[fifteen]
"Patrick, pwedeng lakasan mo ang boses mo? Iyong normal voice mo lang,"
"Okay, sige. Sorry." Sagot niya.
Kumanta ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Si Patrick ang unang kumanta para sa unang verse. Ginawa niya nga ang kaninang sinabi ko.
Hindi naman pala siya mahirap diktahan at turuan dahil nakukuha naman niya kaagad. Akala ko ay puro drums lang ang kaya niya at hindi niya kayang kumanta.
"Teka! Topher!" Pinindot ko ang button na nasa harapan ko para mapahinto ang tugtog.
Nandito kami ngayon sa recording booth at kasalukuyang kumakanta ang buong grupo ng Ace para sa unang album nila na ire-release under A's Music Recording.
Narito rin sa loob si Bernard at Kyla bilang gabay ko. Kasama namin ang isang DJ kung saan ino-organize nito buttons para mas mapaganda ang kalabasan ng buong kanta.
"Bakit po?" Pagtatanong nito saka bahagyang inangat ang headphones.
"Isa ka pa! Try mo kayang ibuka 'yang bibig mo para mas makakanta ka ng maayos. Kinakain mo 'yung sarili mong kanta.
"Ay, ganoon ba?" Aniya saka pa tumawa. "Sorry. Sige, isa pa."
Kahit wala naman akong background pagdating sa pagkanta ay marunong naman akong kumilatis at pumuna ng mga boses. Alam ko ang mga pagkakamali nila.
Basta pakinggan mo lang ng maigi ang boses nila ay malalaman mo kaagad kung sino ang sumasablay sa kanila. Napatingin ako kay Kyla na bahagyang naghe-headbang.
Natawa na lang ako ng palihim sa kanya. Halatang super fan din siya ng Ace, kaya sa bawat pagkanta nila ay napapaindak siya.
"Stop!" Sigaw ko dahilan para mapahinto sila.
Sabay-sabay na napa-facepalm kaming tatlo dahil sa pagpiyok ni Jayson nang sumabay ito sa pagkanta ng chorus.
Ano ba naman 'to!
"Ulit! Jayson, ayusin mo, ah? Mababawasan ka ng sweldo niyan." Natatawa kong pahayag.
"Sorry na boss! Hindi kasi ako ready." Sambit niya saka pa nag-peace sign.
Tumango na lang ako at muling in-on ang minus one na kanta. Nagsimula ulit kay Patrick, sunod kay Topher para sa pangalawang verse.
Para naman sa unang chorus ay kailangan nilang magsabay-sabay— Patrick, Topher at Jayson na kaninang pumiyok kahit isa naman itong backing vocalist. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin si Bernard na siyang nasa tabi ko.
Tahimik lang naman na nakikinig ang DJ na nakaupo sa harapan namin, sa harap nito ay ang mga gamit para sa music recording. Nasa likod lang niya kami, nanonood.
Lima sila ngayong kakanta. Walang drummer, walang guitarist at walang mangungunang vocalist. Para kapag nilabas ang unang album nila ay boses nilang lima ang maririnig.
Madali naman silang turuan, basta sabihin mo ng deretso ang gusto mong mangyari sa mga boses nila. Hindi siguro sila sanay na kumanta dahil may kanya-kanya silang instruments.
Ilang minuto pa nang sabay-sabay kaming natawa dahil sa katangahan ni Jack. Kahit ang DJ na kaninang tahimik ay hindi na napigilan ang humagalpak. Nang sumabak kasi si Jack sa pagkanta para sa unang verse after ng unang chorus ay naubo ito.
Tinapik-tapik pa nito ang dibdib niya dahil hindi pa rin natigil ang pag-ubo niya. Tinulungan na siya ni Patrick na hinihimas ang likuran niya.
Habang kaming narito sa labas ay walang humpay sa kakatawa. Nakikita namin sila mula rito thru glass wall, kaya kitang-kita namin ang bawat galaw nila.
BINABASA MO ANG
We Broke Up [Completed]
RomanceAce Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lahat ay may hangganan. Walang permanente't lahat nawawala. Ramille Ramirez, the main vocalist of Ace G...