Chapter 13

141 8 0
                                    


Today is monday. Dalawang araw na ang lumipas simula nung birthday ni Pio. Halos sumabog na yung phone ko sa dami ng calls and messages na natanggap ko mula sa kanya sa loob ng dalawang araw na yon.

"Love, please talk to me. I miss you."

"Love? I love you. Ikaw lang."

"Love, maniwala ka sakin, wala talaga kaming relasyon ni Monique."

"Please Love. Please let me explain."

"Mahal na mahal kita Love."

Yan ang karamihan sa mga messages na galing sa kanya. Oo namimiss ko na din siya. Miss na miss. Kaya ngayon, kakausapin ko na siya. Kaylangan ko siya bigyan ng chance para mag explain. Parang napaka selfish ko naman kung hindi ko sya bibigyan ng chance mag explain diba? atsaka paano ko malalaman yung totoo kung hindi ko sya bibigyan ng chance na sabihin yung totoo.

"Goodmorning Mom!" Bati ko kay Mommy na naghahanda na para pumasok.

"Mom, ang aga mo po ata ngayon?" Takang tanung ko.

"May meeting kasi ako anak. Ipagda drive ako ni Tatay Tom kaya hindi ka niya mahahatid ha? Susunduin ka ba ni Piolo? Hindi dumalaw iyong bata na iyon noong weekends huh?" Taas kilay na tanong ni Mom.

Yeah. Alam ni Mommy na manliligaw ko si Pi. Halos araw-araw ba naman akong ihatid sundo eh. At isa pa, personal na nagpaalam yun kay mom kung pwede syang manligaw. At first ayaw ni mom lalo na't baka maging bad influence lang daw sa akin si Pio dahil nga basagulero at pabaya sa pagaaral. Nagpromise siya kay mom na iiwasan na niya ang pakikipag basag ulo at pagbubutihin niya ang pag aaral niya. At nagawa niya iyon! Kaya natuwa sakanya si mom at pumayag na.

Hindi ko pa nasasabi kay mom na kami na, kaya ako kinakabahan na baka sabihin ni kuya Ry yung nangyari nung friday. Baka magalit si mom.

"Ahm, He's busy mom. So magco commute po ba ako?"

"Nako anak. Delikado na nga pala ngayon. Sumabay kana kaya sa amin? Ihahatid kana lang ni Tatay Tom pagkahatid sa akin." Ani Mom.

"Great idea mom!" Masigla kong sabi. Namimiss ko na din kasi makabonding si mom dahil masyado syang busy sa company namin.

"Haha. Lets go!" Ani mom at iginiya na ako patungo sa labas ng bahay.

Tinawag ni mom si Tatay Tom para ihanda na yung sasakyan. Parang may nakalimutan ako pero hindi ko maisip kung ano yun eh. Geez. Baka mahalaga yun.

"Anak, halika na! Dalian mo na't baka malate ka pa." Ani mom na medyo nagmamadali ata. I guess, meeting with the clients eh.

Hinatid namin ni tatay tom si mommy atsaka dumeretso na sa school.

"Parang kanina pa sunod ng sunod yung kulay asul na sasakyan na iyon ha?" Nagtatakang sabi ni tatay tom.

Napatingin naman ako sa likod at oo nga tama si tatay tom. Sumusunod na yung kotse, dahil miski sa pagliko namin ay nakasunod parin. Crap. Kinakabahan ako.

"Napansin ko na yan kanina sa tapat ng mansion ninyo hija. Magiingat ka ha? Baka mamaya budol budol o kaya nama'y baka kidnappers na iyang mga iyan." Paalala niya.

"Haaay. Opo tatay tom. Bye po. Ingat sa pag drive." Ani ko atsaka bumaba na ng sasakyan. Napatingin ako sa kulay blue na sasakyan ng bumukas din ito.

Nagmadali akong maglakad papasok sa campus pero ramdam ko pa rin na may sumusunod sa akin. Kinuha ko agad ang cellphone ko para sana tumawag kay Jhen ng biglang-

"Hmmmmmp-!!" May nagtakip ng bibig ko mula sa likod at hinila ako papunta sa isang madilim na classroom. Nagpanic agad ako ng maalala ko yung ginawa sa akin nung lalaking biglang nanghila sa akin nung nakipag away sila yung grupo nila Jaz.

Pinaupo ako nung tao sa bangko at nawala na siya sa gilid ko. Hindi ko naman makita kung saan sya nagpunta dahil nga sa sobrang dilim dito.

Tumayo ako para sana kapain yung switch ng ilaw pero saktong pagtayo ko palang ay bumukas na yung ilaw.

"I'M SORRY LOVE." yan ang nakalagay sa banner na hawak ng mga gangster na sila Jaz at yung kambal. Si Pio ay may hawak na bouquet of blue roses. Pansin kong medyo namumula ang mata nya. Umiyak kaya sya? Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap sya. Namiss ko sya. Yan lang ang nasa isip ko habang kayakap ko sya.

"Love, I miss you. Bati na tayo oh? Mag eexplain ako!" Aniya.

"Explain. Now." Nanlaki naman ang mata nya at napangiti.

"Love, hindi ko girlfriend si Monique okay?"

"Pero may gusto sya sayo!" Inis na sabi ko pero agad naman syang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.

"Oo may gusto sya sakin pero ikaw ang gusto ko." Napaiyak ako bigla sa hindi malamang dahilan. Saya o inis o dahil namiss ko sya. Ewan ko na!

"Pero hinayaan mo syang yakapin ka sa harapan ko. May pa babe babe pa syang nalalaman! Tapos kung makalingkis sayo parang higad at sinabi nya pang mahal mo siya! Nakaka asar ka! Nakaka asar ka! Bwisit kang gangster ka! Aaaarrggh!" Pinagpapalo ko sya sa dibdib nya habang umiiyak pero hindi nya ako pinigilan. Napapangiti lang sya habang pinupunasan nya ng kamay nya yung umaagos na luha sa pisngi ko.

"Nagseselos yung mahal ko. Yieee. Ang cute magselos ng Love ko. Bati na ba tayo?" Tango na pang ang naging sagot ko sa kanya.

"Ehem! Ehem! Ehem!" Sabay sabay na ubo nung tatlo kaya napaghiwalay kaming dalawa.

"Ang kati na brad oh! Nilalanggam na kami!" Pabirong sabi ni Charlie.

"Ano ba yan! Bakla na ata tong si Piolo eh!" Ani Jaz.

"Shit! Tigilan mo na yang kabaduyan mo brad!" Iritableng sabi ni Charles.

"Mga loko loko! Kapag kayo nainlove, ewan ko nalang." ani Pi.


"Mga baliw kayo. Male-late na nga pala ako!" Gulat kong sabi ng napansin ko ang orasan ko.


"Hatid kana namin Love." Ani Pio at hiniwakan ang kamay ko. Holding hands while walking ang peg haha.


"Hala! Tignan mo yun oh. Magka holding hands sila ni Papa P. My gosh! Ang swerte nya girl." Kinikilig na sabi nung babaeng nadaanan namin.

"Ang ganda ni Aina brad. Tignan mo oh. Ang swerte ni Piolo. Ang talino at ang sexy-"

"Pi! Don't- Oh my god!" Sumunod ako kay Pio na sumugod dun sa grupo nung lalaking nagsalita.



xx

A/N: Ang gwapo nga naman kasi ni Papa P. Kaya bagay sila ng isang dyosa na si Aina hahaha.

Vote and comment guys! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon