Chapter 22
KYLE P.O.V
"Nagsisinungaling ka lang, Kei."Humina na ang boses ko. Lumapit ako sa kanya at pilit ko siyang niyakap.
Takte, sobrang sakit. Bago pa lang kami nagsisimula tapos ganito na kaagad?
"Kyle, hindi na kita mahal." Humihikbing bulong niya.
"No, baby, sinasabi mo lang 'yan dahil may problema. Ano ba kasi 'yon? Bakit hindi mo ako isali jan sa problema mo? Boyfriend mo ako, Kei!" Garalgal at nanginginig ang boses ko. Pilit siyang humihiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya but she's weak.
"I don't... love you, Kyle..." Humagulgol na siya.
"Baby. Please, don't do this! Alam ko ayaw mo nito! Please..."
Naramdaman kong umiling-iling siya at patuloy pa rin siya sa pagtulak sa akin mula sa pagkakayakap ko. Humiwalay ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
I kissed her. At halos kumirot ang dibdib ko nang maramdaman kong tinugon niya ang halik ko kasabay ng mga hikbi niya. Nasasaktan ko na ba talaga siya dahil ayaw ko siyang layuan?
"Kyle, please... I'm begging you." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa.
Lumayo siya sa akin ng kaunti at pinagtama niya ang mata naming dalawa.
"Please, Kyle, ito lang ang tamang magagawa ko para sa'yo." Bulong niya.
"Tangina naman, Kei, ikaw yung tama para sa akin!" Sigaw ko sa kanya, pero natigilan ako nang makita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi niya, halos dumugo na 'yon.
Lumapit ako sa kanya. At hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.
"Stop it, baby!" Sigaw ko. Pero umiling siya.
"Get out, Kyle, please..." Pagmamakaawa niya.
"Kei..."
"PLEASE!" Sigaw niya. Tangina, nagmamakaawa na siya sa akin para lang layuan ko siya!Niyakap ko siya.
"Magpahinga ka. Pagod ka lang, baby. Bukas mag-usap tayo ng maayos. Hindi yung ganito." Bulong ko sa kanya, pero tinulak na naman niya ako at nagmadali siyang pumasok sa kwarto niya.
*
"Ano? Bakit daw?!" Sigaw ni Felix.
"Hindi ko alam, Felix. Tangina mahirap manghula. Ayaw niyang sabihin kung ano bang problema!" Sigaw ko. Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho dahil sa kaiisip ko sa kanya.
Alam ko hindi pwedeng wala lang 'to. Kilala ko si Kei. Kagabi kahit sobrang sakit ng mga sinabi niya sa akin, hinayaan ko na lang siya na magpahinga. Ayoko nang lumala pa yung nangyari kagabi, pero kailangan pa rin naming mag-usap hindi naman ako papayag na ganun na lang.
Hindi nga ako nakatulog kaiisip kung bakit biglang ganun. Wala naman akong nagawang mali para ikagalit niya. Isa pa hindi ko na rin sinasagot yung mga tawag ni Tine. Aish, ang sakit sa ulo. Higit sa lahat ang sakit sa dibdib kasi hindi niya ako pinapansin kahit nagkasabay kami kanina sa parking. Sinubukan kong kausapin siya kanina pero sinigawan niya lang ako at kulang na lang banggain niya ako ng kotse niya.
Parang bumalik kami sa dati, putek talaga.
"Ano bang sabi sa'yo? New year na new year magkaaway kayo." Usisa niya. Takte ito na yata ang pinakamasakit na salubong sa akin ng bagong taon.
"Wala. Mabilis daw yung mga pangyayari." Walang ganang sagot ko. Tinignan ko yung isang malaking frame na pinagawa ko sa mga staff ko. Nandun na yung picture naming dalawa ni Kei. Balak kong ilagay 'yan sa kwarto ko.
Ibang iba yung mga titig niya sa akin sa picture na 'yan kumpara sa titig niya sa akin kagabi.
"Mabilis? Uh-ow, don't tell me ginawa niyo na?" Pang-aasar ni Felix. Tinignan ko siya ng masama.
"Hahaha! I see. Ginawa niyo na nga... Pakasalan mo na, baka iniisip lang n'on na hindi mo pananagutan yung ginawa mo sa kanya." Nakangiting sabi niya sa akin.
Pakasalan? Takte plano ko na nga 'yon, 'di ba? Saka isa pa nag-propose na ako sa kanya. Yun nga lang hindi maayos yung proposal ko kaya kailangan kong mag-isip ng mas maayos.
"Sira ka. Pakakasalan ko naman talaga siya. Wala akong balak takbuhan yung ginawa ko sa kanya." Seryosong sabi ko.
"Eh kung ganon, ikaw ang tinatakbuhan niya!" Pang-aalaska niya. Kainis 'tong si Felix, kung hindi lang babae 'to kanina ko pa 'to sinuntok.
"Aish! Magtrabaho ka na nga lang!" Sigaw ko sa kanya, pero tinawanan niya muna ako bago siya lumabas ng office ko.
Ipinikit ko na lang ang mata ko habang iniikot yung swivel chair. Yung mukha niya lang yung nakikita ko kahit nakapit ako. Napakunot ang noo ko nang maalala ko yung paghikbi niya kagabi. Alam ko may dahilan sa mga hikbing 'yon. Nasasaktan din siya.
Tinawagan ko si Jade para makausap silang dalawa ni Jelly, baka may naikwento na sa kanila si Kei na problema niya. Alam kong malapit siya sa mga ito kaya sila ang naisip kong pagtanungan.
"Papa Kyle!" Sigaw sa akin ni Jade ng makalapit silang dalawa.
"Have a seat." Sabi ko sa kanilang dalawa ni Jelly.
"Bakit?" Tanong ni Jelly.
"Umorder muna kayo."
"Nako, hindi na Papa Kyle, kumain na kami. Ano ba yun? Bakit biglaan yata yang pagtawag mo sa amin?" Tanong ni Jade sa akin.
Tinignan ko silang dalawa.
"She broke up with me." Ang hirap sabihin.
Nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Ano?! Eh di ba magpapakasal nga kayong dalawa?!" Sigaw ni Jade sa akin. Parang may kung anong kumalabit sa puso ko nang sabihin ni Jade 'yon. Ibig sabihin gusto niya talagang magpakasal kaming dalawa? Pero may pumipigil lang sa kanya. Kung ano man yung ikinatatakot niya kailangan ko talagang malaman.
"Baka naman may babae ka?!" Sigaw ni Jelly.
Ako may babae? Si Kei lang, si Love at mga kapatid ko ang babae sa buhay ko!
"Wala." Mariin na sabi ko.
"Wait. Ibig sabihin, hindi dahil sa ikakasal kayo kaya siya nag-resign? Kung ganon anong dahilan?" Pagtataka ni Jade. Napakunot ang noo ko.
"What? Nag-resign si Kei?"Tumango silang dalawa.
"Kanina kasi naabutan namin siya sa HR, nag-resign na siya. Hinabol pa nga siya ni Sir Tom eh. Niloloko pa nga namin siya na baka nag-resign siya dahil ikakasal na kayong dalawa." Paliwanag ni Jade.
Mas lalo akong kinabahan. Mahal ni Kei ang trabaho niya para lang mag-resign ng ganung kabilis. Tss, ano ba kasing problema?
"Anong oras siya umalis ng hotel?!" Tanong ko.
"Halos magkasabay lang kami."
"I'm sorry!" Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nagmadali akong pumunta sa tower ng comdo namin.
Tinatawagan ko si Kei pero pinapatay na niya ito ngayon.
Pagkadating ko sa parking, nakita kong tumatakbo siya papunta sa elevator na para bang may hinahabol siya, pero bigla siyang tumigil at napaupo. Ipinarada ko ang kotse ko at tumakbo ako palapit sa kanya.
"Kei!!!" Sigaw ko.
Napatingin siya sa akin at halos manlaki ang mata ko nang makita kong pawis na pawis siya at nakahawak siya sa dibdib niya.
"A-anong nangyayari? May masakit ba?"
Pero tinignan niya lang ako na para bang nahihirapan siya. Para siyang naghahabol ng hininga at sibrang higpit ng kapit niya sa dibdib niya.
"Shit!!" Bulalas ko nang bigla siyang mawalan ng malay.
Dinala ko siya sa unit niya. Maya-maya lang nagkamalay na rin siya. Mabilis ko siyang pinainom ng tubig.
"O-okay ka lang?" Pag-aalala ko. Langya kinakabahan ako dahil sa kanya.
Tinignan niya lang ako na para bang hindi niya ako kilala. Nakakunot ang noo niya.
"Ayos lang." Sagot niya. Medyo hindi pa rin maganda yung paghinga niya.
Umupo siya sa kama at parang sinusuri niya yung buong kwarto.*
KEI'S P.O.V
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko ngayong nakikita ng dalawang mata ko namagkasama na sila.
Tama naman. Silang dalawa talaga yung para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]
Ficção GeralMatagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. Mapapatunayan ba ni Kyle na ang lalaki na tunay na nagmamahal, kayang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya? Kahit na ang pagmamahal na...