RULE #10: First Impression Never Lasts

31 0 0
                                    

            Ang linaw ng usapan namin na pagkatapos naming sunduin sa terminal si Mr.Del Prado, lalayas na kami agad at pupunta sa mall, at bahala na siya sa buhay niya after naming ibigay sakanya ang address ng nahanap naming apartment para sakanya.

 Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit nagsisiksikan kami nina Chelsea at Stacey sa likuran ng sasakyan ni Saab, habang si Gavin, nakaupo sa harap at nakatutok sa aircon ang pagmumukha.

Dahil nasa tabi ako ng pinto sa likuran ni Gavin, nakikita ko ang reflection niya sa side mirror. Para siyang promdi na ngayon lang nakatapak sa malaking siyudad. Yung tipong mababali ang leeg sa kakatingala para lang makita kung gaano kataas ang mga building dito.

Ito namang si Saab, inatake nanaman siguro ng kalandian. Alam naming lahat ang senyales na nakikipag-flirt siya: panay ang hampas ng buhok, maya't-maya kung magpa-cute, at pilit na pinapa-pout ang lips. Hay naku. Obvious much?

Oo na. Aminado ako na malayong-malayo nga sa ini-imagine ko itong si Gavin. Mukhang okay naman siya, pero wag dapat akong pakasisisuguro. Malay ko ba kung rapist 'to o serial killer?

"We're almost there." sabi ni Saab.

Bigla kaming naging service. Hay naku. Ang mga babae talaga, kahit gaano kamaldita, pag nakakita ng gwapo, bumabaliktad agad. Pero ako hindi. Asa siya.

"So how old are you pala?" tanong ni Stacey.

"Twenty-three. Actually, kaka twenty-three."

Pake ko?

"Mahilig ka ba sa R&B? I have some music naman. Para hindi masyadong quiet." tanong ni Saab.

"Sure."

"I hope you like R.Kelly."

Kung anu-ano pa kasi ang tinatanong. Alam ko namang isang bagay lang ang gustong malaman nitong mga babaeng 'to.

"May girlfriend ka ba?" tanong ni Chelsea.

Sabi ko na nga ba. Galing ko talaga.

"Ah, wala. Single ako."

Tila nabuhayan ng loob ang tatlo nang marinig ang sagot ni Gavin, Ugh. So obvious. Sa tingin kaya nila matitipuhan sila ng lalaking 'to na mukhang lalaki din ang gusto? Whatevz. Basta quiet nalang ako. Baka may masabi pa akong hindi maganda. Alam ko na.

Palihim kong tinext si Saab.

                 akala ko ba sa mall tayo after natin sya sunduin?

Narinig naming lahat ang message alert niya na hindi ko maintindihan ang tunog dahil hindi naman marunong mag-silent ng phone itong si Saab. At dahil nasa gitna kami ng wagas na traffic, binasa ni Saab ang text na alam kong sakin galing.

Tumingin siya sakin mula sa rear-view mirror na parang may masamang balak.

"I hope you don't mind, pero after we go to your new place, you should come with us to the mall sabi ni Camz." sabi niya.

"What?"

Sira talaga tong si Saab.

Lumingon si Gavin at tumingin sakin. Gustong-gusto ko siyang taasan ng kilay pero parang namanhid ata ang mukha ko sa hiya. Gaga ka Saab!

"Next time nalang siguro. Nakakahiya naman sa inyo, baka nakakasira ako sa lakad ninyo." sabi niya.

Oo nga, wag kang sasama. Panindigan mo!

"I insist." sagot ni Saab.

I insist mo mukha mo.  Grrrr! Bakit kasi hindi kami maka-angal sa mga trip ni Saab?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon