RULE #2: Learn How To Attack Ng Pailalim At Hindi Obvious

120 2 0
                                    

 

               Hmm. Paano nga ba namin na-establish ni Saab ang Girl Code? Sa pagkakaalala ko, it was 2 years ago din pagkatapos kong magtransfer dito sa University. Wala akong kabalak-balak lumipat ng school pero eversince naghiwalay ang parents ko, nag-decide si dad na lumipat na rin ng bahay, so I have no choice but to transfer na din.

Tyrone and I were still good friends by then, yung tipong papunta palang sa dating stage. Actually, siya lang ang naging friend ko nung bagong lipat ako ng school. Hanggang sa naging classmate ko si Saab sa Literature.

Habang busy ang mga classmates namin sa pagbabatuhan ng mga papel at pag se-selfie habang hinihintay si prof at ako naman eh pasikreto paring nagtetext sa kapatid ko kahit wala naman si prof (na palaging late), lumapit sakin si Saab.

                “Hi. You’re Camille, right?”

Nag-angat ako ng mukha at di ko napigilang tignan siya from head to toe. From her shiny, long auburn hair, her fair skin, and not so curvy body down to her red peep toes na kasing red ng lipstick niya.

                “Uh, yup. I’m Camille.”

                “I’m Saab Montemayor. You’re friends with Tyrone, right?”

                “Yes.”

                “I’m a good friend of his. I heard you’re also running for SC President?”

                “Ah, oo. Sinabi ba niya sayo?”

                “Actually. Ty has been telling everyone about it. If you don’t mind we can hang out after class. Maybe you can join me for lunch?”

                “Ahm..kasi may gagawin pa akong –“

                “I insist.”

Para siyang kontrabida sa pelikula. Pero mukha namang okay siya.

                “Sure.” Sabi ko, para matapos na ang usapan. Andito na rin naman si Prof na never pumasok ng maaga.

Saab just left me a smile bago siya bumalik sa upuan niya, just 2 seats behind me. Nagtaka ako kung anong pakay niya at bigla siyang nagyaya ng lunch. I mean she never even looked at me before. Ano namang nakain nito at gusto niyang makasabay mag-lunch ang isang babaeng anonymous to society? Lalo ba niyang ikagaganda kung makikita siya ng ibang taong may kasamang hindi naman masaydaong maganda? Ewan. Likas lang talagang may mga taong nakukuha lahat ng gusto. Saab Montemayor is close to perfect. She’s beautiful, popular, rich, and smart. But she’s not that sweet. May mga nakikita kaming girls na kasama niya, pero panandalian lang. Wala siyang talagang tinatawag na friends. Pero si Saab lang ang kilala ko dito sa Campus na kumakain sa cafeteria mag-isa, nag-aaral mag-isa sa library at walang kasabay na umuuwi, pero hindi siya mai-label na loser or loner. Masyadong mataas ang level niya para doon. So I thought gusto niya din akong maging panandalian niyang “lunch mate”. Pero mas nagtaka ako na alam niya ang pangalan ko at alam niyang tumatakbo akong SC president. Baka alam niya na din kung anong kulay ng underwear ko, or kung ilang minutes akong maligo. Pero sa ganda niyang yan, imposibleng stalker siya. Haay. Ang utak ko masyadong judgemental.

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon