[twelve]
"Hi!" Masiglang bati ko saka tumatalon-talon na lumapit sa kanila.
Nandito na ako sa resort kung saan magaganap ang nasabing reunion ng klase namin. Kumpleto na sila at mukhang ako na nga lang talaga ang kulang.
Lumingon sila sa akin at nang makilala ako ay halos sinabayan na nila ako sa pagtalon-talon dahil sa pagka-excite. Kahit papaano pala ay na-miss ko rin sila.
"Adelle!!" Sabay-sabay na sigaw nila saka ako dinamba ng yakap.
Nag-group hug kaming mga babae at puro tawanan at hagikgikan ang maririnig sa buong resort na iyon. Private place kasi 'yun kaya kami-kami lang ang tao roon.
Umikot-ikot pa sila dahilan para makisabay na rin ako habang nakayakap pa rin sa isa't-isa. Natatawa naman ang mga lalaki dahil sa kabaliwan naming mga babae.
Pagkatapos nila akong pakawalan ay isa-isa nila akong sinabutan sa buhok. Mahina lang naman pero kahit papaano ay masakit pa rin. Friendly gestures ika nga ng ilan.
"Aray naman! Mga walangya kayo!"
Tumawa naman ang ilan sa kanila.
"Look at you! Ibang-iba ka na." Pahayag ng babaeng hindi ko na matandaan ang pangalan.
Ako naman ang natawa. Sa tagal kong nawala at sa tagal kong hindi sila nakikita, halos makalimutan ko na ang mga pangalan nila. Tanging mukha na lang ang natatandaan ko.
"Ang ganda mo na, Adelle! Para kang dyosa."
"Mas lalo ka pang naging sexy."
"Oo nga! Kaya siguro stick to one lang sa'yo si Ramille."Sa sinabi nito ay natahimik ako. Kahit silang lahat ay walang alam. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala silang alam tungkol sa nangyari sa amin ni Ramille one year ago.
O magagalit dahil pilit pa rin nilang idinidikit ang pangalan ko kay Ramille. Nakakainis na pero hinahayaan ko na lang, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin.
Kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat. Hindi naman siguro lahat ng taong nakapaligid sa'yo, alam dapat ang lahat ng nangyayari sa buhay mo.
Mas maganda kasi kung 'yung ibang sikreto mo ay sa'yo na lang. Huwag mo ng ipagkakalat kasi kapag mas maraming nakakaalam sa kwento ng buhay mo, mas marami silang dahilan para siraan ka.
At ayokong mangyari 'yon, na kapag sinabi ko sa kanilang lahat, mawawalan ako ng kaibigan. Dahil alam ko naman kung kanino sila kakampi kung sakaling magkwento ako.
Nariyan ang posibilidad na saktan nila ako. Sasaktan nila ako kasi ako ang may kasalanan. Iyong iba, ginagawa pang dahilan ang pag-iwan ko para protektahan lang ang idol nila.
Ilang minuto rin akong hindi nagsalita at tuloy lang sila sa pamumuri sa akin. Hanggang sa hindi na talaga ako nakapagsalita dahil dumating na ang kinatatakutan ko.
"Kyaaaaah! Ang grupong Ace!"
"Waaaah! Si fafa Ramille! Pa-autograph mga lodi!.""Ang cute-cute mo, Patrick!"
"Akin ka na lang, Jack at Jayson!"
"Please, marry me, Topher."Napuno ng tilian ang buong resort na iyon. Ang akala kong malakas na sigawan nila kanina ng dumating ako ay mas doble ang lakas ng tilian nila ngayon.
Halatang mga kinikilig dahil after one year, nakita na rin nila sa wakas ang mga iniidolo nila. Tumalikod ako saka tumabi para hindi nila ako mabangga dahil sobra nilang ligalig.
Ganito ba talaga ang epekto nila sa mga babae? Kung 'yung dati ay natitiis ko pa, ngayon yata ay parang hindi na. Sumasakit ang tainga ko.
"Oh, my ghad! Ang gwapo mo, Ramille!!"
BINABASA MO ANG
We Broke Up [Completed]
RomanceAce Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lahat ay may hangganan. Walang permanente't lahat nawawala. Ramille Ramirez, the main vocalist of Ace G...