Kinabukasan, maaga akong pumunta sa Campus at pumuwesto na ako sa favourite spot namin ni Tyrone sa labas ng school building. First time kong mag plantsa ng buhok at maglagay ng light make up na wala ang tulong nila Stacey.
Malayo palang si Tyrone, nakita ko na siya. First time ko ding gagawin ‘to. Bahala na si Batman.
“Camz?”
Napatayo ako si kinauupuan ko.
“Kuya.”
Halatang hindi niya ineexpect na makikita niya ako ditto sa tambayan namin.
“Bakit parang hindi ka masayang makita ako?” I asked.
“Uy, hindi ah. It’s just awkward because of...you know, because of what happened in the party at Saab’s house.”
“I know. And I’m sorry. Nakapag decide na rin ako na maging totoo sa sarili ko. Sa nararamdaman ko.”
“And?”
“I think I’m in love with you.”
Nakita ko kung paano nagpalit ng reaction si Tyrone.
“Anong sabi mo?”
“I love you, kuya.”
“Does this mean na...sinasagot mo na ako?”
I just gave him a smile.
“Yes! Yes, yes, yes!”
Nagtatalon sa tuwa si Tyrone. Lahat tuloy ng tao sa paligid napatingin sakanya.
“Everyone, girlfriend ko na si Camille! Girlfriend ko na siya!”
Nakarinig ako ng maraming palakpakan. Ganito pala ang feeling. Parang teleserye. Niyakap ako ng mahigpit ni Tyrone.
“I love you, ate.”
Buong araw akong lutang sa alapaap. Gusto kong i-fast forward ang oras para makasama ko na si kuya boyfriend.
After school, nagkita kami sa Brews kung saan kami unang nagkakilala.
“So what made you change your mind about me?” tanong ni Tyrone.
“Well, pinayagan ako ni Saab na wag sundin ang code. And she gave me her blessing na din.”
“Blessing? Para saan?”
“Para sagutin ka. Diba I told you na friends are off-limits to exes?”
“Kinailangan mo pang humingi ng pahintulot kay Saab para sagutin ako?”
“Parang ganon na rin—“
“You should not let her manipulate you.”
“She’s not.”
“She is. Kasi hindi mo rin pala ako sasagutin if ever na hindi ka niya pinayagan. Come on, Camz. Manipulation ang tawag dun.”
There is something in the way he talks about Saab.
“Kaya ba kayo naghiwalay? Kasi mina-manipulate ka din niya?”

BINABASA MO ANG
THE GIRL CODE
RomanceAno ang gagawin mo kapag naging kaagaw mo sa lalaking gusto mo ang bestfriend mo? Paano kung hindi lang isang bestfriend, kundi tatlo? Sa tatlong hindi papatalo sayo? Kanino kina Camille, Chelsea, Saab at Stacey mahuhulog ang loob ng exchange studen...