PLANNING

4 0 0
                                    


XANDER POINT OF VIEW*

"Pinapatawag daw tayo ng girls" sabi ni Kent habang nakatinggin sa phone niya.

linggo na ngayon, wala naman masyadong nangyare sa school. Ang alam ko lang, ilang beses na kami ni Aisha nasigawan ni Ayumi. Pag ganun pala si Ayumi, kailangan ng tumahimik, dahil mag susuper sayan yun.

Andito kami sa bahay nila Kent.

"Bakit daw? Kasama ba si Aisha??" Tanong ko. Tiningnan naman nila ako ng nakakaloko. Mga gag*. Problema nila? -.-

"Ikaw haas Xander!! Inaaway mo pa si Aisha tapos may lihim ka palang pag tinggin dun!!!" Sabi naman ni Lance at nag tawanan sila. Mga gag* talaga.

"Binata na si Xander!!" Sigaw naman ni Drake.

"Mga gag* kayo!! wala akong gusto sa panget na yun!! Tinanong ko lang kasi hindi ko ma eenjoy mamaya kapag andiyan si Aisha. Tsss" nag bibiro lang naman ako. Natutuwa kasi ako kay Aisha. Talagang pinapatulan niya ako kapag inaasar ko siya. samantalang yung iba, ni banggain ako hindi nila magawa. Tsaka maganda si Aisha. Bulag nalang kapag hindi nila nakita ang kagandahan ni Aisha. Pati mga kaibigan nila.

"Saan daw ba tayo mag kikita-kita??" Tanong ko nalang. Ma ho hotseat ako ehh.

"Sa bahay daw nila Chini" sabi ni Drake.

Umalis na kami sa bahay nila Kent, bat kaya kami pinapatawag?

Nag isang kotse nalang kami. Nag da drive si Lance, nasa passenger seat naman si Kent, kami ni Drake andito sa likod.

Sinend naman daw nila yung address ni Chini.

Nung nasa tapat kami ng bahay ng sinend na Address, namangha kami. Malaki ang bahay nila Chini. Halatang mayaman sila.

Nag door bell na si Lance, ang nag bukas naman ay yung maid nila,

"Andiyan po ba si Chini?" Tanong ko.

"Nasa garden sila. Kayo ba yung kaibigan niya?" Tanong naman nung maid. Mukhang masungit.

"Opo" sagot naman ni Drake.

"Tara" sabi naman nung maid.

Pag pasok namin ng gate, makikita mo agad yung dalawang fountain nila na nasa tig isang gilid. Tapos green grass yun. Ang ganda. Pero may daanan naman, madali mong malalaman kung asan yung mga place kasi yun lng yung may daanan na parang inalisan ng grass.

"Dun kayo" sabi naman nung Maid at tinuro yung isa sa gilid na may daanan.

Sinunod nalang namin yung daan.

pag kadating namin, nakita namin sila Suzzane, Chini at Ayumi na nakaupo sa Grass.

Bat wala si Aisha??

"Chini!" Napalingon naman sila. Nakapang bahay lang sila. Pero ang ganda padin nila.

"Guys. Dali!! Dito kayoo!" Sigaw namn ni Suzzane. Umupo ako sa tabi ni Ayumi sa gilid naman ni Ayumi si kent, katabi naman ni Kent si Suzzane katabi niya si Drake pag katapos si Chini then si Lance. Palibot kami.

"Pinatawag namin kayo kasi birthday ni Aisha sa wednesday. Gusto namin na mag plano kasama kayo"
Sabi ni Chini.

"May handaan sa gabi pero i su surprise sana natin siya sa umaga bago siya pumasok" sabi naman ni Ayumi.

"OMYGOSH.. WAAAAH. IM SO EXCITED" sabi ni Suzzane at pumalakpak pa. Nag tawanan nalang kami.
Nag plano na kami sa mga gagawin. Tapos mamaya bibili kami sabay sabay ng Regalo kay Aisha. Ma o-Op Ako, wala yung kaaway ko. Tss.

maya maya may dumating na maid, pero iba na, mukhang mabait siya.

"Mag snack muna kayo" sabi nung maid. At nilapag yung juice at brownies.

"Thank you ya!" Sabi ni Chini.
Nag pasalamat na din kami kay Manang.

Tumayo kami para kumain.

"Ang sharap nung brownish Shini!" Sabi ni Drake.

"Pambihira ka naman Drake!" Sabi ni Lance.

"dont talk when your mouth is full" sabi naman ni Suzzane. Nag tawanan nalang kami.

Pag katapos, umalis na kami kasama ang girls, bibili daw kami ng Gift. Nag hiwa hiwalay kami. mag kakasama ang girls kami naman mag kakasama ng boys.

Nakakita naman ako ng Bracelet, ang ganda niya, gold at may mga nakapalibot na Diamond. Ang ganda niya.

kinuha ko yun. 4,205 pesos naman yung Bracelet. Pero ang ganda. bumili na rin ako ng Box nun. Yun nalanh siguro yung gift ko.

Sana magustuhan man lang niya.

HOPE TO BE LOVE❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon