Chapter 21

317K 3.2K 264
                                    

Chapter 21

KYLE P.O.V

"Saan lakad natin?" sigaw sa akin ni Drake, pinsan ko. Mas matanda ako sa kanya ng limang taon.

"Susunduin ko ang girlfriend ko," sagot ko. Susunduin ko na si Kei, langya kasi apat na araw na pero hindi pa rin siya umuuwi. Okay lang naman sa akin kung gusto niya pang makasama ang pamilya niya, pero hindi ko kasi siya ma-contact, patay yung cellphone niya. Nag-aalala na ako sa kanya. Pati sila Jade tinatanong kung bakit hindi pa bumabalik sa trabaho si Kei.

Isa pa, monthsary namin kahapon. Sobra-sobrang kaba na yung nararamdaman ko. Natatakot ako nang hindi ko alam ang dahilan.

Ang huling pag-uusap namin ay nung dumating siya sa Laguna. Medyo hindi pa nga maayos 'yon dahil nagmamadali siya at parang umiiyak siya habang kausap ako. Dapat kasi sumama na ako sa kanya. Hindi pa naman niya dinala yung sasakyan niya.

"Woa. Hanep, may girlfriend ka na naman! Tangina, sasama ako. Gusto ko makilala 'yan." Para naman siyang namamangha sa sinabi ko. Bago pa ako makapagsalita binuksan na niya yung passenger seat ng kotse ko at sumakay na siya.

Sira ulo 'tong Drake na 'to. Sumakay na rin ako sa sasakyan ko.

"Baba. Gago ka ba? Oras namin 'to ng girlfriend ko." Inis na sabi ko.

"Dude naman, si Tine ba yan?"

"Gago! Ang tagal na naming hiwalay ni Tine." Singhal ko sa kanya.

"Naks! Sayang 'yon! Hot nun ah!" Tinignan ko siya ng masama.

"Wala akong pakialam kung hot or cold yung Tine na 'yon, basta bumaba ka na!" Sigaw ko sa kanya.


"Hahaha! Hanep Kuya Kyle, seryoso na ba ngayon 'yan? Ingat. Mahirap masaktan." Napatingin ako sa kanya dahil biglang naging seryoso ang boses niya.

"Alam mo dude, tayong mga lalaki, minsan na nga lang magseryoso, pero nasasaktan pa tayo ng sobra. Tangina akala ko nga dati mamamatay na ako sa sobrang sakit, pero hindi pala." Para siyang gago na nakangiti habang sinasabi 'yon, pero kita ko sa mukha niya na may halong lungkot 'yon.

Binatukan ko siya.

"Nagdadrama ka ba? Haha. Bumaba ka na baka mahawahan mo pa ako sa kadramahan mo." Natatawang sabi ko.



"O sige na! Sige na! Sinabi ko lang Kuya Kyle, masakit promise." Nakangiwing sabi niya bago bumaba ng sasakyan ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Drake. Naramdaman ko na dati 'yon kay Kei at ayoko nang maulit pa 'yon, nung araw na pinapalayo niya ako sa kanya at sinabi niyang gusto niya si Tom. Masakit nga sa dibdib 'yon, pero napalitan din kaagad ng saya dahil naramdaman ko namang ako talaga ang mahal niya.

Kinakabahan parin ako dahil kanina ko pa paulit-ulit tinatawagan ang cellphone niya pero iisa lang palagi ang sinasabi sa kabilang linya.

Sinubukan ko ulit at halos magwala ang dibdib ko nang may pumindot sa kabilang linya.

"Kei!!" Sigaw ko. Halos mapahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? Pakiramdam ko mababaliw na ako kaiisip kung anong nangyari sa'yo! Susunduin na kita ngayon, okay?" Para akong tanga dahil garalgal at nanginginig ang boses ko.

Pero natigilan ako nang marinig ko ang malamig niyang boses.

"Hindi na kailangan, nandito na ako sa unit ko."

Napakunot ang noo ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kei? May problema ba?" Langya kinakabahan ako.

"Mamaya na tayo mag usap." Halos magmura na ako sa loob ng sasakyan ko dahil sa kaba, dahil sa lamig ng pananalita niya. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa tower ng condo namin.

Binuksan ko ang unit niya at nadatnan kong nakaupo siya sa couch. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Dammit. I really miss her.

"Anong nangyari? Bakit hindi kita matawagan? Nag-alala ako sayo ng sobra." Bulong ko habang yakap-yakap ko siya, pero bumalik yung kaba ko kanina nang hindi ko maramdaman na tinanggap niya yung yakap ko. Sa halip, itinulak niya ako ng mahina.

Tinignan ko siya, at hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Pero parang pagod na pagod siya.

"What happened?" Untag ko.

Matagal niya akong tinignan sa mata. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon.

"Na-miss kita. Sobra." Bulong ko saka ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya.

Napansin kong lumunok muna siya bago nagsalita. At hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"I... I'm breaking up with you, Kyle."

Nabitawan ko ang kamay niya sa narinig ko. Nabibingi lang ako, 'di ba? Tumawa ako ng mahina.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon