Chapter Eleven

1.1K 85 48
                                    

[eleven]

Nag-angat ako ng tingin sa nakatayong lalaki sa gilid ko at nakitang kunot-noo ito habang pinupunasan ng panyo ang damit nitong namantsahan ko dahil sa kaninang pagyakap ko sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha nito, parang banas na banas. Nakaupo lang ako rito sa waiting shed para maghintay ng taxi, habang pinapanood iyong lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Ayan! Tignan mo ang nangyari. Nako naman, oh!" Bulyaw nito sa akin habang abala pa rin sa pagpunas.

"Sorry na nga, e. Sorry na, okay? Galit na galit, gusto mo na ba akong saktan?"

"Anong magagawa ng sorry mo? Nadumihan mo na 'tong damit ko!"

Kahit na kasalanan ko 'yun ay hindi ko maiwasan na mapairap sa hangin. Saan ba pinaglihi itong lalaking 'to, grabe kung maka-react. Nag-sorry na nga ako.

Tapos kuda pa nang kuda. Kung anu-ano pang binubulong sa hangin na para bang dinadasalan niya ako, minsan pa ay biglang magmumura.

Muli akong nag-angat ng tingin sa mukha niya. Pagkainis pa rin ang mababakas sa mukha niya, pero hindi na katulad kanina na kulang na lang ay sakmalin niya ako.

"Bakit ka ba kasi umiiyak, ha?!" Sigaw na naman nito.

"Bakit kailangan nakasigaw? Bingi ba ako? O may dalaw ka lang?" Balik sigaw ko rito.

Hindi ko na nakontrol ang bibig ko at iyon ang mga nasabi ko. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko ang sinabi ko at maagap na nagtakip ng bibig pero huli na.

Tinignan ako nito ng masama. As in masama na para bang may binabalak siyang hindi maganda. Unti-unti na ring nagkakaroon ng black aura sa likod niya, kung posible ba 'yun.

"Sorry..." Bago pa man siya magalit ay nag-sorry na lang ulit ako.

Yumuko ako para hindi nito makita ang mukha ko. Sobrang aware ako na mukha na talaga akong aswang sa itsura ko ngayon. Ilang beses ba naman akong umiyak kanina.

Nakatingin lang ako sa mga paa kong nakaunat. Wala pa ring dumadaan na taxi. Kanina ko pa gustong umuwi dahil bukod sa ang panget ko na, inaantok na rin ako.

Hindi ko alam kung ito ba 'yung nakatadhanang mangyari sa akin. Hindi ko alam na mas masakit palang tanggapin ang pagkawala niya kaysa sa tanggapin na may sakit ako.

"Ano ba kasing nangyari?" Mas malumanay siyang sambit pero naroon pa rin ang inis sa boses niya.

Nilingon ko ito nang umupo siya sa tabi ko. May ilang dangkal ang layo namin, nakatingin lang ito sa malayo.

"Ano kasi... naiyak ako kanina sa kanta." Wala sa sariling pagdadahilan ko.

"Huwag ako, pwede? Iba na lang. Alam ko na 'yang mga palusot ninyo, napuwing ako, nakakaiyak 'yung movie... ano pa ba? Ganoon 'yun, hindi ba? Kayo talagang mga babae, hirap i-explain."

"Huwag mo kayang lahatin! Hindi naman lahat, at saka totoo naman. Naiyak ako sa kanta kasi may naalala ako."

"Ayun ang sabihin mo. Ang labo mo rin e, 'no? Tss."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung nature na ba niya ang pang-aasar o ano, hilig mambara e. May attitude din 'tong lalaking 'to.

"Iyong humabol ba sa'yo kanina, siya ba 'yung dahilan kung bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito.

Huh?

May humahabol ba sa akin? Oo, in-expect kong hahabulin niya ako pero hindi naman nangyari. Walang Ramille ang sumunod sa akin para pigilan ako.

Walang Ramille ang yumapos sa akin mula sa likod. Walang Ramille ang nagpakita para sabihing mahal niya pa ako at ako lang ang mahal niya. Walang Ramille.

We Broke Up [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon