RULE #9: Don't Judge a Book by its Cover

50 2 0
                                    

          Kinabukasan sa school, tulala ang drama ko. Ang sarap ng kain nila Saab ng cheese fries sa harap ko na kanina ko pa naamoy, pero ang utak ko naiwan sa pinaggagawa ko kagabi. Oh my G. Nakakahiya. Baka isipin ni Tyrone na kung ipamigay ko ang sarili ko sakanya ganon-ganon nalang. 

"Hoy baklang Camille. Humihinga ka pa ba?" tanong ni Chelsea.

"Oo naman."

Napansin kong natatawa si Stacey. Malamang, siya lang naman ang nakakaalam ng ginawa kong kalokohan. Hello? Siya kaya nag-suggest nun. Eesh. 

"I heard Ty is leaving na 2 days from now?" tanong ni Saab.

"Yup."

"And I heard na ikaw daw ang susundo sa exchange student sa terminal."

"I know right? To think na ako pa talaga susundo dun sa nerd na 'yun."

"Nerd? Have you seen him na ba?" tanong ni Stacey.

"Nope. Not yet. Pero sa pagkaka-describe ng SC President ng school na 'yun, genius daw yung papalit kay Tyrone dito. Natuto lang siya ng Calculus at Physics sa pagbabasa lang ng libro. Oh anong tawag mo dun? Sigurado makapal ang salamin nun na may saksakan sa taas na grado at abot hanggang dibdib ang tuck-in!"

Nagtawan sila Saab.

"We can all make him sundo naman sa makalawa. Para naman you won't be caught dead hanging out with a weirdo," sabi ni Chelsea.

"Oh my G. I love you guys."

"Para naman makita din namin yang si Mr. Genius na yan."

Galit na galit na nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag sakin ang isa sa mga academic officers ng school. 

Pinapapunta ako sa office.

          Pagpasok ko sa office ni dean, alam ko na agad na may ipapagawa siya sakin regarding the program.

"What can I do for you po?" tanong ko.

"Actually, marami ka nang nagawa para sa school, Miss Sandejas. Don't worry, after this hindi muna kita iistorbohin."

Nagsulat siya ng kung ano sa isang sheet ng green na sticker notes.

"Here are some addresses ng mga dormitories na malapit lang dito sa school na pwedeng tuluyan ni Mr. Del Prado."

Ahh. Sabi ko na nga ba. Tungkol nanaman ito kay Mr. Genius Del Prado. 

"Gusto ko sanang tignan mo kung saan ba dito sa mga ito ang pinaka okay na matutuluyan niya. You know that he will be arriving in 2 days, right?"

"Opo."

"Hindi kasi natuloy ang pagpunta niya dito for his Campus tour, so I also expect na you can give him the tour as well."

The F? 

"Sure po. No problem."

Ang kapal lang ng mukha niya kung sino man siya. Nag effort kami ni Tyrone na magbiyahe ng pagkalayo-layo para sa lintek na Campus tour na yan, tapos siya? Grrr!

"Can you check the dormitories today?"

"Ahm, opo. Ako na pong bahala."

"Thanks you, Miss Sandejas."

Paglabas ko ng office, halos sumayad na ang nguso ko sa lupa. Mapapalayo na nga ang boyfriend ko dahil sayo, hahanapan pa kita ng tutuluyan at ako pa ang magto-tour sayo? Anak ng. Sinuswerte ka! Humanda sakin 'tong taong 'to.

Buti nalang at walang mga lakad ang girls at sinamahan nila akong puntahan isa-isa ang mga men's dorm na pinapatignan sakin ni dean. Dahil wala ako sa huwisyo magtingin-tingin, silang tatlo na ang gumagawa ng trabaho ko. Si Saab na ang kumakausap ng mga caretakers, at sina Chelsea at Stacey naman ang nag iinspect ng mga kuwarto, kusina, at banyo. Ako, wala. Nakasunod lang at pasikretong nagmumukmok. 

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon