Chapter 5.1

1.9K 84 0
                                    


Tahimik lang siya habang kinakausap ni Chief Inspector Paris Montejano si Isadora. Nakaupo sa isang monoblock chair ang pulis paharap sa nakahiga pa ring pasyente samantalang ang dalawa nitong kasama na sina Cortez at Villa ay nanatiling nakatayo. Nakatingin lang siya habang nakaupo sa malambot na sofa. Malaya niyang napagmasdan ang kakisigan ng pulis kahit bahagya itong nakatalikod sa kanya. This man had no angle. Kahit likod lang ay solve na siya.

Panaka-nakang sumusulyap sa kanya ang dalawang pulis tapos ay nangingiti ang mga ito habang nagtitinginan. My gosh! Masyado bang halata na attracted siya sa hepe ng mga ito?

Sa pagitan nang hirap na pagsasalita ay naikuwento ni Isadora ang mga pangyayari. Diumano ay ang rock star cum boyfriend na si Brix Aguilar ang master mind ng carnap/holdap na naganap dito kasama ang dalawa pa nitong kaibigan. Pasakay na daw si Isadora sa kotse isang gabi pagkagaling sa isang event na dinaluhan nang sapilitang sumakay rin sa loob ng kotse ang boyfriend nito na si Brix Aguilar at ang dalawa pa nitong kaibigan na nakilala lamang sa pangalang Lee at Brando. Walang nagawa si Isadora kundi i-drive ang kotse habang nakatutok sa tagiliran nito ang dulo ng isang baril. Nang sumapit daw ang mga ito sa madilim na bahagi ng highway sa Old Balara ay iniutos daw ni Brix na itigil ang kotse. At noon naganap ang panggugulpi. Pagkatapos ay binaril ng mga ito si Isadora upang tiyaking patay na ito. Ngunit hindi inakala ng mga salarin na dumaplis lang pala ang bala na dapat ay bumaon sa ulo nito. Pero ang matinding gulpi na inabot ay sapat na sana upang ikamatay nito kung hindi nga napadaan sina Paris sa lugar na iyon.

"Thanks for this information, Mr. Ortega. Good as case closed na ito. Your testimonies will be used as a strong evidence against the suspects. Ipapahanda ko na ang warrant of arrest para kay Brix Aguilar at sa dalawa pa niyang kaibigan. Sasampahan natin sila ng carnapping, hold upping at frustrated murder."

"Salamat, Major Montejano." Mapait na ngumiti si Isadora. Halata ang pait ng kalooban dahil sa pagtatapos ng isa na namang relasyon.

But she knew that he was used to it. Karaniwan na ang mga ganitong eksena sa buhay-pag-ibig nito. Panandalian lamang ang kanyang mga relasyon, at ang lahat ay nauuwi sa awayan o sakitan.

And she knew also that Isadora had his fair share of mistake. He was stubborn, selfish and egocentric. He sets goal based on personal gratification and disregard whether his way of achieving those goals are legal or ethical. Ginagamit niya ang kanyang pera upang makapang-akit ng mangingibig ngunit ito rin ang ginagamit niya upang makapanakit. Some of his men hurt him physically out of vengeance because of his unfair treatment to them. But he didn't accept that, he still believed that he was righteous and perfect and lacks empathy, too. But of course, hindi ibig sabihin nito ay tama lang ang ginawang pananakit o pagganti ng mga lalaking iyon. Dahil kahit ano pa ang mangyari, si Isadora pa rin ang kanyang kakampihan.

"Selene..."

She slightly jerked. It was Paris who called her in a low tone of voice. Nahulog kasi siya sa pag-iisip kanina kung kaya hindi niya namalayan na tumayo na mula sa kanyang kinauupuan at lumapit na sa kanya ang pulis. Nakatayo ito ilang hakbang lang ang layo sa kanya. He was looking down at her, half-smiling. His hands were inside the pocket of his denim pants.

"Y-yes..." nagkandautal na naman siya sa pagsagot. Lagi siyang nahuhuli ng pulis na ito na parang tulala at wala sa sarili. She was trying to be smart and mentally alert as much as she could. Alam niyang iyon ang mga katangian na wala siya. She couldn't understand why every time this handsome policeman was around, she would always look stupid for she would always fall into a deep pit of her own reverie.

Iniisip kaya nito na isa siyang bobita? O isang babaeng palaging nawawala sa sarili? Ano kaya ang dating niya rito?

Wow. Ma-conscious ba kung ano ang nasa isip ng pulis tungkol sa kanya. And when did she worry about what other people think of her?

"Selene," bahagyang yumuko si Paris upang siguraduhing makikinig siya. "I need to talk to you. Maiiwan sina Cortez at Villa rito para sila naman ang magbantay. Mahirap na, baka alam na ng mga kriminal na buhay ang biktima at posibleng ituro sila sa mga pulis."

"D-do you really need to talk to me?"

"Yes. A sort of interview. Since you are close to the victim, your statement can be a big help to the case."

"Pero bakit pa? itinuro na naman niya kung sino ang naggulpi sa kanya, hindi ba?"

"I want to ask you some questions about your 'friend'?" He replied softly. Pero may ibang diin ang pagbigkas nito ng salitang 'friend'. Parang meron itong ibang ibig ipakahulugan sa salitang iyon.

"S-sige. P-pero sandali lang, ha?" Atubiling tumayo na siya.

She noticed the sparks in his eyes as he quickly surveyed her body when she stood up. Mabuti na lang at medyo maayos na ang itsura niya ngayon hindi katulad noong una siyang nakita nito. Suot niya ang isa sa pinakamaganda niyang jeans at ang paborito niyang haltered yellow blouse na nagpalitaw lalo ng kanyang kaseksihan.

He couldn't take his eyes away from her. Ano kaya ang iniisip ng mokong na ito? Si Hello Kitty pa rin ba?

Nakaramdam siya ng bahagyang inis.


My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon