She slightly jerked when her phone suddenly rang. More or less, she knew the caller. She lazily fished the gadget from the pocket of her denim shorts.
It was Isadora calling her. She pressed the answering button.
"Hello..."
"Selene? Where are you?" nanggagalaiti sa galit ang forty-two years old niyang kaibigan. "We have been waiting for you in the church for almost thirty minutes. Kanina ka pa tinatawagan ni Jed pero patay ang cp mo. Buti na lang at naalala ko na may isa ka pa nga palang phone. Naeeskandalo na ako dito, bruha ka. Lahat sila ay sa akin nagtatanong kung nasaan ka at kung darating ka pa pero wala naman akong maisagot sa kanila."
She roughly heaved a sigh. "I am here in Zambales, Isadora. Kagabi pa ako dito. Please tell them, walang kasalang magaganap dahil hindi na ako darating."
"Again?" napatili ang kausap niya. "My God, Selene. Pang-ilang beses mo na itong ginawa? Ang tumakbo sa oras o sa araw ng kasal mo?"
"Isadora, mabuti nga at gabi bago ang araw ng kasal nagbago ang isip ko. Previously, I changed my mind on the day of the wedding."
"And are you thinking that Jed should be thankful for that? Juicecolored, ano na lang ang sasabihin ng groom at future in-laws mo rito, pati na ang mga ninong at ninang at iba pang mga bisita? Correction, ano ang sasabihin ko sa kanila?"
"Bahala ka na, Isadora. Sabihin mo na lang na na-realize ko na hindi ko pala siya talaga mahal at nagbago ang isip ko."
"Nang ganon-ganon lang? Akala mo ba magiging madali para kay Jed na tanggapin ang alibi mo? Paano naman ang kahihiyan noong tao? My goodness, Selene, alam mo bang kung magkaharap lang tayo ngayon, sasabunutan kita nang bonggang-bongga. And I wouldn't care even if we are friends."
"You can tell them that I am sick, not physically sick but mentally sick."
"At palagay mo ba, bibilhin nila iyon?" Hindi ganoon kadali para sa mga taong nasasaktan mo na paniwalaan ang alibi na iyan."
"But that's the truth."
"Ewan o sa iyo. Mababaliw ako sa iyo. Normal ka sa lahat ng bagay, maliban riyan sa kakaiba mong ugali na tumakbo sa oras o araw ng kasal. Ano, runaway bride ang peg? Kumita na iyan, oy."
"Shut up, Isadora. Ikaw din naman, hindi ba? Normal ka din sa lahat ng bagay, maliban sa..."
"Saan?"
"Diyan sa kabaklaan mo," she tried to laugh to lessen the stress of her friend.
Pero mukhang hindi tinalaban ng joke niya ang nagwawala pa ring kaibigan. "I am not the issue here, Selene. Once and for all, ikaw naman ang umayos ng gusot na pinasok mo, hindi iyong lagi na lang ako ang taga-linis ng kalat mo."
"Don't worry, Isadora. One of these days, I will talk to Jed and explain to him why I suddenly ran away.'
"Paulit-ulit ka lang, bruha ka. Bakit ba hindi ka pumunta sa isang sa isang doktor sa utak nang matigil na ang mga kagagahan mo? Jed Rosales is a good catch. Ano pa ba ang gusto mo?"
"Wala. Wala akong gusto, Isadora." She suddenly felt a choke on her throat. Biglang sinakluban ng kalungkutan ang buo niyang pagkatao. "Sorry, my friend. I know, malaki na ang utang na loob ko sa iyo. Makakabayad din ako sa iyo balang araw."
"That's not the point here, Selene. Maawa ka naman sa mga lalaking matapos mong paibigin at paasahin ay itatapon mo na lang sa isang tabi."
"Hindi ko sila pinaibig at pinaasa. I also loved them. I really did plan to marry all of them. Pero kung bakit kapag malapit na ang kasal o ang araw mismo ng kasal ay bigla akong nakakaramdam ng pangangailangan na tumakbo at lumayo sa kanila. Bigla akong nakakaramdam ng takot sa isang pangmatagalang relasyon. Pakiwari ko ay hindi ko kakayaning maging isang mabuting asawa o ina. Marahil ay dahil sa hindi ako kailanman nakaranas ng isang mabuting at masayang pamilya. I didn't have a role model. Malupit ang dalawang pamilyang nakamulatan ko. Pareho silang nagdulot sa akin ng kalungkutan at kabiguan. Now, tell me, how will I be able to raise a good family if I have never experienced it in my whole life?"
"See? The admission has just come out from your mouth. You need a doctor, Selene. Bago ka makipagrelasyon muli. Sige, aayusin ko ang iniwan mong kalat dito. But this will be the last. Kapag umulit ka pa, well, kalimutan mo na na magkaibigan tayo." Pagkuwa'y pinutol na ni Isadora ang kanilang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)
RomanceI was adrift in my own battle against the madness of the past. I was as fragile as the thin air that envelops my weakened soul. But the fire of your passion to love me and to protect me made me breathe life again. Now, I am feeling reborn, free a...