It was already ten years. Yes, ten years of living in hell. Hindi biro ang magtago sa isang taong sagad hanggang impiyerno ang galit sa kanya at sumumpang pagbabayarin siya sa kasalanang hindi niya sinadyang nagawa.
Isang magulong buhay ang kanyang nakamulatan. Ang kanyang mga magulang na maagang nagpakasal dahil nagbuntis agad ang kanyang ina sa kanya, ang pagsisisihan ng mga ito dahil sa kahirapang dinaranas, at ang tila hindi pagkatuwa ng mga ito sa kanyang pagsilang.
Her mother would always blame her for her young and failed marriage. Kung hindi raw siya agad nabuo, disinsana daw ay nakatapos ito ng pag-aaral at nakatagpo nang maayos na lalaki. While her father would always make her feel that she was a little burden, unwanted and unloved.
Her parents didn't love her. In fact, they didn't teach her how to love. They existed in her life just to count her every mistake and then punish her. They made her feel that she was not beautiful, that she was not important, thus, she never gained a self-worth and a self-identity.
And the worst thing happened to her family when her father had abandoned them and decided to live with other woman when she was twelve years old. After a year, her mother found another man who lived with them. But worse came to worst. Her step-father tried to molest her several times. And whenever she told it to her mother, she would only accuse her of seducing her step-father. And when she could no longer take the sexual harassment of his step-father, she decided to leave their house.
Hinanap niya ang kanyang ama at nang matagpuan ay nakiusap siya na dito na tumira kasama ng kanyang madrasta na si Tiya Sonia at ng kanyang step-brother na si Marco Salgado. Kahit napilitan lang ay pumayag ang kanyang ama ngunit mas impiyerno ang pinagdaanan niya. Naging malupit ang mga ito sa kanya o mas tamang sabihing inalipin siya ng mga ito. Sapagkat walang ibang pupuntahan ay tiniis niya ang lahat ng pagpapahirap ng mga ito sa kanya. Ngunit lalo pang nadagdagan ang kanyang impyerno ng ilang taon ay pumanaw ang kanyang ama nang ma-hit and run ito. She was eighteen years old then. Sa pagkawala ng kanyang ama ay lalong naging mas impyerno ang buhay niya. Ilang beses siyang pinagtangkaang halayin ni Marco. At lalong naging mas malupit sa kanya ang kanyang tiya Sonia hanggang nang isang araw na hindi na niya nakayanan ang pagmamalupit nito ay hindi sinasadyang naitulak niya ito at aksidenteng nahulog sa hagdan. Tumama ang ulo nito sa semento na siya nitong ikinamatay. She was charged of murder but the court acquitted her through the help of her lawyer.
Pero hindi matanggap ni Marco Salgado ang desisyon ng korte kung kaya isinumpa nito na pagbabayarin siya sa kasalanang kanyang nagawa. Doon na siya nagsimulang magtago. Kung saan-saang lugar siya nakarating upang takasan ang poot ni Marco hanggang sa makilala niya si Isadora, Adorable Ortega sa totoong buhay. Nagmagandang-loob ang mayamang silahis na ito na ampunin siya at papag-aralin. Kung kaya sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan, nagtapos siya ng Tourism Management sa tulong ni Isadora.
Si Isadora o Adorable Ortega na isang sociopath.
BINABASA MO ANG
My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)
RomanceI was adrift in my own battle against the madness of the past. I was as fragile as the thin air that envelops my weakened soul. But the fire of your passion to love me and to protect me made me breathe life again. Now, I am feeling reborn, free a...