RULE #7: Take Suggestions Wisely

79 2 2
                                    

That afternoon, tumambay kami sa Brews. Tinitignan ko si Saab sa nakaupo sa tabi ko at busy na nakatingin sa phone niya. Hindi mawala sa isip ko ang painting na pinakita sakin ni Alexis kanina.

                “I have a photoshoot pala on Saturday ha. So hapon nalang tayo magkita.” She said.

Oo nga pala. Part time model nga pala si Saab. So possible ngang model lang siya sa painting na iyon at wala siyang kinalaman doon. Ewan ko ba kung bakit simula nang malaman kong ex ni Tyrone si Saab, parang gusto ko nang malaman ang lahat tungkol kay Saab. Alam kong nagiging unfair ako sa ginagawa ko sakanya matapos niya akong bigyan noon ng blessing para sagutin si Tyrone.

                “And Camille,” pahabol niya.

                “Yes?”

                “I have a new proposal to make pala.”

Karamihan ng projects na naipatupad ko simula nang maging presidente ako, suggestions ni Saab. Well, mostly for the development naman, pero yung iba hindi ko talaga inaprubahan ng 100%. Hindi naman ako maka-hindi dahil utang ko kina Saab at sa girls ang pagkapanalo ko.

                “Ano yun?”

                “I watched kasi a chick flick last night. And I think It’s a good idea if we will propose an Exchange Student Program.”

                “Oo nga noh. Gusto ko yan.”

Gusto ko talaga. Hindi ako plastic ngayon.

                “You know, we will raise funds and then we will support someone from a school na may varsity teams din since scholars naman sila. What do you think?” she continued.

                “I think it’s brilliant. I will start making the proposal. Ako na din bahala mag forward ng request sa Dean.”

                “Thank you. I swear, hindi ka magsisisi.”

                “Ano ka ba, ako dapat ang magpasalamat sayo.”

Siguro nga dapat na akong tumigil sa kakaisip. Wala namang hinangad si Saab kundi ang maging mabuting kaibigan sa aming apat, lalo na sakin. She made me who I am today. Napaka walang utang na loob ko naman kung makikialam pa ako sa nakaraan niya.

Sa ngayon, gusto ko lang mag focus sa bagong project na iluluto namin ni Saab.

                Buong gabi kong ginawa ang project proposal para sa Exchange Student Program. Gusto kong manigurado na makukuha ko agad ang approval ng dean at ng student board.

As usual, maaga akong pumasok para i-present ang proposal ko.

                “I like your idea, Miss Sandejas.”

Mukhang maganda ang mood ng dean ngayon, or sadyang gusto niya talaga ang project.

                “Pag uusapan nalang namin ito. I approve this project.”

                “Talaga po? Thank you po!”

                “You’re welcome. And you deserve to be the SC president. Keep the good projects coming. You will hear from me soon.”

                “Okay po, Sir. Salamat po.”

Umattend ako ng classes ko na mataas ang kumpiyansa sa sarili. It will look good on my record. Salamat sa idea ni Saab.

That afternoon, pinatawag ako ni dean sa office niya. OMG. Ito na ang hinihintay ko. Pagpasok ko ng office, naroon lahat ng importanteng taong kailangan ko para mangyari ang project.

                “There she is. Miss Sandejas, kindly take a seat.”

Lalo akong pinakaba ng malamig na upuan.

                “So we have discussed your project, and all of us agreed na it’s about time for us to organize an Exchange Student Program. We are going to put your project to work, and we have the perfect candidate for it. Napag-isip-isip namin na hindi masyadong narerecognize ang talent ng basketball team natin, kaya we picked one from our basketball team. We have already checked his records and grades, and he is qualified. Itong University na napili namin, sakanila nanggaling ang mga sikat na college basketball players at siguradong nababagay itong napili naming candidate para makasama sa varsity team nila. Sa ngayon, wala pa namang response sa request namin ang University pero they support Exchange Student programs like this, so we are hoping to hear from them soon.”

May pinasa na folder sakin ang dean.

                “Siya ang napili namin for the program.”

Pagbukas ko ng folder,

                “Shit.”

Hindi ko sigurado kung narinig nila ang sinabi ko. Totoo ba to?

                “Si...Tyrone Cruz po?”

                “He is a perfect representation for the school’s varsity team. And we all know that he deserves it. What do you think?”

What do I think? Uhm... isa itong malaking joke? Gusto ko ng approval nila sa project ko pero ayoko namang gawing kapalit ang mapalayo sa boyfriend ko!

                “He’s...perfect.”

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon