THIS IS THE LAST PART OF THE STORY. THANK YOU FOR REACHING THIS FAR. ENJOY READING!
Nakakagulat na walang umimik nang mamatay ang lahat ng ilaw. Hinanap ko agad ang mga kaibigan ko pero walang sumagot. Nakakabinging katahimikan. Nakakatakot.
"Mira? Callyx? Nasaan kayo?" Kabado kong tanong.
"Demi? Ehla? This is not a good joke!" Halong kaba at inis ang nararamdaman ko ngayon.
"Please stop this.." Biglang bumukas ang double doors sa dulo ng ballroom. Anino ng isang lalaki ang bumungad sa paningin ko.
Habang naglalakad ang lalaki papalapit sa stage ay bigla akong nasilaw sa spot light na nakatutok sa akin. Pumalibot sa akin ang mga kaibigan ko at tinakpan ng itim na tela ang mga mata ko pagkatapos ay iginiya ako papunta sa backstage.
"Ano bang nangyayari?" Mahinang hagikhikan ang narinig ko mula sa kanila.
"You're so lucky, girl!" Excited na sabi ni Ehla.
"Ikaw na talaga, cous!" Sambit ni Mira habang ibinababa ang suot kong dress.
"Hey! Why are you taking off dress?!" Natataranta kong tanong.
"Don't panic. You'll surely love this.." Patuyang sabi ni Demi habang sinusuotan naman nila ako ng panibagong damit.
Pinaupo nila ako at narinig ko ang pagtawag nila sa mga hair dresser at make up artist.
"Sabi sayo kailangan mo maayusan eh." Dinig kong sabi ng bading na si Alex na ramdam kong hawak na ngayon ang buhok ko.
Ilang sandali lang ay natapos na ang paggalaw sa buhok ko at sumunod dito ang tingin ko'y kaunting pagre-touch sa manipis kong make-up.
"Please go outside, people. We'll gonna remove her blindfolds." Rinig kong sabi ni Ehla.
"Karakaraka, Ms. Ehla! Mga beks, chupi!" Tinig ng isang beki ang sumagot sa pakiusap ni Ehla.
"Close your eyes, Ai. Don't you dare open it. Or else..." Banta ni Demi.
"Fine. As if I had a choice, crazy ladies." Tawa lang ang isinagot ng tatlo habang tinatanggal ng isa ang blindfold sa mata ko.
"Just re-touch her eye make-up, Alex." Si Ehla.
"As you wish." Sagot ni Alex.
"Red lipstick, please." Maarteng sabi ni Mira at naramdaman kong may dumampi sa labi ko.
"Done!" Sabay na sabi nilang apat at nagpalakpakan pa.
"Pwede na ba akong dumilat?" Medyo inip at kabado kong sabi.
"Not yet, pretty lady." Sambit ng kararating lang na si Callyx.
"That crazy man will be really happy today." Ani Jayson na sinangayunan ng bagong pasok sa kabubukas lang na pintuan.
"He'll surely be happy." Its Jaz!
"Hep! Tama na! Palabasin na ang prinsesa!" Excited na sabi ni Jhen. Ang napakakulit kong bestfriend.
"I miss you, guys!" Sambit ko ng inalalayan na nila akong tumayo pagkatapos ilagay ulit ang blindfold.
"We miss you too, Georg!" Ani Jhen at naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napangiti ako.
"Group hug!" Sigaw nya pa. Hilig talaga sa group hug ng babaeng to eh. Naku!
Pagkakalas namin sa yakap ay iginiya na nila ulit ako paakyat sa kung anong hadan. Dahan dahan at pinaupo nila ako bago tanggalin ang blindfold sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
General FictionAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...