Dedicated sa lahat ng naghihintay upang mabasa ito!! Lalo na kena:
@TansiGabriel @sweetgirl13 @iamUnicole at syempre sa unang bishpren ko sa book na ito si @OneDirectionVhi na dating si @OneDirectioner_Vhi!!!!
Pati na rin sa kapatid ko na lagi akong binibwiset na mag-update. Kung binabasa mo to, tnx Nikka sa suggestion mong Magic na lang ang piliin ko!!!!
luv you all sa lahat ng nagbabasa ng libro ko!! ♥♥♥♥♥
Oki since nahihiya ako sa lahat ng nagbabasa nito, sinubukan kong haba-habaan ang story. So...Let's start it!!!
*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*
Gabby's POV
"WOOOOOOOOOOOOOHH!!!!"
"UTANG NA LOOB, MANAHIMIK NGA KAYO!!!" sigaw ko sa kanila
"KILL JOY! WOOHOO!!!!" ang sagot naman nila sa kin
hay!!! Suko na ko. Tanggap ko na nga na hindi na titigil tong mga to. Para tuloy akong caregiver ng mga baliw. Mga bwiset. Biruin nyo! 12 palang nandito na kami sa MOA at mga nagwawala na! Baka raw kasi maubusan ng upuan. Aga aga ko tuloy gumising! Masyadong maaga ang 9am para sa start ng sembreak noh? Ano ba pwedeng magawa??
"Mrs. hoodie, paabot nga ng tubig." sabi ni Sasa
"Mali!!!!! Mrs. Malik nga raw diba? Kagaya ng kwento nya kagabi!!" sabi naman ni Louise
"Hay dyusmiyo!! Bat ba ayaw nyo maniwalang si hoodie at si Zayn Malik na yan ay iisa?? At ang One Direction ang hinabol ko palabas ng Pat's??!!" sigaw ko
"Kakalurki ka noh? Maniniwala na sana ako eh. Kaso nga lang, ang One Direction na isang Brit/Irish band ang tinutukoy mo!" sabi ni Lou
"Oo nga! Wala ka rin namang proof, diba? dagdag ni Stella
"Are you telling me AMALAYER?? Pag ako, napatunayan kong sila yun wag na wag kayong hihingi o mangungulit ng picture o autograph nila ha? Wag rin kayong aasa na papakausapin ko sila sa inyo!"
"Anu yun, ulila mo sila? Tsaka ang tanong, magtatagal ba sila dito sa Pilipinas??" tanong ni Sasa
"ANONG KLASENG TANONG YUN???" sabi ni Lou " SYEMPRE!!! Magtatagal sila dito think positive! Aba may bagyo nga diba?"
"TAMA KA LOU!! Kapag lumakas yung bagyo, madedelay yung flight. Meron pa tayong oras para matuklasan ang hotel nila!!!" sabi ni Stella
"Bagyo? Eh low pressure palang naman sabi kagabi ni Kuya Kim." sabi ko
"Gabby, Gabby, Gabby! Tsk tsk. Masyado kang late! Sabi kaninang umaga sa news, bagyo na siya!! Kaya nga malakas na yung ulan diba?" sabi ni Lou
"Ano ba Gabs? Iaabot mo ba sakin yung tubig o ako na lang mismo ang kukuha? Kanina pa yang tubig ko ah." sabi ni Sasa
"Ay oo nga pala! Eto oh, sensya naman." sabi ko at sabay bigay ng tubig
Musta naman sakin dito. Puro mga "Directioners" ang katabi ko. Ano kaya ang magiging reaction ng mga to kung sinabi ko sa kanilang nakasama ko si Zayn ng isang buong araw? Ay siguro hindi rin sila maniniwala. Sa bagay, maniniwala ka ba kung sinabi kong na-in love si Zayn sa qweck-qweck at niligtas ko sya sa isang tatanga tangang jeepney driver?Pwede pa siguro, kung hindi galing sakin yung info na yun. Naaalala ko tuloy kagabi......
BINABASA MO ANG
One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*
FanfictionOne Direction. Di mo alam kung ano ito?! Kung batukan kaya kita diyan?! Sino ba namang shunga ang hindi alam kung ano o sino-sino ang One Direction? Ay oo nga pala si Gabby! Meet Gabby Lawrence, ang Pilipinang may tatlong beshies na die- hard Direct...