya nang tawagin ko siyang baby?

"H'wag thank you. I love you dapat," bulong niya. Pansin ko lang kanina pa kami nagbubulungan.

"I love you baby..." Sinunod ko ang gusto niya. "I, Kei Fernandez Gonzales, promise to love my boyfriend, Kyle Briones Cando, with all my heart."

"Ang sarap namang marinig n'on. Parang gusto na kitang pakasalan ngayon na." Napahiwalay ako ng yakap sa kanya at tinignan ko siya.

"Pakasal na tayo?" seryoso yung mukha niya kaya napalunok ako.

"Biro lang. Alam ko namang hindi ka pa ready sa kasal. Pero once na ready ka na, wala nang propose propose! Bubuhatin na kita sa simbahan o sa huwes, mapakasalan lang kita!" ngiting-ngiti na sabi niya.

Natawa ako ng malakas.

"Baliw ka talaga!" Hindi ko alam kung kailan pa ako tumawa ng ganitong katotoo.

Napapikit ako nang hulihin niya ang labi ko ng labi niya. Sobrang diin ng paghalik niya sa akin na para bang ayaw na niyang paghiwalayin yung labi naming dalawa. Sana ganito na lang palagi, pareho kaming masaya at walang hadlang. Pero alam ko naman na lahat ng relasyon magkakaroon at magkakaroon ng problema. Sana lang kung magkakaroon kami ng problema, sana walang bibitiw sa aming dalawa. Dahil gusto ko hanggang huli, kamay niya lang yung hawak-hawak ko.

Pagkatapos niyang gawin ang halik na 'yon tinitigan niya ako sa mata, yang mga mata na yan, natutunan ko na ring mahalin. Sino ba namang hindi mai-in love sa mata ng isang Kyle Cando kung titignan ka niya ng buong pagmamahal?

At tuluyan na nga akong nahulog sa kanya, lalo na nang magsalita siyang ulit.

"Isa lang naman ang kinababaliwan ko. Yun ay ang mahalin ka."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon