SASA's POV
"Mga walang hiya talaga kayo!!!" sigaw ko sa phone
"Aba kasalanan ba namin kung gusto nila kami makasama??" sabi ni Stella
"Tsaka hindi naman kami yung umuwi ng probinsya eh..." dagdag ni Louise
"Putek bakit parang nagpaparinig ka sakin Lou?!"
"Hoy hoy hoy, wala naman akong pinapatamaan.." sagot niya
"PUSANG GALA NAMAN OH!!" sigaw ko
"Takte! Stella, Lou! Kung kakausapin niyo si Sasa siguraduhin niyo namang hindi naka-speaker phone! Pati reyna ng UK nakakarinig eh!" rinig kong sabi ni Gabby
"Oi hindi naman....Hanggang China lang." sabi ko ng mas mahinahon
"Kasi naman iiii!!"
"Dre, wag kang mag-inarte. Alam mo namang nandito sa Pinas ang 1D tapos sumama ka sa Panggasinan." sabi sakin ni Stella
"Stella alam mo namang kada undas umuuwi kami dito!"
"Kaya nga dapat wag kang mag-inarte!!!!" sigaw ni Lou
"Oo na, oo na......Pero kasiiiiii, naman naman!!!"
"Puchang gala naman oh!" sigaw ni Gabby
"SORRY!" sabi ko
"Oh sige na Sasa, aalis na kami. Ingat ka dyan ha!" sabi ni Stella
"Pasalubong ko wag mong kalimutan. I LURVE YAH!" sigaw ni Lou
"Say hi to your lolo for me Sasa." biro ni Gabby
"Leche Gav baka multuhin ka pa nun! Sige umalis na kayo at baka magalit pa mudracles ni Louise dahil umalis siya ng bahay nila.."
"bye!!" at nag call end na.
Bull naman kailangan maka-uwi na ko dun! Helloooo? One Direction at Sembreak! Bakit ba ako magpapahuli??? Kaya diniall ko ang alam kong hindi makakahindi sakin
"Hello Daddy....."
................... . . . . . . ... ..
GABBY's POV
"O tara na!" sabi ni Louise
"Wait lang di pa nga ako nakakapag sapatos eh!" sabi ko
"Enbeyen! Kanina pa namin kausap si Sasa tapos hindi ka pa rin nakakapag sapatos?"
"Eto, eto na! Madali lang po magsapatos! G na g???"
"Stella my luvs."
"Bakit ate Gav?"
"Pahiram naman ng shoes!!"
"Bakit na naman? Ganyan ka ba kapulubi para mang hiram ng sapatos?"
"Over over! Pulubi agad? Di ba pwedeng wala lang magamit?" sabi ko
"Jk! Pero di nga, bakit?"
"Bakit kamo? Wala lang gusto ko lang naman gamitin yun para di ako mabasa kung sakaling umulan! Yun kasi ang gamit ng sapatos eh!" bwiset 'tong si Stella parang walang utak
"Oo na oo na, pwede ka ng mang hiram!"
"Yissss! Tanks Stella! Kukunin ko na ha?"
"Ngayon na?"
"Ay hindi! Ipagpabukas na lang natin para pagdating bukas ng nanay ni Lou ay makikita niya na wala dun si Lou! Kulit mo rin i!"
"Pasensya na pero wag kang magrereklamo kung malaki sayo!"
BINABASA MO ANG
One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*
FanficOne Direction. Di mo alam kung ano ito?! Kung batukan kaya kita diyan?! Sino ba namang shunga ang hindi alam kung ano o sino-sino ang One Direction? Ay oo nga pala si Gabby! Meet Gabby Lawrence, ang Pilipinang may tatlong beshies na die- hard Direct...