[twenty]
Nagising ako kinabukasan dahil sa sobrang pananakit ng ulo. Dahan-dahan akong bumangon para lang ma-realize na wala ako sa bahay namin. Nilibot ko ang tingin sa paligid.
Kahit umiikot pa ang paningin ko ay nagawa kong makumpirma kung nasaan ako. Wala akong maalala kagabi pero sapat ng ebidensya ang mga nagkalat kong damit sa sahig.
What the hell.
Nang makaupo ako sa edge ng kama ay doon ko nakita ang isang sticky note na nakadikit sa lamp shade, katabi nitong kamang inuupuan ko.
Umalis lang ako saglit, babalik din ako mamaya.
- R. FranciscoUmalis? Napalingon ako sa likod ko kung saan doon ko huling nakitang nakahiga si Ramille. Talagang umalis siya ng walang paalam? Hindi man lang ako nagawang gisingin?
Saan naman ang lakad niya at umalis siya ng ganoon kaaga? Ganoon ba ka-importante 'yon? Napabuga ako sa hangin dahil sa gulung-gulo ang utak ko.
Idagdag mo pa na sobrang sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay unti-unting binibiyak ang ulo ko dahil sa hangover na 'to.
Mariin akong pumikit. Bakit siya umalis? Bakit? Naalala ko bigla 'yung unang may nangyari sa amin, sa bahay nila mismo. Iniwan ko siya dahil may dahilan ako.
Ngayong may nangyari ulit sa amin sa pangalawang pagkakataon, wala siya. Parang nangyayari ulit ang nangyari sa amin, isang taon na ang nakalilipas.
Ang pinagkaibahan nga lang, siya naman ngayon ang umalis. Ako naman itong naiwan ng mag-isa, ako naman itong hindi magkandaugaga sa kakaisip kung saan siya nagpunta.
"Agh! Shit." Sigaw ko nang maramdamang parang pinipilipit ang tiyan ko.
Tumakbo ako sa banyo at dali-dali yumuko sa sink para doon isuka ang lahat ng kinain ko kagabi. Sunud-sunod ang pagsuka ko dahilan para mas lalong umikot ang paningin ko.
Pagtingin ko sa salamin na siyang nasa harapan ko ay namumula ang mukha ko, nangingilid ang luha sa pareho kong mata, para akong may sakit dahil sa itsura ko.
Wala pa rin akong saplot kaya malaya kong nakikita ang katawan ko na nagre-reflect sa salamin. Bakas pa rin doon ang ebidensyang may nangyari nga sa amin ni Ramille.
Nasaan na ba siya?
Dumeretso ako sa shower room para makaligo. Kailangan kong ma-relax dahil feeling ko ay babagsak ang katawan ko any time. Isang oras din siguro akong nag-stay doon bago lumabas ng banyo.
Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Sinuot ko ang pantalong gamit ko kagabi at kumuha ng damit mula sa drawer ni Ramille at iyon ang isinuot ko.
Para akong lantang gulay pagkalabas ko sa kwarto niya, para akong nilayasan ng kaluluwa ko dahil para akong lumulutang habang naglalakad.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong sunod kong gagawin. Kung aalis ba ako o maghihintay sa kanya. Dahil higit isang oras na simula nang magising ako at wala pa rin siya.
Sige, maghihintay ako... kahit masakit. Ganito pala ang pakiramdam ng naiiwanan. Ngayon ay alam ko na kung ano ang naramdaman ni Ramille noon nang iwan ko siya.
Naka-ilang tingin na ako sa relo ko, dalawang oras na ang nakalipas. Sunod ko namang tinignan ang cellphone ko, wala ni isang text message mula sa kanya.
Kaya ko pa namang maghintay, kaya hanggang kaya ko pa ay hihintayin ko siya. Kahit ilang oras pa 'yan, hihintayin ko siya dahil alam kong babalik siya.
Tatlong oras.
Higit tatlong oras na akong nakaupo rito sa sofa, tulala at halos mamuti na ang mata ko sa kahihintay. Kulang na lang ay pati ang uwak ay mamuti na rin dahil sa tagal kong naghintay.
BINABASA MO ANG
We Broke Up [Completed]
RomanceAce Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lahat ay may hangganan. Walang permanente't lahat nawawala. Ramille Ramirez, the main vocalist of Ace G...