Ito na talaga ang long awaited Chapter 24 hahaha. Enjoy my potatoes!!
GABBYs POV
5:15am
Seventy five. Seventy six. Seventy seven......
Anong ginagawa ko at bakit ako nagbibilang dis-oras ng madaling araw? Ewan ko rin eh. De joke lang! Kasi nagising ako kaninang 4am. Tapos naalala ko bigla na Graduation Day na namin ngayon araw. Eh na-hyper ako kaya ayan! Di na ko makatulog ulit. T3T
Pero kasi pagtatapos na ng high school! Tapos na ang paghihirap!(Most of it) Tapos na ang pag-gising ng sobrang aga sa araw-araw na ginawa ng Diyos! Goodbye Chemistry! So long Calculus! Adios ebrebade! GRADUATION NAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Grabe ang hyper ko! Kailangan kong sumigaw as in now na. Pero nakakahiya sa mga natutulog na Stella, Louise, at Sasa. Nag-sleepover yung dalawa dito kasi last night of high school na raw. Wala akong angal dun ah!
Usapan nga walang tulugan. Eh malay ba naming pampatulog yung movie na The Host! Kala ko pa naman nakakatakot yun pala ang boring! Sa mga hindi pa nakakapanood nun, wag niyo nang balakin. Ako na nagsasabi na hindi maganda.
Anyway moving on.........................
Uhm actually kaya naman talaga ako nae-excite para sa araw na ito ay para makita na ang One Direction!! Babalik na sila dito sa Manila! Well at least that's what they promised us noong last time kami nag-usap. Promise nila yun kaya gagawin nila! Diba??? DIBA?!
Pupunta yung mga yun dito! Tiwala lang!
Soooooooo..........Ano na ang gagawin ko ngayon? For sure di na ko makakabalik sa tulog. Putek abot hanggang langit na ang kasabikan ko! Ano na ba?
Tumingin ako kay Sasa na nasa tabi ko. Ano bayan tulo laway! Tumingin naman ako kena Louise at Stella na nasa lapag. Sige lang sa tulog! Mang-inggit pa mga pre! Mga bwiset.
"Magkano yung patatas?!"biglang nagsalita si Sasa. Dafuq?!
"Yung patatas!" sabi niya pa
Nagsasalita nanaman habang tulog! Grabe 'tong babae na ito. Noong una kong nakatabi yan, akala ko nasasaniban! Yun pala normal lang sa kanya kung nagsasalita siya habang tulog. Minsan nga parang may kaaway pa yan eh.....
BINABASA MO ANG
One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*
FanfictionOne Direction. Di mo alam kung ano ito?! Kung batukan kaya kita diyan?! Sino ba namang shunga ang hindi alam kung ano o sino-sino ang One Direction? Ay oo nga pala si Gabby! Meet Gabby Lawrence, ang Pilipinang may tatlong beshies na die- hard Direct...