THE BIRTHDAY

9 1 1
                                    


AISHA POINT OF VIEW*

*ringgg*ringgg*

Nagising ako sa pag ring ng phone ko, sinagot ko naman yun.

"Hello?" Sabi ko habang naka higa at nakapikit pa ang mata.

"HAPPY BIRTHDAAAAY AISHAA MY DEAR!!!! 17 kana!!" Nailayo ko naman yung phone sa tenga ko.

Walang happy ang birthday ko ngayon, hmp!! Dati naman yung mga kaibigan ko 12:00AM talaga tatawag pag birthday ko. hays. Nakakaiyak tuloy.

"Dont shout mom. Thanks" sabi ko, bumangon na rin ako at kumuha ng towel sabay pasok sa CR ko.

"may pinahanda akong party mamayang gabi ha. invite your friends, di yata kami makakauwi ng dad mo, may inaayos kaming mga papeles with your tita Cherry and tito Gabrielle ehh" tita Cherry and Tito Gabrielle, parents ni Chini.

"Its okay mom" sabi ko, niloud speaker ko nalang yung phone ko at nilagay dun sa labas ng shower room, alam niyo yun?? Yung hiwalay kasi ang shower room ko dun sa parang lababo ng CR ko, yung may harang na glass pero nasa isang room lang. Gets? Bahala na kayong umintindi.

Naliligo na ako.

"Sige na Aisha ha. May gagawin pa kami! Iloveyou Dear" sabi ni mom.

"Iloveyoutoo mom" at inend na niya yung tawag.

Hays. papansinin na kaya ako nila Chini?? Sana naman. Birthday ko pa naman ngayon. Huhuhu.

Mga 30mins akong naligo.

After ko maligo, nag ayos na ako.

Kumain at pumunta na ng school.

7:15 na. Okay lang yun. Mag papalate muna ako. Hays.

7:25 nung nakarating ako sa school.

nag stay ako sa parking ng mga 5mins. Tapos umalis nung mga 7:35. Sana hindi ako masuspension.

pag pasok ko pa lang gate, may mga bumabati sAkin na Happy Birthday. Tapos binibigyan nila ako ng chupachups. Anong meron??

16 na ang hawak kong chupachups, yung panghuli naman, yung babae sa hagdan papunta sa room namin. Nginingitian ko nalang sila at nag papasalamat.

Nung nasa tapat na ako ng room, nag taka ako kasi may nakaharang na black na tela dun sa glass na bintana. Kaya wala akong makita.

Anong meron sa loob?

Bigla namang lumabas si Yuna. Tapos may hawak hawak siyang damit. Bigla naman niya akong hinila.

"Oy teka Yuna. San ba tayo pupunta?!" Sabi ko. di niya ako Pinansin, hanggang sa pinasok niya ako sa restroom at binigay sakin yung damit na hawak niya.

"Suotin mo yan" sabi niya sabay ngiti at pumasok din sa isang cubicle.

Pumasok nalang ako sa cubicle at sinuot yun..

long gown siya na may design na Mermaid. ang gandaaaa. Favorite ko kasi ang Mermaid eh!! HAHAH.

Pag labas ko sa cubicle, andun na si Yuna at long gown din sakaniya na nay design na Patrick the Star Fish. Waaaah!! Ang kyuut.

"ano bang gagawin natin at sinuot natin to? May role play ba? Bat di ko alam?" Sabi ko sakaniya.

"Wala naman. Trip ko lang" sabay tawa niya. At hinila nanaman ako papuntang room. Pag pasok namin si Carlo at Ginno naman nakapang kawal.

tapos nung nakita ko kabuuhan ng room, naiyak ako.

"HAPPY BIRTHDAAAY AISHAAAA!!" Sigaw nila Chini, Suzzane, Ayumi, Drake, Kent, Lance. Huhuhuhu. ang saya ko.

Si Chini naka Long gown din na may design na Pikachu. Favorite niya kasi si Pikachu. Tapos si Suzzane naman naka long gown na may design na Cinderella, favorite niya din, then si Ayumi naman naka long gown din na may design na Tom and Jerry. Favorite niya din.

Tapos si Drake naman naka pang kawal tapos may design na babaeng naka swim suit. HAHHAHA. Natawa tuloy ako. Si Kent naman nakapang kawal din na may design na Tom and Jerry din, parehas sila ni Ayumi. Si Lance naman naka kawal na may design na Sponge bob.

"HAPPY BIRTHDAY PANGET!!" biglang sigaw ni Xander. Natawa naman ako ng nakapang kawal din siya pero ang design naman Mga pagkain at mga babae. HAAHAHAHA.

"Che! Mas pangit ka!!" Sigaw ko sakaniya.

"Waaah! I miss youuu!" Sigaw naman ni Chini at niyakap ako, yumakap na rin sila Ayumi at Suzzane pati ang Boys.

"Kayo!!! Naiinis ako sainyoo! Bat di niyo ko pinapansin nung monday at tuesday!! Hmp!!" Sigaw ko. Nag tawanan naman sila. At tumingin sila lahat kay Xander na natatawa din.

"Si Xander nag suggest nun eh" sabi naman ni Suzzane. Sinamaan ko ng tinggin si Xander.

Nag tawanan nalang sila.

"Teka. Diba may klase pa tayo?" Tanong ko.

"Exempted muna daw tayo. Pero may exam after" sabi naman ni Xander.

"Kinakausap ba kita??" Tanong ko.

"Suzzane, diba?" Sabi niya sabay irap sakin.

nag tawanan nalang kami.

Andami nilang Pagkain na inorder galing sa Shakeys. Then yung gifts daw nila, mamayang gabi sa party ko nalang daw.

Kaya lang may exam pa bukas >,< tsk. Anubayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOPE TO BE LOVE❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon