Chapter 25

298K 3.1K 310
                                    

Chapter 25


KEI'S P.O.V

Sobrang bigat ng mata ko, pero pilit kong iminulat ito. Puting kwarto. Napatingin ako sa swero sa kanang kamay ko. Iba na rin ang damit ko, damit na ito ng ospital.

"So this is reason kung bakit ka nag-resign?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakaupo siya sa isang maliit na couch. Tumayo siya at umupo sa gilid ng kama.

"You're pregnant. Aware ka ba dun ha, Kei? Kung hindi pa kita nakita kanina baka kung ano ng nangyari sa'yo." Sermon sa akin ni Tom.

Gusto kong magsalita pero umuurong ang dila ko. So totoo nga. Buntis nga talaga ako. Masyado akong naging kampante na sa huli kami pa rin.

Hindi naman ito ang dahilan kung bakit ako nag-resign. Ang totoo niyan nagbabalak na talaga akong umiwas kay Kyle simula nang malaman ko ang totoo. Pati unit ko balak ko ng iwanan, yun nga lang hindi ko pa alam kung saan ako tutuloy.

"Where is he?! Bakit hindi mo siya kasama? Saka bakit ka umiiyak kanina? Sinaktan ka ba niya? Ayaw ka ba niyang panagut—"




"Shut up, Tom." Naririndi ako sa dami ng tanong niya at isa pa masakit pa rin ang ulo ko.

"I'm sorry..." Bulong niya. Tinignan ko siya. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Masyado nang maraming nagawa sa akin si Tom na mabuti, pero kahit kailan hindi ko sinuklian 'yon dahil hindi ko naman alam kung paano, lalo na at alam kong sa ibang paraan ang gusto niya.

"Hindi niya alam." Bulong ko saka inalis ko ang tingin ko sa kanya.

"Ano? Bakit hindi mo sinabi sa kanya? Kei kayong dalawa dapat ang magkasama ngayon."

"Hindi na niya ako kailangan, Tom..." Ang traydor talaga ng mata ko, may luha na namang tumulo mula doon. Yung dibdib ko patuloy lang sa paninikip dahil sa sobrang sakit.

Nag-e-echo parin sa utak ko yung mga tawa ni Kyle kanina.

Naramdaman kong hinawakan ni Tom ang kamay ko.

"Tell me what happened." Pakiusap niya. Nilingon ko siya.

"Shh..." Pag-aalo niya sa akin at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Ikinuwento ko sa kanya ang mga nalaman ko kahit na hirap na hirap ako pagsasalita dahil sa pag-iyak. Nakikinig lang siya sa lahat ng sinasabi ko.

Bawat banggit ko ng katotohanan sa kanya kasabay non ang walang tigil na pagkirot ng dibdib ko. Para akong tinutusok ng daang daang karayom sa sobrang sakit.
Yung dalawang mata ko sobrang bigat na dahil sa kakaiyak.

Niyakap ako ni Tom.


"I'm still here." Bulong niya.

"But I really miss him, Tom. Kahit alam kong hindi pwede." Umiiyak na bulong ko. Lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.

"I know. I know. Shh... Listen to me, magiging maayos din ang lahat. Sa ngayon h'wag ka nang umiyak, makakasama 'yan sa bata." Suway niya sa akin. Tumango-tango ako at pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko, humihikbi ako na parang isang bata.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Siguro nga hindi ikaw yung tunay na Kei na minahal niya o minamahal niya hanggang ngayon. Pero para sa akin nag-iisa ka lang Kei at sa tingin ko para kay Kyle nag-iisa ka lang din. Yun ay kung tatanggapin ka niya with open arms." Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang mga 'yon, gayong puro lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.

Umiling-iling ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Promise. Hindi ako makikialam. Pababayaan kita kung anong gusto mong gawin. But, promise me one thing." Paninigurado niya.

"What?" Tanong ko.

"Ayokong makikitang umiiyak ka. You know how much I love you, right? Kung pwede lang akuin ko na yang dinadala mo, ginawa ko na, pero alam ko namang hindi ka papayag." Malungkot na sabi niya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sa kabila ng ginawa ko kay Tom, nandyan pa rin siya bilang kaibigan ko.

Hindi ko akalain na siya pa ang matatakbuhan ko sa panahong ito.

Tumango ako sa kanya. Hinila niya ulit ako at niyakap.

"Damn it. Kung hindi lang kita mahal." Bulong niya at hinimas ang buhok ko.

Kinabukasan, lumabas na rin ako ng ospital. Bumalik muna kami ni Tom sa hotel para kuhanin yung naiwan kong gamit.

"Dito may maliit na apartment." Turo ko kay Tom habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

Tumango siya at pinark niya sa isang kanto ang sasakyan niya. Naisipan ko kasing magtigil muna kahit sa maliit na apartment lang muna tutal naman may ipon naman ako.

"Kei, hindi mo naman kailangang gawin 'to. May guest room naman sa bahay ko, dun ka na lang." Alok niya bago siya bumaba ng sasakyan niya. Umikot siya para pagbuksan ako.

"Tom, thank you. Pero ayoko namang umasa sayo noh. Saka mukhang okay naman itong apartment na 'to." Sabi ko ng makababa na ako.

"Okay. Papayag na ako pero palagi kitang pupuntahan mahirap na baka mapano ka pa dito." Nginitian ko na lang siya.

Pumasok na kami sa loob. Si Tom yung nakipag-usap dun sa may ari ng apartment. Tapos inabutan ko na ng pambayad para makapagpahinga na ako. Ngayon ko lang naisip na kaya pala ako nahihilo nitong mga nakaraang araw dahil buntis ako.

May single bed na dito sa apartment at isang maliit na cabinet, may CR at maliit na kusina na rin. Maayos naman yung apartment halatang bagong pintura, yun nga lang walang electric fan. Mamaya na lang ako bibili kapag nakapahinga ako ng kaunti.

"Tom, iwan mo na ako, kaya ko naman eh. Male-late ka na sa trabaho mo."
Huminga siya ng malalim at kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Tawagan mo ako kapag may problema." Sabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot at nginitian ko siya.

*

MARIE'S P.O.V
Hindi ko siya ma-contact. Nakakainis talaga. Kinukulit na naman ako ni Mama kung ano ng nangyari sa pakikipag-usap ko kay Kei. Wala naman akong masagot dahil hindi pa kami nakakapag-usap ng matino.

Ang nakausap ko ng matino yung boyfriend niya, erase. Ex-boyfriend na niya. Nagtataka lang ako kung bakit siya nakipaghiwalay dito. Sinabihan ba naman ako kagabi na h'wag na raw ako makikipaghiwalay sa kanya, kung ano man daw yung nangyari kalimutan na namin.

"Bakit ka nga pala nag-resign sa trabaho mo?" Biglang tanong niya. Wala ba siyang balak umalis dito sa unit ni Kei? Well, nag-eenjoy naman akong kausap siya, saka isa pa sweet siya.

"Ha? Wala lang. Tingin ko kailangan ko na ng bagong trabaho." Sagot ko. Nag-resign si Kei?

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya habang nilalagyan niya ako ng pagkain sa plate ko.

"Really? Akala ko ba mahal mo ang trabaho mo kahit nakakapagod?" Pagtataka niya. Napaubo ako.

"Ah... yeah, pero kailangan din naman na magbago, 'di ba?" Oh great, ang gulo ng sagot ko.

"Sabagay. Mabuti na rin yan para malayo ka kay Tom." Seryosong sabi niya. Who the hell is Tom? Grabe ha? Ngayon ko lang nalaman ang dami naman yatang nakadikit sa kanya na lalaki.

Hindi na lang ako umimik, kumain na lang ako ng breakfast na niluto niya.

"Hmm. Masarap ka palang magluto." Bulong ko habang ngumunguya. Nagluto kasi siya ng adobo tapos fried rice.

Tinignan niya ako.

"Baby? Hindi ba maganda ang gising mo? Palagi naman akong nagluluto ng breakfast natin ah." Napanganga ako sa sinabi niya. You are such a jerk, Kei Marie.

"Ah, I mean masarap ka talagang magluto!" Nakangiting sabi ko. Muntik na.

"Alright. Tutal naman wala kang gagawin ngayon, sumama ka na lang sa studio ko." Masayang sabi niya. Tumango na lang ako. Studio? Ano ba siya?

Natigilan siya ng mag-ring ang phone niya.

"Si Love." Bulong niya, uhuh? Love?

"Hey, Love?" Malambing na bungad niya. Napanganga ako ng kindatan niya ako, at nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong halikan sa labi.

"Close your mouth." Bulong niya habang nakatapat pa rin sa tenga niya yung cellphone niya. Napalunok ako. Bakit nag-iinit ang mukha ko sa ginawa niya?

Kagabi, sobrang higpit ng yakap niya sa akin at tulog na tulog siya. Samantalang ako hindi ako nakatulog masyado dahil sa yakap niya.

"Sorry, Love, hindi kami nakapunta kagabi ni Kei. May nangyari lang po, yes Love, pupunta kami next week."

Tinignan ko lang siya. Pagkatapos niyang makipag-usap dun sa Love, napansin kong huminga siya ng malalim.

"Nagalit daw si Dad, hindi kasi tayo nakapunta kagabi." Tumango na lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong sinasabi niya. Tss, sinayang lang siya ni Kei. Napanguso ako ng may naisip ako. Wala na sila, 'di ba? Wala na.

Tumayo na ako.

"Maliligo na ako!" Nakangiting sabi ko.

"Sure, baby..." Sabi niya pero hinila niya muna ako sa kamay ko at pinaupo niya ako sa hita niya at napapikit ako ng siilin niya ako ng malalim na halik.

Napalunok ako nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at napapitlag ako ng haplosin niya ang braso ko pababa sa hita ko. Dammit! Nakakabaliw yung mga haplos niya.

Tumigil siya paghalik sa akin at pinisil niya ang ilong ko.

"First kiss mo ba? Bakit ganyan ka na humalik?" Natatawang sabi niya.

"Maligo ka na." Nakangiting sabi niya. Tumayo na ako at tumakbo sa kwarto. Naghanap ako ng damit sa cabinet ni Kei. Bakit ganito yung mga damit niya? Aish. Kumuha na lang ako dun ng kulay pink na blouse at shorts tapos dumiretso na ako sa CR.

*


KYLE P.O.V

"So, okay na kayo?" Nakangiting tanong ni Felix. Tumango ako.

"Pero, parang may mali Felix." Walang ganang sagot ko. Hindi ko kasama si Kei ngayon, umalis siya ng walang paalam kanina, pagbalik ko sa unit niya wala na siya. Patay na naman yung cellphone niya, takte talaga hindi maintindihan kung anong problema.

"Mali? Anong mali?" Naguguluhan na tanong ni Felix.

"Basta. Parang nag-iba si Kei." Sagot ko.

Iba eh. Kayakap ko nga siya pero parang may kulang. Nahahalikan ko nga siya pero parang wala siya. Saka parang iba din ako, parang kahit nandun yung pagmamahal ko para sa kanya dahil kasama ko siya, parang hindi ko maramdaman yung abnormal na pagtibok ng puso ko. Tangina napaparanoid lang siguro ako dahil sa naging away namin.

"Nag-iba? Ano ka ba. Akala ko ba okay na? Paanong nag-iba?" Tanong niya habang patuloy sa pagpicture sa isang model namin. Huminga ako ng malalim.

"Parang hindi siya si Kei."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon