Chapter 4.1

2K 89 0
                                    

"Can we sit down, Miss Samonte?" magalang na tanong ni Paris. Nawala na ang ngiti nito sa mga labi. Balik-seryoso na uli.

"S-sure," nauutal na tugon niya.

Paris pointed on the monoblock chairs few steps away from them. Nangingiming humakbang siya patungo roon pagkatapos magpaalam kay Cecile. Sumabay ito sa kanya. Ilang dangkal ang layo nito ngunit pakiramdam niya ay ang lapit-lapit nito sa kanya. Sumunod sa kanila ang dalawa nitong side kick.

"This is SPO1 Cortez and this is PO3 Villa." Pakilala nito sa dalawang kasama. Ang tinukoy na Cortez ay medyo may edad na at iyong Villa naman ay mukhang bata pa. Bahagyang ngumiti at tumango ang mga ito sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya.

Umupo siya sa isang bakanteng monoblock. Umupo rin si Paris sa tabi niya. Nanatili namang nakatayo ang dalawa pang pulis. Hindi nakaligtas sa kanya ang mabilis na paghagod na naman ng mga mata ni Paris sa kanyang kabuuan. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit nang maalala niya ang itsura niya.

Nakupo. Ano na nga kaya ang itsura niya ngayon? She was only wearing pink pajama, with pictures of Hello Kitty. Her hair was carelessly tied, some curly strands were hanging on her face and nape. She had no make-up, ni hindi na nga niya naisip na magpulbos man lang.

Bigla siyang na-conscious kung ano ang itsura niya ngayon. Halata ba siyang bagong-gising? Mukha ba siyang hindi naliligo? Ang losyang ba niyang tingnan ngayon?

Sayang. Kung alam lang niya na makikilala niya ang guwapong pulis na ito ngayon, nag-effort sana siya na magpaganda. Well, she knew that she was beautiful, may make-up man o wala, pero iba pa rin siyempre iyong medyo class ang dating. Para at least ay hindi siya alangan sa napakaguwapong lalaking ito sa tabi niya na wala pa ring kurap na nakatitig sa kanya.

May dumi ba siya sa mukha? May muta ba? Gosh. Bakit ganito makatingin ang lalaking ito?

Hindi naman nito siguro iniisip na may kinalaman siya sa nangyari kay Isadora. Pero bakit ang mga titig ng pulis na ito ay nanunuri at nanunuot hanggang sa kaloob-looban ng pagkatao niya?

"Kaibigan mo si Mr. Ortega?" simula nito. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"Yes," pinilit niyang maging relax. "Actually, we are more than friends. We are best friends."

He crumpled his forehead. Mukhang hindi nagustuhan ang sagot niya. Oo nga pala, natatandaan niyang sabi ng isang teacher niya sa college na kapag under interview daw, dapat sagutin lang ang itinatanong, hindi dapat dugtungan ng kung ano kung ayaw magkamali o mapahamak.

"You are best friends?" tila nagtatakang ulit nito. "How much do you know his activities? His other friends? Enemies?"

"Of course I know a lot about him. You see, housemates kami."

"Housemates?" Kumunot na naman ang noo nito.

Patay. Ano ba itong sinasabi niya? Bakit kasi hindi na lang niya sagutin ang itinatanong. Pero, teka, ano ba ang nakakagulat kung sabihin niyang housemates sila ni Isadora? Eh, iyon naman ang totoo.

Naku, oo nga pala. Hindi pa alam ng pulis na ito na isang bakla ang biktima. Dahil wala sa itsura ni Isadora, not unless, sabihin niya.

"May alam ka bang kaaway si Mr. Ortega, Miss Samonte?" Nawala na ang kunot sa noo ng pulis.

Kaaway? Well, marami. Isa nga siyang sociopath eh. Gusto niyang sabihin. Pero hindi kaya isang betrayal iyon sa kaibigan? Iyong pagiging bakla nito ay hindi issue. Hindi lang naman siya ang nakakaalam na kabilang ito sa third sex. Pero iyong pagiging sociopath, sila lang dalawa ang nakakaalam noon. Sikretong malupit nilang dalawa iyon. Kung paanong sikreto rin nilang dalawa ang pagkakaroon niya ng borderline personality disorder.

"May I know why you are asking me those questions?" Wow. Ang galing naman niya. Nakaisip siya ng alibi para hindi agad sagutin ang tanong.

"Sa tingin namin ay hindi isang karaniwang carnapping lang ang nangyari, Miss Samonte. Halos patayin sa bugbog ang biktima. Well, marahil ay inisip ng mga kriminal na patay na siya kung kaya itinapon na lang siya kung saan. Tila may galit ang gumawa nito sa kanya. Kung hindi namin siya nakita agad, malamang ay patay na siya sa mga oras na ito."

Bahagya siyang kinilabutan sa narinig. Isipin lang niya na posibleng mamatay si Isadora ay tila hindi niya kakayanin. "Puwede bang siya na lang ang tanungin ninyo kapag nagkamalay na siya?"

"Puwede naman, Pero matatagalan pa iyon. Ang sabi ng doktor ay baka after two days pa siya puwedeng ilipat ng ibang room. Ang ginagawa namin ngayon ay initial investigation. Frustrated murder ang kaso basta't may maituturong suspect at ma-establish ang motibo."

"Sa ngayon ay ayoko munang magsalita, sir..."

"Paris na lang kung pwede," agap nito, muling ngumiti ang mga mata.

Paano kaya niya nagagawang pangitiin ang kanyang mga mata samantalang nananatiling tikom ang mga bibig?

"I-if that's what you want, P-Paris..." nauutal na tugon niya habang ikinukurap ang mga mata.

"Can I call you Selene?" Ngumiti na naman ang singkit nitong mga mata.

"Ah, s-sure," nagkandautal na naman siya.

Humagod na naman ang mga mata nito sa kabuuan niya at muling ngumiti.

"Favorite mo si Hello Kitty?"

"Huh?" Nabigla siya. "Talagang kasama 'yun sa tanong?"

My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon