Chapter Two

1.5K 106 55
                                    

[two]

Tunog lang ng makina ang naririnig ko sa mga oras na 'yon. Alam kong dilat ako, pero puro puti ang nakikita ko. Muli akong napapikit ng masilaw ako sa isang ilaw.

Mariin akong pumikit, iniiwasan na baka sa pagdilat ko, totoong nasa langit na ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala akong maramdaman physically.

Anong nangyari? May nangyari ba sa akin habang tulog ako? Bakit wala akong maramdaman? Bukod sa therapy, ano pang ginawa nila sa katawan ko?

Narinig ko ang pagbukas-sarado ng isang pinto. Nananatili akong nakapikit. Sari-saring emosyon ang kinakaharap ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.

Takot, kaba, lungkot, saya at pagkagalak. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong emosyon. Naiiyak ako. Feeling ko talaga nasa langit ako dahil ang gaan ng pakiramdam ko.

"Adelle..." Anang isang boses.

Napadilat ako. Nagising ako sa isa na namang alaala ang nagbabalik. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumeretso na sa banyo para maligo.

Isang taon... halos isang taon na pala ang lumipas simula nang tumira kami sa States. Isang taon na rin ng mai-deklarang magaling na ako.

And yup, okay na ako. Okay na okay. Nakakatuwa dahil hindi ko akalain na magiging successful ang operation ko. Natutuwa ako dahil buhay na buhay ako.

Nagpapasalamat ako kay Lord, dahil hindi niya ako pinabayaan. Instead binigyan niya pa ako ng second life, alam niya sigurong marami akong maiiwan dito kung sakaling babawiin Niya na ang buhay na pinahiram sa'kin.

At syempre, sa mama kong todo suporta sa akin. Sa mga oras na sobrang down na down ako, dahil feeling ko hindi ko kakayanin pero nariyan siya at binibigyan ako ng lakas ng loob.

Full support siya sa akin noong mga oras na nasa Hospital ako. Ni hindi siya nawala sa paningin ko, ni hindi niya ako nagawang iwanan during operation.

"Good morning, world!" Bati ko nang hinawi ko ang kurtina ng bintana sa kwarto ko.

Mula rito ay nakikita ko ang malaking gate namin sa labas. Ang ilang mga gamit, halaman, puno at environment na siyang na-miss ko rito sa Pilipinas.

Ang saya sa pakiramdam na nakauwi ka na sa sarili mong bansa. Ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako sa comfort zone ko, walang iba kung 'di ang kwarto ko.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa makababa ako. Nadatnan ko sina manang na kumakain sa dining area kasama ang ilan pang maid.

"Hi po. Pwede pong pasabay?" Masayang pahayag ko.

Nagulantang naman silang lahat dahil sa pagdating ko kaya natawa na lang ako. Tumayo pa ang isa sa kanila, tipong natataranta dahil naabutan ko sila.

"Uhm, good morning, Ma'am. Si- sige, kain po kayo." Sambit ni manang, iyong pinakamatanda sa kanila.

"Naku naman, Manang, Adelle na lang po ang itawag ninyo sa akin. Hindi naman ako teacher o ano, 'di ba?" Tumango ito sa tanong ko at ngumiti. "Huwag na po kayong mahiya, okay? Pamilya naman po tayong lahat dito."

Kumuha ako ng kanin at ulam. Umupo na rin iyong isang maid kanina at nagpatuloy sa pagkain. Sabay-sabay kaming kumain na parang wala lang, walang discrimination between us.

Tahimik lang sila habang nagmamasid sa akin. Hinihintay siguro nila na magpakuha ako ng tubig, pero hindi ko ginawa. Hindi ko sila dapat utusan kasi kumakain pa kami.

"Ang swerte talaga namin sa inyong mag-ina."

Inangat ko ang tingin ko sa isang maid na katapat ko lang. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara't tinidor saka siya nginitian ng pagkatamis-tamis.

We Broke Up [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon