Iniuwi na nila si Isadora pagkaraan ng ilang linggo. Ilang araw matapos siyang i-discharge ng ospital ay nahuli naman ng mga pulis si Brix at ang dalawang kasama nito. Tuloy-tuloy ang mga ito sa kulungan dahil sa matibay na ebidensiya laban sa kanila.
Ngunit may panibagong anggulo ng kaso ang tinutukan ng mga pulis na nakapagpalito sa kanila ni Isadora.
"Brix Aguilar admitted that he and his friends are newly-recruited members of the new carnapping syndicate here in Manila, the Montoro carnapping group. According to him, it is a break away group of the notorious Daba-Daba Carnapping Syndicate that operates in Davao," bungad ni Paris. Nakaupo siya sa isang silya paharap sa amin ni Isadora habang nakaupo naman ako sa gilid ng kama ng huli. Pinapasok ko na lamang siya sa loob ng silid ni Isadora sa dahilang hindi pa nito kayang bumangon at maglakad. "Pero ang nakakaintriga ay iyong inamin ni Aguilar na personal daw siyang inutusan ng lider ng grupong ito na trabahuhin si Mr. Ortega."
"Really?" Bahagyang napaangat ang ulo ni Isadora. Nakahiga pa rin ito sa kanyang kama. "And who is that stupid leader? I'm sure hindi ko siya kilala."
"The members call him in his codename, Minotaur. Patuloy naming iniimbestigahan ang personal identity niya at kung ano ang motibo niya para puntiryahin ka. So far, ayaw pa ring magsalita ng grupo ni Aguilar. Pero pasasaan ba at bibigay din ang mga iyon," sagot ni Paris.
"Ang hayop na Brix na iyon." Namula sa galit si Isadora. "Kunwari nakipagkilala sa akin at niligawan ako. Iyon pala ay plano nila akong patayin."
Paris nodded his head. "Tama. Hindi pera at kotse mo lang ang gusto nila. They want to kill you. Kaya kung mamarapatin mo ay hihilingin kong bigyan mo ako ng listahan ng mga taong posibleng galit sa iyo. Baka isa sa kanila ang may kontak sa lider ng Montoro group."
Inisa-isa ni Isadora ang mga lalaking naka-relasyon niya na sa kasamaang-palad ay nauwi lahat sa malungkot na wakas. Isinulat ito ng pulis sa hawak na tickler.
"Okay, I'll try to get some information about these people as soon as possible and I will give you feedback. Sa ngayon ang kailangan ninyo ay mag-ingat. Hindi pa natatapos ang panganib sa buhay mo lalo na at hindi pala si Aguilar ang mastermind ng krimen."
"My God!" bulalas niya. "Akala ko ay tapos na ang bangungot na iyon sa buhay ng mahal kong kaibigan. Hindi pa pala."
Bumaling sa kanya si Paris. Nangungusap ang singkit nitong mga mata. Tumatagos sa kanyang kaibuturan ang mga titig nito. "Ikaw rin, Selene. Kailangan mo ring mag-ingat lalo na at magkasama kayo ni Mr. Ortega sa iisag bahay. Walang pinipiling bibiktimahin ang mga masasamang-loob."
Napatango na lang siya. Unti-unting nilulukuban ng takot ang buong katawan niya.
Maya-maya pa ay nagpaalam na ang binata. Inihatid niya ito sa hanggang sa pinto ng bahay.
"Magpapadala ako ng security ninyo dito, Selene," wika nito pagkatapos bahagyang huminto sa paglalakad.
"What?" tanong niya. "Kailangan ba talaga iyon?"
"Oo. Tingin ko ay hindi titigil ang taong iyon hangga't hindi napapatay si Mr. Ortega. At pati ikaw ay nanganganib at hindi ko mapapayagan iyon. Kung puwede nga lang ay ako ang personal na magbantay sa inyo pero marami akong trabaho."
"Salamat, Paris."
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Katungkulan naming mga pulis na pangalagaan ang buhay ng mga mamamayan. Ngayon, kung sakaling may mapansin kang kakaiba sa kilos ng mga tao sa paligid ay huwag kang mag-atubiling tawagan ako agad. Pati mga banta sa phone at social media kung meron man ay dapat mong ipagbigay-alam sa akin."
Biglang sumagi sa isip niya si Marco pero pinilit niyang iwaksi ito sa isip. Si Isadora at ang kaligtasan nito ang isyu at hindi siya.
"Mag-iingat ka, Selene." He stared at her. "Why I have this feeling that the mastermind wants more than the life of your friend."
"I-I'll be fine, Paris. Susundin ko ang lahat ng sinabi mo," nauutal na tugon niya.
"Good." Ngumiti ito pagkatapos ay nagpaalam na.
"I think he likes you," tukso ni Isadora sa kanya habang tinitikman ang sopas na inihanda niya para rito.
"Why did you say that?" kunwari'y tanong niya habang pinapahiran ng orange jam ang isang piraso ng tinapay.
"Ow, c'mon, Selene. Sa tanda ko nang ito, kabisado ko na ang lahat ng lalaki sa balat ng lupa. Ang kanilang moods, whims, desires, etc. Sigurado akong may gusto sa iyo ang guwapong pulis na iyon. Sa tingin ko nga, mas nag-aalala pa iyon para sa kaligtasan mo kesa sa kaligtasan ko."
"Tigilan mo ako, Isadora. Sa panahong ito ay hindi ko muna iyan pag-uukulan ng pansin. You know the fact I don't know how to love, and I don't even know if I am capable of truly loving someone. Nagmamahal ako na may kasamang takot at pag-aalinlangan. Nagmamahal ako para lamang makasakit at masaktan."
Isadora heaved a sigh. "I told you many times to consult a doctor, Selene."
"And I vehemently refused for so many times. Just like you. Ikaw, bakit ayaw mo ring ipagamot ang sarili mo?"
"Dahil ito ako, Selene. Ganito ako. Tadhana ang sinisisi ko kung bakit nagkaganito ako. Pero ikaw, iba ka. May dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Malay mo may lunas pa ang sakit mong iyan."
"Alam mo naman kung bakit ayaw kong pumunta sa doktor, hindi ba?"
"Dahil ayaw mong maungkat ang pangit mong nakaraan? Ganoon ba? Selene, bahagi iyon ng paggagamot sa pasyenteng katulad mo. At kahit ano pa ang gawin mo, bahagi ng pagkatao mo ang nakaraan mo. Hindi mo ito kailangang takasan, bagkus ay mas dapat na harapin mo. Marahil doon ka lang lubusang makalalaya." Ginagap ni Isadora ang kanyang kamay nang iniabot niya rito ang sandwich. "I want you to be happy, Selene. I don't want you to be alone forever. I won't be with you forever. Lalo na ngayong may nagbabanta sa buhay ko. Anytime from now, maaari kitang iwan. Gusto kong bago mangyari iyon ay nakatagpo ka na ng isang lalaking magmamahal at magpoprotekta sa iyo."
"Huwag mong sabihin iyan, Isadora." Napahikbi siya. Isipin pa lang niya na iiwan siya ng matalik na kaibigan ay nawawasak na agad ang puso niya. Ang taong ito ang buhay niya. Ito ang kalakasan niya.
"Pero iyon ang katotohanan, honey girl. You cannot live with me for the rest of your life. You need a man to spend the rest of your life with. At hindi ako ang lalaking iyon. Dahil sa totoo lang, mas gusto kong kasama ang lalaki kaysa sa babae. Chos!"
Napahagalpak siya ng tawa sa birong iyon ng kaibigan. Pansamantala niyang nalimutan ang suliraning kinakaharap.
BINABASA MO ANG
My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)
RomanceI was adrift in my own battle against the madness of the past. I was as fragile as the thin air that envelops my weakened soul. But the fire of your passion to love me and to protect me made me breathe life again. Now, I am feeling reborn, free a...