Chapter 16

394K 4.3K 130
                                    

Chapter 16


KEI'S P.O.V


Nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Parang ang bigat pa ng mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Actually, hindi ko na nga alam kung ano na ba talaga yung iniiyak ko, kung si Tine pa ba o yung pagmamahal sa akin ni Kyle. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong lalaking katulad niya. Kadalasan kasi kapag ganyang nag-aaway ang mag-boyfriend, nagagalit pa lalo yung isa dahil sa paghihinala.

Pero si Kyle, iba siya. Inamin niya lahat kagabi kung anong meron sa kanila ni Tine, pati yung pagtatapat ni Tine kay Kyle kagabi sinabi niya sa akin.

Pinapatigil na nga niya ako kagabi pag-iyak pero hindi ko kasi mapigilan. Ewan ko parang simula nang maamin ko sa sarili ko na mahal ko siya parang ang babaw na ng luha ko.

Nakatulog na nga ako sa ibabaw niya, pero naramdaman kong binuhat niya ako at nilipat niya ako sa kama ko saka tinabihan ako. Natulog na naman kaming magkayakap at masaya ako dahil doon. Yung parang kuntento na kami sa ganito. Kahit na alam kong hindi sanay si Kyle sa girlfriend na katulad ko na hindi nakikipag-sex sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa CR para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos nagsuklay ako ng kaunti at lumabas na ako ng kwarto.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong nagva-vacuum siya!

"A-anong—"

"Good morning, wifey!" Nanlaki ang mata ko. Wifey naman ngayon?

Inilibot ko yung mata ko sa buong unit at napansin kong nagkikintaban ang mga gamit ko.

"KYLE!" sigaw ko dahil ang ingay nung vacuum.

Pinatay niya yung vacuum at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang noo ko. Pawis na pawis siya. Nakasando lang siyang kulay gray at naka-shorts. Ang aga-aga bakat na bakat yung katawan niya sa sando. Medyo basa na rin yung sando niya dahil sa pawis, tapos yung buhok niya gulo-gulo.

"Bakit ka naglilinis?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.

"Eh kasi naman po ang kalat ng unit mo. Puro trabaho ka kasi. Wala ka pang pasok ngayon di ba?" sabi niya, at tumango ako. Wala pa akong pasok ngayon kasi ngayon pa lang dapat ang balik namin galing sa outing.

Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano. Dahil ang totoo ay tamad akong maglinis kahit day off. Mas pinipili ko kasing matulog.


"Good, sama ka sa studio ko," sabi niya.

"Ha?"

"Dadalhin kita sa mundo ko," sniya saka kinindatan ako.

"Kyle naman..."

"Biro lang. Gusto ko lang makita mo kung ano yung mga hilig ko. Photography, ikaw ang subject ko ngayon." Napanganga ako. Subject? Gagawin niya akong model?! Nanlaki ang mata ko nang dumampi yung basang labi niya sa labi ko.

"Nakanganga ka na naman," natatawang sabi niya. Itinikom ko ang bibig ko at tinakpan 'yon ng kamay ko. Kumunot ang noo niya.

"Daya. Share naman jan." Para siyang batang may hinihinging kung ano sa akin.

"Share?" Pagtataka ko habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig ko.

"Mag-share ka naman ng laway." Ayan nanaman siya sa share share na 'yan!



Umiling iling ako at tumakbo papuntang kusina. Nanlaki na naman ang mata ko dahil may nakahanda nang breakfast! Hindi ba dapat ako ang gumagawa ng mga 'to?

Bigla niya akong niyakap mula sa likod. Itinungo niya ang baba niya sa balikat ko, at kahit pawis siya ay napakabango pa rin niya.

"Peace offering para sa pinakamamahal kong girlfriend." Nag-init ang mukha ko dahil sa paglalambing niya.

"Kulang pa nga 'yan dahil sa pagpapaiyak ko sayo kagabi. Sorry ulit. Hindi na mauulit promise."

Napangiti ako. Kung tatanungin siguro ako kung perfect boyfriend ba si Kyle, siguro ay mapapa-oo kaagad ako. Sino ba namang lalaki ang susuyo ng ganito sa girlfriend nila pagkatapos ng iyakan?

Humarap ako sa kanya at ikinulong ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi niya. Mukhang nagulat pa siya sa inasta ko dahil sa reaction niya. Nginitian ko siya at tinitigan ko ang magandang mata niya.

"You're my perfect boyfriend, Kyle Briones Cando! At handa akong makipag-away kahit kanino, h'wag ka lang mawala sa akin. Kagaya nang sinasabi mo palagi. Akin ka, Kyle. Akin ka lang," nakangiting sabi ko at hinalikan ko ang labi niya. Para naman siyang nagulat sa ginawa ko, pero napangiti ako nang tugunin niya ang halik ko habang nakangiti siya.

Pagkahiwalay ng labi naming dalawa, hinapit niya ang bewang ko. Nakangiti pa rin siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

"Ang swerte ko naman ngayon. Biruin mo nagluto lang ako ng breakfast at naglinis, may isang masarap na halik na agad akong reward," natatawang sabi niya saka pinisil ang ilong ko.

"I love you, Kei."

"I love you." Ngiti ko na mas nagpaliwanag sa mga mata niya.

Pagkatapos naming mag-breakfast, bumalik muna siya sa unit niya para maligo.
Nakasuot na ako ngayon ng emerald green na dress at flat shoes. Dala ko na rin ang shoulder bag ko. Maya-maya lang may nag-doorbell na. Binuksan ko agad 'yon at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Kyle.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri niya ang suot ko.

"O-okay lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

"You look so perfect," pambobola niya saka hinila na niya ako palabas.

Pagkarating namin sa parking lot, sumakay na kaagad kami ng kotse niya.

"Pinalitan ko yung code ng unit ko, birthday mo na," sabi niya habang inilalabas yung kotse niya sa parking lot.

"Bakit pinalitan mo?"

"Ano ka ba? Girlfriend na kita, so gusto ko lahat ng tungkol sa akin alam mo," seryosong sabi niya at sa wakas nakalabas na rin kami ng parking lot.

Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang birthday ko dahil dalawang birthday ko na rin naman ang napuntahan niya sa unit ko. Hindi ko naman siya ini-invite noon eh, siya yung nag iinvite sa sarili niya! Narinig niya daw sa mga inimbitahan ko na birthday ko kaya simula n'on tinandaan na niya.

"Edi, 0218?" tanong ko sa kanya.

"Ah! Pati pala yung date nung isang araw! Bali, 021828." Nakangiting sabi niya. 28? Ah, November 28. Natigilan ako, November 28 naging kami? Wow. Nakakatuwa talagang tinandaan niya.

"Alam mo bang ka-birthday mo si Love?" Muntik na namang mapakunot ang noo ko pero naalala kong Love ang tawag niya sa Mama niya.

"Talaga?!" excited na tanong ko. Tumango tango siya.

"Kaya nga pagkatapos kong magpunta sa birthday ni Love, sa'yo naman ako dumidiretso," sabi niya. Natutuwa ako sa pagmamahal niya sa mga magulang niya.

*

Pagdating namin sa building ng studio, napanganga naman ako pero kaagad ko ring itinikom ang bibig ko. Hindi ko akalain na ang laki pala ng studio niya! Actually, isang building talaga siya at kilala siya nung guard. Haler, Kei, sarili nga niya 'yan, di ba? Kaya nga nakaukit sa building nito 'KC Photography Studio'. Akala mo simple lang pero bigatin yung mga model nila. May mga artista din. Minsan naman sila rin yung nagha-handle ng mga kasal at debut or event ng mga artista at malalaking personalidad para sa photoshoot.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang yung kaliwang kamay niya hawak naman ang camera niya.

Pumasok na kami at halos lahat sila nakatingin sa akin. Binabati rin nila si Kyle, konti na lang iisipin ko hindi studio 'tong pinasukan namin! Company 'to! Hay.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon