It was past five when she reached East Avenue Medical Center. Agad siyang nagtanong sa information desk. Sinabi sa kanya ng nurse na inilipat ang kanyang kaibigan mula sa emergency room patungo sa incentive care unit. Parang may pakpak ang mga paa na tinungo niya ang kinaroroonan ng ICU.
Sa labas ng ICU ay nadatnan niya roon si Cecile. Mas bata ito ng ilang taon sa kanya. Maganda ngunit may kaliitan. Agad itong yumakap sa kanya sabay hagulhol. Napansin din niya ang tatlong lalaki na nakatayo rin sa labas ng silid. Nahinuha niyang mga pulis ito base na rin sa anyo at tindig. Nakatingin lang ang mga ito sa kanila ni Cecile. Waring binibigyan sila ng pagkakataon na mag-usap.
Maya-maya ay lumapit sa kanila ang isang pulis. Nakasuot ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot na itim na jacket. Bahagya pa itong umubo bago nagsalita.
"Miss Samonte?" tanong nito sa baritonong tinig.
Dagli niyang inilipat ang mga mata sa lalaki. Bahagyang napaawang ang mga labi niya. Paano'y hindi niya inaasahan na ganito kaguwapo ang pulis na nagmamay-ari ng tinig na iyon. Matangkad ito, malapad ang balikat at dibdib, moreno ang kulay ng balat at itim na itim ang buhok, bahagyang singkit ang mga mata na binagayan ng makapal na kilay.
"Miss Samonte? Are you Miss Selene Samonte?" ulit nito.
Narinig niya ang tanong nito ngunit tila wala siyang lakas na sumagot. Napako ang mga mata niya sa kaguwapuhan nito. My goodness! Ito na yata ng pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya.
She was stunned for the next few seconds. She slightly opened her mouth and did not mind closing it. Parang biglang huminto ang lahat sa kanya maging ang pag-inog ng mundo. Halos wala na siyang naririnig maliban sa kanyang dibdib na malakas na tumatahip. At wala na rin siyang pakialam kahit siya na lang yata ang pinagtitinginan ng ibang mga tao sa pasilyong iyon.
What she knew was that she just wanted to focus her eyes on the gorgeous man in front of her. Parang noon lamang siya nakakita nang ganoong kakisigan ng isang lalaki. Nakakahalina ang kanyang medyo matapang ngunit guwapong mukha. Nakakaakit ngunit nakakapanghina ang kanyang tumatagos na mga titig. Nakakabalisa ang kanyang mga labi.
Ang kanyang mga labi.
Parang may kung anong nagtutulak sa kanya na damhin ng mga daliri ang bibig nito. Bigla'y parang gustong-gusto niyang maramdamanan ang init ng hininga nito.
Bahagya niyang ipinilig ang ulo. What's happening to her? Siya ba ito? Bakit tila natutulala siya sa presensya ng isang lalaki na kailanman ay hindi pa nangyari sa kanya? Shit. Nagayuma ba siya?
"Miss Samonte, are you okay?" tanong uli nito. A sheepish smile curved on his mouth. At napansin niya iyon. Pinagtatawanan siya nito. O mas tamang sabihing iniinsulto siya. Halatang-halata kasi na hindi niya napigian ang sarili na ipahalata ang kanyang paghanga.
Bigla siyang natauhan. Ano nga ba'ng itinatanong nito sa kanya kanina? Shit talaga. Nakakahiya ang inaasal niya. Hindi na siya isang dose anyos na dalagita na namamangha kapag nakakakita ng isang kaakit-akit na lalaki. She was already twenty-seven years old. Marami na siyang nakasalamuhang mga lalaki, at karamihan sa kanila ay mga guwapo rin. In fact, lima na ang naging boyfriend niya. At hindi na iyon masama para sa isang magandang babae na katulad niya.
Maganda. Tama. Maganda lang siya. Alam niyang salat siya sa katalinuhan. How she wished she was also smart so that she knew how to handle herself in some moments like this.
This guy in front of her was different. Kakaiba ang kanyang panghalina. Though he showed no emotion, his urbane charm could speak of a thousand dreams and fantasies.
Wow. At kelan pa siya naging makata?
"Yes." Finally, a voice came out from her mouth. Pero parang bulong lang iyon. Ni hindi niya alam kung narinig ito ng lalaki.
"Can we talk?" Ngumisi na naman ang pulis. Tila nakakaloko ang ngisi nito. Talagang pinagtatawanan siya nito. Naaaliw ito sa kanya.
"W-why?" Namputsa. Ano ba itong itinatanong niya? Bakit tila ayaw pa ring bumalik nng dating siya?
"I am Police Chief Inspector Paris Montejano, Miss Samonte. The chief of Anti-Carnapping Unit of QCPD. I am a native of Mountain Province. A proud member of Class 2009, Philippine National Police Academy." Inilahad ng pulis ang kanang kamay.
Wow uli. Nakikipagkamay ang guwapong pulis na ito sa kaniya.
Ngunit sa halip na iabot ang sariling kamay ay napako na naman ang kanyang tingin sa mga mata nito. They were smiling and sparkling. Nakatitig din ito sa kanya. At hindi basta titig lang, tumatagos ang mga tingin nito.
Sa wakas ay naisip rin niya kung ano ang dapat gawin kapag may nakikipagkamay. Iniabot niya ang sariling palad dito. Nang magdikit ang kanilang mga palad ay tila may kuryente na agad dumaloy sa mga kalamnan niya. Mainit iyon at nakakapanginig. Nakakapagpasigla at nakakapanghina. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Kami ang mga pulis na nakakita kay Mr. Adorable Ortega sa damuhan habang tila nagaagaw-buhay siya. We have to ask some questions to you na baka sakaling makakatulong sa kaso."
"G-ganoon ba?" Naloko na. Ayaw pa talagang bumalik ng dating Selene Samonte.
The man combed his hair with his fingers. Halatang iritado na ito sa mala-retarded na arte niya. Bahagyang nagulo ang buhok nito na tila nakadagdag sa kaguwapuhan nito.
Biglang may sumingit na isang pulis na tila hindi na rin nakatiis sa nakikitang tila katangahan niya. "Mayroon lang kaming ilang katanungan, Miss Salmonte, kung iyong mamarapatin."
She threw a glance to the police who spoke. At sino naman ang Boy Epal na ito na basta-basta na lang sumisingit sa eksena? Of course, si Mr. Gorgeous Policeman ang gusto niyang makausap at walang ng iba, ano?
BINABASA MO ANG
My Drifting Star (To Love, To Serve and To Protect Series Book 2)
RomanceI was adrift in my own battle against the madness of the past. I was as fragile as the thin air that envelops my weakened soul. But the fire of your passion to love me and to protect me made me breathe life again. Now, I am feeling reborn, free a...