RULE #5: Never Talk About Your Exes

88 1 0
                                    

                Alam kong saksakan na ng haba ang flashback ng kwento ko kung paano nangyari ang lahat. Alam ko din at hindi ko naman nakakalimutan, kahit 2 years na ang nakakalipas, na hindi pa umiinit sa listahan ang unang rule ng Girl Code ay na-violate ko na agad ito nang naging kami ni Tyrone: Exes are off-limits to friends.

Ganito kasi yun.

After ng Victory party sa bahay ni Saab at ng revelation ni Tyrone na may gusto nga talaga siya sakin, parang ayoko nang magpakita sa Campus. Pero naalala kong may responsibilidad nga pala ako sa lahat ng estudyante dito, lalo na sa mga

bumoto sakin para maging SC President. So baon ang natitirang kapal ng mukha, pumunta ako sa school 15 minutes bago ang first class ko. Alam kasi ni Saab na palagi akong maaga pumapasok. Ayoko naman ma-corner niya sa isang sulok.

Tinignan ko ulit ang schedule ko. Shit. Literature nga pala. Sa ayaw ko at sa gusto, makakasama ko si Saab sa loob ng isang room ng isang oras.

Tahimik akong pumasok sa classroom at as expected, wala pa si Prof. Walang nagbabatuhan ng papel ngayon. Mukhang lahat ng classmates ko may hangover from the party. Sa ngayon mas gugustuhin kong magka-hangover nalang kaysa pumasok sa ganitong situation. Kahit ilang beses kong itulog ‘to, hindi parin mawawala ang amats. Naaalala ko parin ang mga itsura nila Saab at ni Kuya noong naabutan ko silang nag-uusap sa kitchen. Saab looked devastated. Tyrone looked confused. Tapos bigla nalang sasabog sa mukha ko na naging sila pala. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. At heto pa—dalawa na nga silang involved sa mga pangyayari, wala man lang ni isa sakanila ang nag-abalang magsabi sakin. Badtrip diba?

Napasulyap ako sa upuan ni Saab. Wala pa siya. Darating kaya siya? Magagalit kaya siya sakin? Makakatikim kaya ako ng malutong na sapak? Makakalbo ba ako sa sabunot? Or malalagasan ako ng ngipin?

Pabuklat sana ako ng notes nang bumukas ang pinto. Rumampa papasok ng room si Saab, pero hindi katulad ng ini-imagine kong itsura niya. She looks poised, her hair looks great, and her skin was glowing as usual. Kung hindi ako nagkakamali, nakapagpalit pa siya ng nail polish. Lumapit siya sakin ng naka-ngiti.

                “Hi, bitch. Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo ah.”

                “H-Ha?”

                “Whatevz. See you at lunch ha. Andiyan na si Prof.”

I watched her as she walked to her seat. Ano kayang nakain nito? Hindi ba niya naaalala kung anong nangyari kagabi?

                Bago ako pumunta sa cafeteria, pumunta muna ako sa CR para mag-ayos. Habang nakatingin ako sa reflection ko sa salamin, biglang lumabas sa isa sa mga cubicle si Saab. Huminga ng malalim at lumapit sakin.  Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko ng hawakan niya ako sa buhok.

                “Diba I told you na mas bagay mo ang lugay?”

Hinila niya ang tali ko sa buhok para pakawalan ang masikip na ponytail. OMG. I thought uuwi ako ng kalbo.

                “What, are you okay? Bakit parang kanina ka pa balisa? Are you sick or something?” Saab asked, putting some lipgloss on her pouty lips.

                “Do you want to have lunch somewhere else? Gusto mo kumain nalang tayo nila Stacey sa labas? Looks like you need some air kasi.” She added.

She is acting as usual naman. Siguro ako lang talaga ang O.A.

                “Sige.”

                “Pasta? I know you miss carbonara.” She said, with matching pang-asar na ngiti.

Nabanggit ko sakanya na favourite namin ni Tyrone ang carbonara. Asar-tukso ba ito o asar-badtrip?

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon