NOTE: hindi po ito ang ending
•<>•<>•<>•<>•
GABBYs POV
"HI, WE'RE ONE DIRECTION!"
"Ay kabayong buntis!" tapos nahulog ako sa kama. Muntik nang tumama sa sahig ulo ko.
"WOAH! YOU'RE POPULAR. SOMEONE'S CALLING YOU, PICK UP—"
"Hello?! Sino ba 'to?" kaasar muntik na yung ulo ko dun!! Anong oras na ba?
3:07am
"Ui Gabby chill lang! Meron ka teh? Si Louise 'to. Meron naman kasing caller id eh..." sabi ni Louise
"Muntik na kong mamatay tapos yan lang ang sasabihin mo?!" narinig ko namang tumawa siya sa kabilang linya.
"Patay agad? Ang oa nito. Ano bang nangyari?" tanong niya
"Edi ano pa?! Yung pesteng ringtone ko! Ewan ko ba kung bakit lagi na lang nakakalimutang kong palitan 'to. Lecheng One Direction yan!! Ah peste talaga!"
"Asus miss mo lang sila eh! AHAHAHAHA!!!" T.T pokerface lang
"Ulol anong miss-miss ka diyan?! Ito makasalita kala mo napakatagal nang di nagkita eh nung isang araw ko lang naman sinigaw-sigawan si Malik."ang aga-aga, ginagalit na ko nito! Buti pang di na lang tumawag 'to. Pakshet!
"Edi ibig sabihin nito, mami-miss mo nga talaga sila???" puuuuuuu!
"Alam mo ba kung anong oras pa lang?? Bat ka ba tumawag, yung totoo? Kasi feel kong babaan ka ngayon."
"Ang hard nito! May sasabihin lang naman ako tungkol sa 1D. Di kasi ako makatulog kaya nag-twitter na lang ako.Ayun! May natuklasan ako." wala na kong panahon para sa kanila! Gusto ko lang matapos na ang sembreak. Parang napakatagal naman bago 'to matapos. Miss ko nang mag-aral! (jk!)
"Well Lou, wala na kong paki! Pwede ba, tantanan niyo nga ko."
"Eh Gabs importante ang sasabih—"
"BYE LOUISE!!!"
"Ui bruha ka sandali lang nama—-"
End call
Ano kaya yung importanteng sasabihin ni Louise sakin? Ay naku Gabby! Pag pinatulan mo siya siguradong di nanaman maganda ang kinalabasan niyan.
Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari samin ganito yan. Same day na nag-away kami ni you-know-who, lumabas na rin kami agad ni Louis ng ospital. Wala naman kasi seryosong nangyari saming dalawa. Tsaka para maka-iwas sa mga issue. Di ko pa nga pala pinapansin si Zayn. And I refuse yo call him "hoodie" dahil gg ako sa kanya!
Hindi ata alam ng boys na nag-away kami dahil di sila nangungulit. Nasabi ko na rin kena Stella kung ano ang nangyari pero mukhang mas nag-alala pa sila kay Louis keysa sakin. Mga bastardo. On the other hand, magdamagang pangungulit naman ang ginagawa ni Zayn. Text ng text, tawag ng tawag, pati katok at doorbell ginagawa, naloloka na ko! Sobrang kulit na niya as in to the highest level! Sa mga inaasta niya parang bukas di na kami magkikita..........
Sandali nga
Maka-asta parang di na kami magkikita bukas.......
Parang di na kami magkikita bukas.......
Di na kami magkikita bukas.......
DI NA KAMI MAGKIKITA BUKAS??!!
HUWAT??
Teka kalma lang Catherine Gabrielle Lawrence! (yuck talaga ng pangalan ko kahit anong mangyari!)
Hindi ba parang ang oa mo? Hindi na magkikita bukas. Tss. Haha naka-shabu ata ako ngayon eh. Hahaha
BINABASA MO ANG
One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*
FanfictionOne Direction. Di mo alam kung ano ito?! Kung batukan kaya kita diyan?! Sino ba namang shunga ang hindi alam kung ano o sino-sino ang One Direction? Ay oo nga pala si Gabby! Meet Gabby Lawrence, ang Pilipinang may tatlong beshies na die- hard Direct...