[five]
Dahil sa pagtataray ko kanina ay biglang bumusangot ang mukha ni Kyla. Tinignan ako nito nang may pagtatanong sa mata pero hindi siya umiimik.
Talagang tinitigan niya lang ako gamit ang puppy eyes nito. Hindi ako nadadaan sa mga ganyan. Hinawi ko ang buhok kong tumatabing sa mukha ko.
"Bibigyan ko sila ng last chance para mag-perform ulit sa stage. Hindi ko masyadong narinig iyong kanta nila kanina kaya hindi ako sure sa results. But anyways, I will be the one to judge them." Sambit ko saka tumayo mula sa pagkakaupo.
Kinuha ko iyong papers na naglalaman ng mga criteria for judging at lumabas ng dressing room. Kasama si Kyla ay sabay kaming nakababa sa open space, kung saan nandoon silang lahat.
Hinihintay nila ako sa maaari kong ibigay na comment pero nanatili akong walang imik. Umupo ako sa isang monoblock, katapat nito ang isang napakahabang lamesa.
At ang nasa harapan namin ay ang mga naghihintay na miyembro ng Ace sa results. Nakatayo lang sila sa stage habang tahimik na nagmamasid.
Nang matamaan ako ng tingin ni Patrick ay biglang nag-react ang mukha niya, nagulat ito dahilan para manlaki ang mata niya at tinitigan ako.
Siniko niya si Jayson na siyang katabi niya at ganoon din ang naging reaction nilang lahat. Hindi ko naman sila masisisi. Si Ramille lang ang may alam na pagmamay-ari namin itong A's Music Recording.
Hindi naman na nagulat si Ramille dahil paniguradong in-expect niya na ito, ni wala nga itong reaction nang magkita kami sa elevator kanina.
"I'm sorry to tell you this, pero hindi ko nagustuhan ang pagkanta niyo." Panimula ko.
Basher na kung basher na noon ay number one fan naman nila.
Kita ko ang paglukot ng mga mukha nila, tila dismayo sa sinabi ko. Pati itong mga katabi ko na halos salungatin ako.
"But anyways, I will give you one last chance. This time, make me impressed." Matigas na pahayag ko sa kanila.
"One song per bands lang tayo, Adelle." Paalala sa akin ni Bernard na siyang nasa tabi ko.
"So what's the results then?" Tinignan ko siya ng deretso sa mata.
"Positive lahat. Here." Saka nito inabot sa akin ang papers nilang talent scouts.
Tinignan ko iyon isa-isa, positive nga lahat. Almost perfect mula sa Audience Impact, sa Originality, at kung anu-ano pa.
A total score of 98%, 99% at 100%.
Ano 'to? Hindi lang dapat sa panlabas na anyo tumitingin ang isang hurado o talent scouts, dapat sa talento at sa nilalaman ng kanta rin. Dapat alam nila kung ano ang emosyong nakapaloob doon sa kanta nila.
"Wala na bang ibang magpe-perform?" Pagtatanong ko kay Kyla na nasa kabilang side ko.
"Wala na po, sila na ang panghuli."
"Nasaan 'yung iba? I mean 'yung mga nauna nang nag-perform?"
"Pinauwi na namin sila dahil hindi sila qualified at bagsak din ang total grades nila."
"So itong nasa harapan natin ay qualified?" Maang na tanong ko pa.
Pinasadahan ko sila ng tingin nang sunud-sunod silang tumango sa tanong ko. Napabuga ako sa hangin dahil sa frustration na lumalaganap sa buo kong katawan.
Sumandal ako sa inuupuan ko at saglit na nag-isip. Malamang na kanina pa sila naguguluhan dahil sa mga inaakto ko. Hindi naman kasi nila alam ang dahilan ko.
BINABASA MO ANG
We Broke Up [Completed]
RomanceAce Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lahat ay may hangganan. Walang permanente't lahat nawawala. Ramille Ramirez, the main vocalist of Ace G...