Chapter Fourteen

1.2K 91 35
                                    

[fourteen]

May mga bagay talaga na dapat hindi na pinipilit. Mga bagay na hindi na pwedeng ibalik sa dati at mga bagay na hindi na pwedeng maayos.

Kasi 'yung mga bagay na 'yon, sobrang wasak na. Sobra na sa pagkasira, dahilan para ang mga bagay na dating pwede pa, ngayon ay hindi na pwede.

Marami ng bawal kasi marami na rin ang nasaktan. Nawala na ang dating tiwala sa isa't-isa. Unti-unti ng naglalaho ang dati niyong samahan.

Walang permanente sa mundo.

Kung tutuusin ay napaka-unfair ng mundo— may nawawala at may umaalis, lero hindi natin alam, gumagawa si God ng paraan para maging fair ang mundong siya mismo ang bumuo.

Oo nga't may nawawala at may umaalis, pero hindi rin magtatagal, may dumarating. May mga taong bigla na lang sasalta sa buhay natin na hindi alam kung ano ba ang magiging role.

Maaaring maging kaibigan natin sila, bagong kakilala, o ang bagong taong pinadala ni God para baguhin ang pananaw natin sa buhay. Na hindi lahat ay nawawala, 'yung iba ay mas pinipiling mag-stay.

Sila 'yung mga taong pwede nating makasama hanggang sa pagtanda natin. Sila 'yung mga taong handang samahan ka kahit na saan pa mapunta ang kwento ng buhay niyo.

Nananatili sila kasi iyon ang isinugal nila... ang makasama ka ng mas matagal o habambuhay. Sumusugal sila para patunayang mas nangingibabaw ang pagmamahal nila sa kahit na anong problema.

"Hindi porket sinabi kong mahal kita ay kailangan mo na rin akong mahalin. Mahal kita, oo, pero hindi lahat ng bagay nakukuha kapag nagmamahal ka lang. Kailangan nandiyan ang tiwala mo sa taong 'yon. May mga bagay na hindi na pwedeng ibalik dahil masyado ng wasak, tulad natin... pareho tayong wasak dahil pareho tayong nasaktan. May mga bagay na hindi na pwedeng buuin ulit dahil nasira na. Tulad ng pagtitiwala ko sayo, naglaho na lang bigla dahil isang beses mo na akong iniwan. Hindi lahat pwede pang ibalik... tulad ng relasyong meron tayo dati."

Iyan ang huling sinabi ni Ramille bago niya ako iwan sa kwartong iyon na luhaan. Durog na durog ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.

Sobra akong nasaktan pero alam kong mas nasaktan ko siya at mas nasasaktan siya. Hindi ko siya masisisi kung bakit niya iyon nasabi sa akin lahat dahil kung ako rin naman ang nasa pwesto niya, baka maggive-up na lang din ako.

Kung sobra ng nasasaktan ang tao, mas pipiliin niya na lang ang magparaya. Kahit labag sa kalooban niya ay nagawa niya pa rin, alang-ala sa natitira nitong pride.

Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating sa punto na bigla mo na lang mararamdaman na hindi mo na pala siya mahal. Doon mo mare-realize na hindi siya 'yung taong nakatadhana sa'yo.

Kung sa ibang teleserye, mas napapatibay ang relasyon kapag marami ng napagdaanan at pareho niyong hinarap. Pero hindi lahat, dahil hindi natin alam bago pa tayo lumaban, naisip na natin ang sumuko na lang.

Umalis na ako sa resort na 'yun bago pa man ako abutan ng umaga. Hindi ko masasabing masaya ang outing na iyon dahil uuwi ako ngayong luhaan.

At hindi ko rin masasabing nagsaya sila gayong nalaman na nila ang buong nangyari sa amin ni Ramille. Gulat at pagkaawa ang nakikita ko sa mga mata nila habang isinisigaw ko ang lahat ng nangyari.

Sa paraang iyon, inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa harap ng maraming tao. Sa mga taong nakasaksi kung ano kami ni Ramille noong college.

"Wala na kami, okay? Wala na kami higit isang taon na ang nakalipas. Iniwan ko siya, umalis ako nang hindi nagpapaalam kaya nasira ang relasyon naming matagal niyo ring hinangaan. Oh, ano? Aawayin niyo ako? Sige! Sampalin niyo ako hangga't gusto niyo—"

We Broke Up [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon