Nasa klase ako pero ang utak ko nasa ibang dimension. OMG. Tama ba tong pinasok ko? Tama ba na nakipagkasundo ako kay Saab for the sake of my campaign? Pero she left me with no choice. Ngayon kailangan ko nalang panindigan. Hay buhay.
At dahil nagkukwento nanaman si Prof tungkol sa masalimuot na kinahinatnan ng lipunan at kung bakit dumadami ang mga manyak sa MRT, imbes na makinig ako eh nag-drawing nalang ako ng mga prutas sa likod ng handout ko. Prutas na may mukha. Para hindi sila makain ng mahal na prinsesang nagiging bruha kapag gabi. Nai-drawing ko na ata lahat ng prutas na kaya kong i-drawing pero sige parin si Prof sa pagdaldal. Pinoproblema niya naman ang kakulangan ng mga streetlights sa mga kalye ngayon. Kaya daw dumadami na talaga ang mga manyak sa mundo.
Binuklat ko nalang kunwari ang workbook ko para gawing pangharang sa cellphone (at alam kong hindi lang ako ang gumagawa nito) dahil natutukso akong magcheck ng Facebook. Pagbukas na pagbukas ng news feed ko, ang una kong nakita ay ang mukha ko. VOTE FOR CAMILLE SANDEJAS FOR STUDENT COUNCIL PRESIDENT. Oh my G. Isang nagngangalang Chelsea Cortez ang nagpost nito. 216 likes, 77 comments in one and a half hour. In fairness. Pero teka, sino ba tong baklang ‘to na nagpost ng posters ko sa Facebook? Maparaan talaga si Saab. Talagang gagawin ang lahat para makuha ang gusto.
Bumalik ang ulirat ko sa classroom nang mahulog ng seatmate ko ang bottled water niya at gumulong sa paa ko. Nagmagandang loob naman ako at pinulot iyon para sakanya.
“What the F?”
Imbes na yung label ng tubig ang nakalagay sa bottle, surprise! Yung picture ko nanaman na nakakabadtrip.
“San mo nakuha yan?” tanong ko sa katabi kong lalaking mataba at amoy Clover Chips.
“Ah, sa labas ng cafeteria. Di ko na tinanggihan yung nagbigay, chicks eh. Mamaya nga babalik ulit ako. Hehe. Di bale, iboboto kita.”
“Salamat.”
Don’t tell me si Saab din ang may pakana nitong giveaway nilang tubig? Nagpaalam ako kay Prof na lalabas ako ng room at halos patakbo akong pumunta sa cafeteria. Malayo palang ako ang dami ko nang natatanaw na mga tao (mostly mga lalaki) na nagkukumpulan sa isang maliit na stall.
“Excuse me...” pilit kong siniksik ang sarili ko para mapunta ako sa harap.
“Uy! Andito pala si Miss President oh!”
Nagpalakpakan at naghiyawan pa.
Pagdating ko sa harap ng stall na puno ng posters ko (as expected), may babaeng nakatalikod at naglalabas pa ng maraming bottled water galing sa isang box.
“Ahm, hello?”
Lumingon ang babae na mukhang supermodel ng Victoria’s Secret at ngumiti ng malaki.
“Hi!” sabi niya, with matching beso kahit di naman kami close.
“Do I know you?” I told her na may konting taray.
“Not personally. I’m Stacey. Stacey Zacarias. One of your campaign managers. Pero mas feel kong maging water girl.”
Binayaran ba ni Saab ang mga babaeng ito para gawin ‘tong mga kalokohan na ‘to?
Feel na feel naman ni ate na mag distribute ng tubig sa mga lalaking hindi naman uhaw sa tubig na may magandang ngiti.
“Vote niyo po si Camille.”
Bukod sa naka-sleeveless na nga, hanging pa. Pero carry naman. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong pakulo.
Nasilip ko naman sa loob ng cafeteria si Saab na may kasamang babae.
“Stacey, nice meeting you. Excuse me lang ha,”
“Sure.”
Tumayo ako sa likod ni Saab na mukhang sobrang busy.
“Ehem!”
Sabay na tumingin sakin si Saab at yung kasama niyang girl.
“Camz! Take a seat. I want you to meet someone.”
Buntung-hininga sabay upo.
“Camille, this is Chelsea. Chel, si Camille.”
“Nice to finally meet you,” iniabot sakin ni Chelsea ang kamay niya.
“Chelsea Cortez?”
“Yup.”
“Ikaw yung nagpost ng posters ko sa Facebook?”
“Facebook, Instagram, and campaign sa other social networking sites—i’m in charge.”
Pansin ko lang ha, yung mga girls na kinukuha ni Saab para tumulong sa campaign ko, ka-level ng kagandahan at kasosyalan niya.
“Have you met Stacey already?” sabi ni Saab, doing something on her laptop.
“Ah, oo. Si water girl?”
“I know right? That water thing is actually her idea. Wait, don’t you have class? Busy ang campaign managers mo ngayon.”
Ako na nga talaga ang may campaign managers na mas magaganda pa kaysa sakin.
“I have class, but—“
“Then what the hell are you doing here? Hindi magandang tignan na nagka-cut ng class ang soon-to-be SC President! Get your ass back into your classroom, Camz.”
“Pero—“
“Now.”
Back to work ulit sila ni Chelsea na hindi ko alam kung anong ginagawa. Paglabas ko ng cafeteria, lalong dumami ang mga uhaw kay Stacey—este uhaw sa tubig na mga lalaki na puputok na ang mga tiyan sa kakainom ng giveaways.
In fairness naman, na-impress ako sa effort ni Saab. Talagang gumagawa siya ng paraan para manalo ako sa elections.
Bumalik ako sa classroom na may semi-ngiti sa mukha. Ngiti na mas maganda kaysa dito sa nakalagay sa bottled water.
Naging sobrang busy ang mga buhay-buhay namin 1 week before the election. At hindi naubusan ng pa-epek ang mga “campaign managers” ko. Nagpa online survey si Chelsea sa official site ng school kung sino saaming mga candidates ang may platforms at projects na pinakagusto ng mga studyante. Gumawa din siya ng page ko sa Facebook at iniladlad niya lahat ng projects ko, kasama na din ang mga proposals ni Saab. Lumago naman ang stall ng bottled water ni Stacey. Ngayon meron na ding ballpens, button pins, laces, at kung anu-ano pa. Si Saab naman ang bahala sa pagpapakalat ng balita gamit ang convincing powers niya. Lahat ng department sinusuyod niya at sinisigurado niyang hanggang sa panaginip ng mga studyante makikita nila ang mukha ko.
Sa tinagal-tagal ng campaign ko, naging close na din kami nila Saab, Stacey, at Chelsea. Pare-pareho kaming nagkaroon ng instant friends. Siguro naman after ng lahat ng ito, wala nang kahit isa saamin ang kakain sa cafeteria mag-isa, magsho-sopping mag-isa, or magso-solo flight sa library. This campaign brought us together. Ito na nga talaga ang start ng magandang friendship.
BINABASA MO ANG
THE GIRL CODE
RomanceAno ang gagawin mo kapag naging kaagaw mo sa lalaking gusto mo ang bestfriend mo? Paano kung hindi lang isang bestfriend, kundi tatlo? Sa tatlong hindi papatalo sayo? Kanino kina Camille, Chelsea, Saab at Stacey mahuhulog ang loob ng exchange studen...