Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang minamasdan ang naglalakihang alon na nag-uunahang makarating sa pampang upang mabasag lang pagsalpok sa mga naglalakihang bato.
Just like her.
Siya man ay nakikipag-unahan din sa maraming bagay, sa trabaho, sa karera at sa pag-ibig. Ngunit kapag malapit na siya sa finish line ay makakaramdam siya ng panlalamig o di kaya naman ay di maipaliwanag na takot kung kaya sisirain niya ito o kaya naman ay tatakasan.
Ito ang buhay niya. Ang buhay ni Selene Samonte.
This was her wedding day. Ang araw na pinakahihintay ng sana ay groom niya, si Jed Rosales. Pero sa halip na nagmamartsa patungo sa altar habang suot ang mamahaling bridal gown ay narito siya ngayon sa isang beach sa isang liblib na nayon ng Botolan, Zambales. Ito ang lugar na napili niyang pagtaguan ngayon.
This was her fifth attempt to marry. But just like what she was doing on the day of her wedding, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi niya sinipot at sa halip ay nagtago.
Pang-lima na si Jed sa mga lalaking binigo niya at sinaktan. Kung hanggang kailan niya ito gagawin ay hindi niya alam. Ang tanging alam niya ay kailangan niya ng isang lalaking magmamahal sa kanya, magpaparamdam ng kanyang importansya at mangangako ng seguridad at proteksyon. And when she found him, she would be deeply in love with him and would agree to marry him. But on the day of wedding, she would suddenly feel an extreme fear of loss and dissatisfaction until she didn't know what she really wanted. Her self-annihilation would result into uncontrollable self-pity and bitterness. Sometimes she would feel dead, invisible or shut-down.
She craved for love, she knew it. But the moment she found it, she couldn't trust herself whether she could handle the relationship. And the anxiety would become stronger every day that she could no longer control it until she would decide to run away. At tatakas siya hangga't kaya niya. Pupunta siya sa isang lugar kung saan makakatagpo siya ng katahimikan habang lihim na ginagamot ang pusong sugatan.
At alam niyang hindi lang siya ang nasasaktan kundi maging ang mga lalaking nagmahal sa kanya ng totoo at nangarap na makasama siya habang buhay . Una ay si Bren, sumunod ay si Ivan, pagkatapos ay si Michael at si Geoff at ngayon naman ay si Jed.
Kung napatawad na siya ng mga lalaking pinaasa niya ay hindi niya alam, sapagkat siya man, ay hindi niya kayang patawarin ang kanyang sarili. Ngunit siya ba talaga ang dapat sisihin sa mga pinagdadaanan niya?
O ang kanyang madilim na nakaraan?
BINABASA MO ANG
My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)
RomanceI was adrift in my own battle against the madness of the past. I was as fragile as the thin air that envelops my weakened soul. But the fire of your passion to love me and to protect me made me breathe life again. Now, I am feeling reborn, free a...