Chapter Nine

1.1K 85 39
                                    

[nine]

Matapos kong maglagay ng pagkakapal-kapal na concealar sa ilalim ng mata ko ay huminto na ako. Huminto na ako kasi kahit anong lagay ko ay kitang-kita pa rin na namamaga ang mata ko.

Wala sa sariling napasandal ako sa head rest ng swivel chair na siyang inuupuan ko. Nandito pa rin ako sa loob ng dressing room, nag-iipon ng lakas ng loob para harapin ang mga tao sa labas.

Nakakahiya.

Ano na lang ang sasabihin nila? At ano na lang ang sasabihin kong palusot? Na kinagat ako ng ipis? Parang kakasabi ko lang kanina na nakatanggap ng award itong A's Agency dahil napapanatili nito ang kalinisan.

"Whatever." Napairap ako sa hangin at nagdesisyong tumayo na.

Binuksan ko ang pinto at sinilip kung may tao sa labas na siyang makakakita sa akin. Bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit ko ba iniisip kung ano ang magiging reaction nila?

Natural lang naman sa tao na manghusga. Nature na natin iyon dahil pakiramdam natin hindi tayo mabubuhay kapag walang tsismis na nasasagap—

"Boo!"

Fuck!

Wala sa sariling nasampal ko ang walangyang nanggulat sa akin dahilan para magsinghapan silang lahat. Sinasabi ko na nga ba, hindi dapat ako ginugulat.

Inis na binalingan ko ng masamang tingin ang baklitang ngayon ay nakahawak na sa pisngi niyang medyo namumula. Bakas pa roon ang mga daliri ko.

"Bakit mo ako sinampal?" Bulyaw nito sa akin, nagulantang ko yata ang mundo niya.

Napabuntong hininga na lang ako saka hindi na nagsalita. Walang imik akong tumalikod at naglakad na palayo sa kanila. Dumeretso ako sa cocoon lab para kunin ang bag ko.

Hindi ko naman namalayan na nakabuntot pala sa akin 'tong lima— si Bernard, Kyla, Jan, Jin at Jun. Isinuot ko ang aviators ko at nagsimula na ulit maglakad.

Rinig ko sa likod kong nagbubulungan sila. And for sure, ako lang naman ang pinag-uusapan nila, na kung bakit ganito-ganyan ang inaasta ko.

"Adelle... okay ka lang ba?" Pagtatanong ni Kyla na siyang tinabihan ako.

"Tingin mo ba, mukha akong okay?" Sambit ko saka huminto sa paglalakad.

Ganoon din ang ginawa nila at isa-isa nila akong hinarap. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang aviators ko para makita nila kung gaano ako ka-miserable.

Nang matanggal ko na ay halos lumuwa ang mga mata nila nang titigan ako. Alam ko, aware ako na mukha akong zombie na pagala-gala sa hallway na 'to.

"Ganito ba ang mukhang okay?" Halos pumiyok na pagtatanong ko. "Sabihin niyo nga, ito ba 'yung okay? Kasi hindi ko talaga alam kung okay ako, e." Dagdag ko pa, at kung hindi ako magpipigilan ay babagsak ulit ang mga luha ko.

"Ano bang nangyari sa'yo? Anong klaseng ipis ba ang kumagat diyan?" Wala sa sariling tanong ni Jin dahilan para maluha ako sa tuwa.

Mga walangya! Parang tanga talaga. Sa sinabi nito ay natawa kaming lahat, kahit ako ay tumawa na rin kasabay ng mga luhang tumatakas sa mata ko.

"Tara na nga!" Natatawang anyaya ni Bernard kaya tumango ako sa kanila.

Nagsimula na ulit kaming maglakad sa hallway ng building. Hindi na ako nagsuot ng aviator dahil wala rin namang kwenta. Para saan pa? Para itago itong mata ko? Pero ni hindi ko man lang magawang itago itong nararamdaman ko.

Kumapit sa braso ko si Kyla at sinabayan ako sa paglalakad. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang. Nang malapit na kami sa exit ay nakasalubong namin si Ramille... kasama si Salve.

We Broke Up [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon