Epilogue
KEI'S P.O.V
Isang taon na ang lumipas, at dalawang taon na si Marcus at Ethan.
"Dada!Dada!!"
"Mimi!Mimi!!"
Napangiti ako sa pag uusap ng dalawang anak ko na nag uunahang tumakbo papunta sa swing.
"Careful baby..." Sabi ni Kyle habang inaalalayan akong maglakad papunta sa isang bench.
"Haay...salamat..." Hinahapo na sabi ko ng makaupo na ako. Katatapos lang kasing kuhanan ni Kyle ng mga pictures ang dalawang kambal, napakakulit, kaya bawat kilos nila may kuha ang asawa ko which is talaga namang nakakatuwa. Pero isang picture ang talagang nagustuhan ko, yun ay nung nahiga sa damuhan sila Marcus.
"Okay ka lang?"
Tumango ako... Nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Isang buwan na lang baby... Konting tiis na lang." Sabi niya habang hinihimas ang namimilog kong tiyan, I'm eigth months pregnant, medyo natagalan ng kaunti bago nasundan sila Marcus.
Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at marahan na hinalikan iyon, nakatuon pa rin ang mata naming dalawa sa anak namin na ngayon ay naglalaro dito sa park kasama ang dalawang Yaya nila.
"Hindi naman panaginip 'to di ba Mommy?" Biglang bulong niya, napatingin ako sakanya, ngiting ngiti ang asawa ko sa dalawang anak namin.
"Ano ka ba Kyle, magiging apat na nga ang anak natin tapos iisipin mo pang panaginip ito." Natatawang sabi ko sakanya, humarap siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa, nakakatuwa lang makita na hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mata niya, punong puno pa rin ng saya at pagmamahal ang mga ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napapikit ako ng sandali niya akong halikan, buntis na nga ako pero nanghihina pa rin ang tuhod ko sa mga halik niya sa akin.
Oo magiging apat na ang anak namin, kambal nanaman. Malapit ng maabot ni Kyle ang kota niya, apat na anak lang di ba? Haha. Nakakatuwa nga dahil isang lalaki at isang babae ngayon, medyo matagal nga bago namin nalaman kung ano ba ang kambal ngayon, kasi naman palagi silang tumatalikod kapag inuultra sound, pero kanina humarap na sila, kaya nga tuwang tuwa nanaman itong asawa ko, dahil may Prinsesa na daw siya at isang Prinsipe pa ulit.
"Pero seryoso baby...sobrang saya ko." Bulong niya at hinaplos ang tiyan ko.
"Ako rin Kyle...hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko ng ganito. Sana habang buhay na lang tayo ganito."
"Oo naman baby...kung may problema man na darating, ipangako mo sa akin na hinding hindi mo ako bibitawan. Dahil ako baby...kahit sobrang laki o bigat niyang problema na yan, asahan mong hindi kita iiwanan. Mahal na mahal kaya kita." Litanyan niya at hinalikan ang noo ko.
"Baby, anong ipapangalan natin?" Tanong ko.
"Ayos ka baby ah, tinatanong mo ulit ako. Pero kapag nagbigay naman ako hindi mo sinusunod." Natatawang sabi niya.
"Hahaha! Susundin ko na Kyle, dali na..." Ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa tiyan ko.
"Osige baby...dahil isang babae at lalaki yan... Hmm, kailangan mala-royal baby..." Natatawa ako sa itsura ni Kyle dahil talagang ang lalim ng iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]
Художественная прозаMatagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. Mapapatunayan ba ni Kyle na ang lalaki na tunay na nagmamahal, kayang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya? Kahit na ang pagmamahal na...