Parting Time- The NAUGHTY Way

66 1 0
                                    

Pag gising ko, tinignan ko agad ang oras sa phone ko. Alas nuwebe na pala. Pag gulong ko sa kabilang side ng kama, wala si Tyrone. Nag-iwan lang siya ng note na lumabas lang siya para bumili ng breakfast.

Ano nga bang nangyari kagabi matapos akong ututan ni Tyrone sa ilalim ng kumot?

Well, kagaya ng ibang nangyayari sa naglalandiang mag-jowa, ang landian nauuwi sa make-out sesh. Pero hindi lahat ng make-out sesh, napupunta sa…alam mo na. I’m just glad na Tyrone is respectful to me. Na kahit dalawa lang kami sa bahay at may pagkakataon, hindi niya naisipang gawin. Siguro naisipan niya, pero hindi parin niya ginawa. Sa ngayon kahit matagal na kami, hanggang kiss palang ang ginagawa namin. Hindi naman kami nagmamadali. Darating din naman siguro yung time na magiging ready kami pareho para doon.

Bumangon ako at nagtupi ng kumot, nag-ayos ng bed, at nag stretching ng kaunti. Syempre gaya ng lahat ng babae sa mundo, salamin at banyo ang unang hahanapin ko pag-alis ko sa kama.

Okay lang kaya ang itsura ko kagabi?

Pumasok ng bahay si Tyrone na may dalang coffee at toasts. At dahil memoryado niya na ang diet ko, bumili din siya ng mixed fruits.

“Good morning babe.”

“Good morning.”

Hinalikan niya ako sa cheek bago niya inilagay sa mesa ang breakfast namin.

“Tumawag pala si manong. After lunch pa daw niya tayo masusundo. Gusto mo gala muna tayo after this? Para we can get you some clothes na rin.”

Oo nga pala. Wala akong dalang damit. Masyado nang eww kung isa-side C ko pa ang underwear ko.

“Sure.”

Umupo kami sa magkabilang side ng mesa.

“How was your sleep?” he asked, with a naughty look on his face.

“Uhm…okay naman. Ikaw, ‘musta tulog mo?”

“Okay lang din. May nahahawakan akong bilbil.”

“Kainis ka.”

“Joke. It was nice though. I mean, hindi naman tayo palaging nagtatabi sa pagtulog diba?”

Sila kaya ni Saab? Madalas kaya silang magtabi sa pagtulog? Madalas kaya silang…

STOP. That’s none of my business naman na siguro.

“So you’re moving in next week?” tanong ko.

“Yup. Do you still feel bad about it?”

“Hindi naman na. Kasi alam kong sa mga ganitong situations, dapat maging support group ang mga girlfriend. And you promised naman na we will never lose communication diba?”

“Oo naman.”

“So it’s settled. I’ll help you pack.”

“Really?”

“Oo. Eh kasi naman ang weird mo mag pack ng things mo. Iilang piraso ng damit ang dala mo pero parang mas marami pang bag ang dala mo.”

“Pero aminin mo. You love that about about me.”

“Oo na.”

“Damn, I’m gonna miss you big time.”

Napahinto ako sa pagkagat ng toast at napatingin kay Tyrone. Ito bang mga linyang ‘to ang senyales na magkakalayo na talaga kami? Na totoo na ‘to?

Hindi ko napigilang mapaluha. At masakit sa lalamunan ang mapaiyak habang kumakain ha.

“Pwede bang ngayon palang mamiss na kita?” I told him.

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon