{21} Confessions of A Bradford Badboy

5.7K 71 5
                                    

GABBYs POV

RIIIIIIIIIIINGGGGGGG

RIIIIIIIIIIINGGGGGGG

Sagutin mo naman!

RIIIIIIIIIIINGGGGGGG

RIIIIIIIIIIINGG—"Hello?"

Ayun sumagot din! "Sasa!! Bat ang tagal mong sumagot??"

"Hoy 1:25 pa lang ng madaling araw. May mga taong sadyang gusto matulog sa ganitong oras. Pag ikaw, walang kadahi-dahilan para tumawag talagang sasampalin kita."

"Ashushushu!! Mamaya ka na dumaldal pwede? Nasa ospital ako ngayon." ansabe ng straight to the point ko?

"HA?! Bakit ka nandiyan?? Eh kahapon lang kausap kita tapos ngayon nasa ospital ka na. Paano yun??" ay oo nga pala di ko nasabi sa kanya na nagpunta kaming EK ng One Direction. 4/5 pala ng 1D. Sorry naman eh sa na-overwhelmed ba ko.

"Sabihin na lang natin na may isang mabait na babaeng nakalimutan sabihin sa kaibigan niya na sinama siya ng 1D sa EK." inosente kong sinabi sa kanya.

"Leche ka! Bat di mo agad sinabi sakin kahapon?? Di naman ako nagkulang kaka-remind sa'yo na i-text mo ko kung may alam ka na tungkol sa kanila! Ano naging problema natin? Sagutin mo ko." medyo ma-drama lang. Siguro epekto ng paggising ko ng maaga sa kanya. O baka meron siya ngayon.

"Huy ang arte mo masyado! Kung mag-alala ka na lang para sakin kesa sa magreklamo? Anyway may mga hayup kasi kagabi sa gasolinahan na kailangan maturuan ng leksyon." speaking of, nasaan na kaya yung mga kumag na yun? Di pa ko tapos sa kanila.

"Eh kung ganon, bakit ikaw ang nasa ospital at hindi sila?? Wag mong sabihin na di mo sila kinaya. Aba, hindi ikaw ang bespren kong si Gabby kung yun ang nangyari!" haaaay ayaw munang makinig.

"Ganito kasi yan. May babeng umeepal kay Louis, if you know what I'm saying. Kapal ng mukha, sinampal ako! Kaya sinapak ko naman siya. Malay ko ba na etong si malandi may shota palang kasama. Kaya ayun nagkaaway-away. Eto namang si Louis ayaw lumaban! Kaya napuruhan tuloy." Kumukulo nanaman dugo ko. Wag na wag magkamaling magpakita sakin yung dalawang iyon.

"Kung ganon, edi si Louis lang ang nasugod sa ospital??" tanong ni Sasa

"Hindi pati ako. Kagigising ko nga lang eh."

"Pano nangyari yun?!" aray. Ang sakit sa ulo ah. Para tuloy naulit lang noong unang beses kami nagkakilala ng 1D. Mas masaklap nga lang noon. Bakit parang lahat gustong umpugin ulo ko? Baka may gusto pang humabol diyan? Sabihin niyo lang para makabili na ko ng helmet.

"Kasi patapusin mo muna ako, pwede? Edi nasa sahig na si Louis, natutulog. Binugbog ko yung lalaking shota. Tapos biglang may naririnig akong boses na tumatawag samin. Eh gawa ng katangahan ko, humarap naman ako dun sa boses. Ayun! Nahampas ako sa ulo ng kung anoman. Kaya nag-black out ang lahat at eto sa ospital bagsak ko." may mga nakalimutan pa ba akong ikwento? Wala? Good.

"Loko yung mga yun ah! Naku kung kumpleto lang tayong magbabarkada kagabi, patay talaga yung mga yun. Sino ba kasi yung tumawag sa inyo?"

"Si Liam."

"Wow. Sabihin mo sa kanyang hangang-hanga ako sa kanya. Grabe ang laking tulong niya. Keep up the good job!" ahahaha ang kalog talaga ng babaeng ito!

"Loka-loka! Wag mo nga siyang isisi. Ako yung tangang lumingon. Pero sa bagay, obvious namang nakikipag-away ako. Ano magagawa ng kasisigaw niya ng pangalan namin? Buti sana matulungan kami nun eh hindi naman." kawawang Liam. Nasisi ka pa tuloy namin ngayon. Kaya sa susunod wag niya kong tawagin kung nakikipag-away ako. Nawawala yung focus ko sa pagbabasag ng mukha eh.

One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon